"Miho, kamusta?"

"Ganuon pa rin, Pau."

"May sinabi sakin si Goyong, nagkausap na raw sila ni Dolly."

"Tapos?"

"Pinagpipilitan ni Dolly na siya raw ang ama."

"Tapos?"

"Pinapakasal sila ni Tito! Agad-agad? Diyos ko!"

Ano pa kaya ang susunod na bad news?

"Ano ang sabi ng Heneral?"

"Siyempre ayaw niya! Hello, ano ba! Diba nga torn-between-two-lovers ang peg nitong si Heneral? Sinabi niya sakin ayaw niya dahil ikaw raw ang totoong mahal niya. Odiba, putcha namatay ako! Ang cheesy, nakakaasar! Mahal ka niya tapos ganyan-- ewan ko sa kanya!"

Napakamot ako ng ulo at napa-buntong hininga.

"Teka, sumasakit ang ulo ko, Pau."

"Hay, pag-ibig, nakakainis. Kaibigan ko si Dolly, kaibigan kita pati na rin si Goyong pero alam mo, gusto ko kayong pag-uuntugin tatlo! Jusme! Ano bang gulo ito! Teka, sinabi mo ba ang feelings mo kay Heneral? I mean, nag-"I love you" ka ba, ganon? Tas yung tipong nagsumpaan kayo sa walang hanggang pag-ibig, mga echos na ganyan?"

"Hindi, bakit?" Parang never kong sinabi ng diretso na may feelings ako para sa kanya. Kailangan pa nga ba sabihin yun kung halata naman?

"Wala naman.. Pero kukutusan ko talaga to, bakit hindi gumamit ng-- nako! Nakakabwisit! Pero nandyan na eh! Teka girl, ano..may tanong pa ako sayo."

"Ano yun?"

"Girl, yun seryoso ha?"Sabi na nga ba yung tanong niya na tungkol sa 'nagsumpaan sa walang hanggang pag-ibig' ay may follow-up question.

"Ano nga?"

"Sinuko mo na ba ang Bataan sa kanya?"

Natahimik ako.

"Hoy girl! Let me rephrase the question, sinuko niya ba sayo ang Tirad?"

Di ko napigilang matawa sa tanong niya dahil first time ko lang narinig ang term na 'Sinuko ang Tirad'.

"Echosera ka, wag kang tatawa tawa diyan! Sagutin mo ko, girl!"

"Ah, umm.."

"Diyos ko! Ikaw, halika dito! Singit mo nalang yan kukurutin ko!"

"Pau, tulog na ba siya?" Kailangan ko na ibahin ang kwento.

"Hindi, nagsusulat pa siya kanina nung nakita ko siya sa kwarto. Ewan ko anong sinusulat."

"Sige, see you. Matutulog na rin siguro ako. Good night."

"Biglang matutulog ka na? Hoy, halata ka ah! Lakas makaiwas ah! May ikkwento ka pa sakin, utang mo yan! Teka, di mo man lang ba siya kakausapin?"

"Hindi na muna."

"Hay Miho! Sige, sa susunod ha, umayos ka! Bye bye! Tawagan ulit kita."

"Bye."

---

Lumipas ang ilang buwan at parati lang kaming nagkikita ni Goyong sa coffee shop. Minsan sabay ang shift namin, minsan hindi. Duon lang kami nakakapag-usap at surprisingly, parang normal lang kami mag-usap. Hindi ako nagtanong tungkol sa kung anong nangyayari sa kanila ni Dolly dahil tuluyan ko na atang shinut-off ang pag-iisip sa bagay na yan matapos kong aksayahin ang litro ng luha dahil duon. Natanggap ko na ba? Hindi pa siguro, pero hinayaan ko na lang ang panahon na maghilom ng mga sugat na dala ng mga hindi ko inexpect na mangyari. Sa totoo lang, halatang hindi masaya si Goyong. Ilang beses niya rin sinabi sa akin na gusto na niyang bumalik na kasama ko, pero siya namang hindi ko pinansin dahil ano pa nga ba i-re-react ko? 'Tara, balik ka na!' o 'Ako rin e, wish ko lang bumalik ka na!'-- Kung ganun lang kadali sabihin yun at posibleng mangyari, e di sinagot ko na sana siya. Minsan ay niyayaya niya ako pagkatapos ng shift namin para mag-usap o di kaya, dadalawin raw niya ako pag libre ako, pero kadalasan nagdadahilan ako na busy akong mag-aral. Tinatawagan niya rin ako madalas at pinadadalhan ng mensahe pero minsan delayed ang response ko o hindi ko siya nasasagot.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now