Chapter 15

1.2K 40 21
                                    

CHAPTER 15

<<VOTE, COMMENT and RECOMMEND

Ayan. Ang bilis ng update ko. Hahaha. Ilang days lang ang interval. DAYS lang ba? Hahaha. Feel ko kasi ang tagal na e.

AKI's POV

September na. Going strong naman kami ng bossing ko. He's really bossy. Ang weird niya. Ever since the accident, nagrereklamo siyang sumasakit ang ulo niya. Stressed na ata ang loko. Hahahaha. October na kasi. Magfifinals na din.

Ngayon, nandito kami sa Rizal Park. Wala lang. Maiba naman. Kahit parang ang corny naman ng lugar na pinagdedate-an namin, masaya pa din ako. Basta kasama mo yung mahal mo, okay lang naman di'ba? As long as you're both together, okay lang.

"Saan mo balak pumunta?" sabi ko kay Apollo. "Kanina pa tayo palakad-lakad. Gutom na ko e."

"Tiisin mo yang gutom mo. Kaya tumataba tapos magrereklamo ka. Ang taba taba mo na talaga. Kitang kita ko na yang bilbil mo." sabi niya tapos kinurot yung tagiliran ko. "At unti unti ka ng nagiging mundo ko."

I felt my face become red. Kinilig ako sa sinabi niya. Kahit ang corny, laos at nilalangaw na yung banat line na yon, benta pa din sa'kin.

"Oh? Bakit ka namumula? Kinikilig ka noh?"

"Ha?! Hi-hindi ah. Ano kasi. Wala. May nakita kasi akong gwapo. Kaya ayon, namula ako."

TInaasan niya ko ng kilay. "Ah. Ok. Bahala ka dyan."

Then nag walk-out siya. Ano ba yan? Joke lang naman yon. Hinabol ko siya. Ano ba yan. Kahit naaksidente na to last month, ang bilis pa din maglakad. Nakakabaliw. Hahaha.

"Bossing! Joke lang. Hindi naman totoo yon e."

Naglalakad pa din si Apollo. Hindi niya talaga ako pinapansin. Anong problema non?!

"Uy. Apollo! Joke nga lang kasi. Iiyak ako dito. Wag mo ko iwan. Wait lang!" I shouted, "We-Wait lang kasi Apollo! Sorry na."

Tumingin siya sa'kin ng masama. Nag-sad face naman ako. Kasi naman e, it is supposed to be a joke.

"Bakit ganyan mukha mo? Para kang namatayan."

"Kasi naman e. Joke lang kasi yon. Tapos nagalit ka na." sabi ko habang naglalakad papunta sa kanya. "Iniwan mo ko agad."

Hinawakan niya yung kamay ko. Tapos niyakap niya ko. "Hindi naman kita iiwan. Sinubukan ko lang kung susundan mo ko."

"Eh susundan naman kita talaga e."

Naramdaman kong ngumiti siya kahit hindi ko nakikita yung mukha niya. "Tara, kain na tayo. Punta tayong SM Manila."

Lalo ko siyang niyakap. Yung mahigpit na mahigpit. Masaya ako kasi kakain na kami. Kanina pa kasi ako nagugutom talaga. Feeling ko nga mamatay na ko sa gutom. De, joke lang. Ang OA ko naman.

"Basta pagkain. Tss. Kaya nananaba."

Ngumiti lang ako. Sumakay na kami sa kotse niya.

"Ang sakit talaga ng ulo ko." sabi niya.

"Masyado ka kasing stress. 'Lika dito."

Lumapit siya sa'kin. Akala niya siguro may gagawin akong iba. I kissed his forehead. "Oh ayan, para hindi na masakit. May power kiss ko na."

Ngumiti siya. Oh gosh! Why I love his smile? Hahahaha. Para akong matutunaw sa mga ngiti niya. Ever since he told me he love me, all the stars in my night, brighten up. Para siyang meralco na nagbigay liwanag sa buhay ko. Para siyang kape na gumising sa inaantok kong puso. Okay. Ang corny. Tama na. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three times I Love You (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon