Chapter 11

1.1K 44 4
                                    

CHAPTER 11

<< VOTE, COMMENT and RECOMMEND!

WEE. Nag-update na ako agad. Pambawi dun sa matagal kong update na Chapter 10. XD

24 CHAPTERS na lang. Matatapos na to. Mag-a-update ako kapag madaming nagco-comment. Mas naiinspire ako sa comment e. Lalo na kapag medyo mahaba. ^_^ Pero siyempre, mag vote na din kayo at recommend! :))))

-------------------

AKI’S POV

“Pasok ka...” sabi ko kay Lev. Pumasok naman siya.

“Bru. Bakit ngayon lang kayo ni...” naglalakad si DM. Ugali niya na kasing salubungin ako pag dumadating sa bahay. “Levin?!”

Tiningnan lang niya kami. Siguro na coconfuse siya, “Anong ginagawa mo dito?”

“Ah...” tumingin sa’kin si Levin. Humihingi ata ng sagot. Nag-nod lang ako sa kanya. “Hinatid ko kasi siya. Nakita ko kasi siyang mag-isa.”

Pumunta na kami sa sala. Naglabas ng dessert si DM. Halatang kinakabahan siya. Bakit naman siya kinakabahan? Ano ba yan. Bawal na ba magsama ang ex ngayon?

After 30 minutes, tumayo na si Lev. “Aalis na ko. Baka hinahanap na ko sa bahay.”

“Sige, Pangs.” Sabi ko tapos hinatid ko na papuntang pintuan. Paglabas niya, sinarado ko na yung pinto. Ngumiti ako. Buti naman at okay na kami ni Pangs.

“What is that?” DM bursted out. Kakaalis lang ni Lev. Hinatid niya ko hanggang dito sa unit ko. Umupo ako sa sofa. Binuksan ko yung tv. Manonood ako.

“Ano? Hinatid niya ko. Bawal ba yun? Okay na kami ni Lev.” Sabi ko habang nakatingin ako sa tv. Humarap ako sa kanya. “Na-surprise ka ba? Ako din e.”

“Yah! You’re being weird!” Lumapit siya sa tabi ko tapos shine-shake niya yung braso ko. “Ahhh! Aki! Umamin ka ba? Kayo na ba ulit ni Levin? Kayo na ba ulit?! Ah ah ka! Nangangaliwa ka?”

“Sinong nangangaliwa?” napatingin kami sa nagsalita. Si Apollo! Takang-taka yung mukha niya.

Lumapit si DM sa kaniya tapos si Apollo naman yung shine-shake niya sa braso. “Si Aki kasi! Hinatid kasi siya ni Lev! Ay wait. Natawag si daddy. Labas lang ako.”

Lumabas si Dm tapos umupo si Apollo dun sa isang maliit na upuan na pabilog. “Anong nangyari sayo?”

Anong nangyari sa’kin? Iniwan mo ko! Tapos ngayon itatanong mo ko kung anong nangyari sa’kin?!

Yan yung mga gusto kong sabihin pero nawalan ako ng lakas ng loob. “Wala. Wala naman.” Tumingin na ko ulit sa tv.

“Si Lev? Yun ba yung ex mo? Yung stalker mo?” sabi niya.

“That was before. Okay na kami ni Pangs.”

“Pangs?”

“Oo. Pangs. Short for Panget.” Sabi ko. Napaka-flat lang ng tono ko. Ayoko siyang kausapin.

“Bakit? Kayo na ulit.”

I shooked my head. “But we’re friends.”

“Paano kayo nagkita?”

“Kamusta naman si Adrienne?” tumingin ako sa kanya.

“Okay naman na siya.” Ngumiti siya. “Bumaba na yung lagnat niya.”

“Ah. Ganun ba.” Sabi ko. Sana pala hindi ko na lang siya tinanong. Lalo akong nasaktan sa nalaman ko. Bakit siya yung pinili ni Apollo.

“It’s good to hear na okay na kayo. Buti nakita ka niya.”

Three times I Love You (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon