Tapos binuhat ako ni Andrew na parang kay Dawn Zulueta. Haha, pero syempre tumitingin tingin din ako sa paligid baka kasi may mga tao na nakatingin sa amin. Nasa labas pa din kasi kami ng bahay. Hindi ko naman na inaasahan na bubuhatin ako ni Andrew ng ganito.

"Andrew! Ibaba mo ako, baka may makakita sa atin dito"

"Eh ano naman? Mag asawa tayo eh."

Binaba ako ni Andrew tapos ay hinawakan nya ang kamay ko, tapos ay nag tatakbo kami ng paikot ikot. Tawa lang ako ng tawa sa ginagawa namin kung may makakakita samin ngayon malamang sabihin nila na baliw kami.

"I love you kahit na selosa ka"

Hinapit ako ni Andrew sa bewang at tsaka nya nilapit yung mukha nya sa akin. Tapos ay nag nose to nose kami.

"Mahal din kita kahit na makakalimutin ka. Kahit na hindi mo pa ako maalala."

Tumingkayad ako tsaka inabot ng labi ko yung labi ni Andrew. Napapikit ako dahil hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Para akong nag lalakad sa mga ulap.. Naramdaman ko na humigpit yung pag kapit ni Andrew sa bewang ko. Wala naman akong nagawa kundi haplusin yung buhok nya. Nag hiwalay lang kami ng parehas na kaming kapusin ng hininga.

Dinikit nya yung noo nya sa noo ko at sabay kaming nagkatawanan.

ANDREW'S POV

"bilisan mo kaya.. Para ka talagang pagong"

"Ang dami kasing tao kaya ang hirap mag lakad!"

"Palusot mo! ang sabihin mo pagong ka talaga. Oh sakay na"

Umupo ako tapos hinintay ko si Kim na pumasan sa likod ko. Paano naman kasi sobrang bagal nya hindi naman dahil sa dami ng tao kaya sya mabagal. Tingin kasi sya ng tingin sa mga pagkain na nasa bangketa. Kadarating lang namin pagkain na agad ang hanap -_-

"Ayoko Andrew! Nakakahiya. Ang daming tao tapos ipapasan mo pa ako tsaka hindi mo ako kaya kasi mabigat ako.Kaya wag na lang"

"Ang dami namang sinasabi Kim! sumakay ka na kaya! Sasakay ka o iiwan kita dito?"

Tiningnan ko sya ng masama. Ayun mukhang natakot naman kasi pumasan naman sya sa likod ko. Totoo nga! ang bigat nya! di ko mawari kung gaano ba kalakas kumain ang babaeng 'to at bakit ganito sya kabigat.

"Oh bili bili na suki! binebenta baboy 150 per kilo"

Sumigaw ako kaya naman nag tinginan yung mga tao sa akin. Natawa pa nga ako kasi yung tingin nila sa akin parang ewan. Nagtataka siguro sila paanong pumunta dito ang tindera ng baboy. Pero umiwas na rin ng tingin yung mga tao ng makita nila na nag bibiro lang ako.

"Bwisit ka Andrew! anong baboy?! sarili mong asawa inaasar mo! ibaba mo nga ako."

"Oy Kim ano ba?! wag ka ngang magulo dyan! pag tayo natumba parehas tayong mapapahiya dito!"

"Ah basta ibaba mo ko!"

Tuloy pa rin sa pag hampas sa balikat ko si Kim. Pero hindi ko sya pinansin. Tawa lang ako ng tawa kaya lalo naman syang naiinis. Ang pikon nya pa rin hanggang ngayon! at kahit kailan ang sarap nyang asarin.

"Gusto mo ba ng Cotton Candy?"

"Ayoko! ibaba mo na lang kasi ako.."

Binaba ko na si Kim. Tapos umalis sya bigla..Nangyari dun? naku mukhang napikon yata. Patay ako nito pahirapan nanaman ang pag suyo ko nito sa kanya. Sumunod na lang ako kay Kim. Sakto naman na nag simula na yung Concert.

"Uy Kim.."

Pero hindi nya ako pinansin. Napakamot na lang ako ulo, eto nanaman kami. Wala nga si Sophia pero nagkakainisan pa rin kami. Kasi naman bakit ko pa inasar 'to? Alam ko namang pikon 'to si Kim.

My Husband Lost His MemoryWhere stories live. Discover now