The Boy in Ripped Jeans

Start from the beginning
                                    

Nagkatinginan si Fei at Jia and they both sighed, "It's raining, may payong ka ba?" Tanong ni Jia sakin.

I nodded, though wala talaga akong dalang payong. "Meron, ingat nalang kayo." I smiled.

"Meron akong payong sa ilalim ng desk ko." Sabi ni Fei while she tapped my right shoulder. "Soli mo nalang bukas." She winked.

Naglalakad ako habang hawak hawak yung payong ni Fei, tinignan ko yung malaking puno na nasa harapan ko at umupo ako sa bench. Tumingala ako, hindi naman ganon kalakas yung ulan, it's more of a shower. Sinipa sipa ko yung maliliit na bato sa harapan ko until I saw a shadow which made me lift my head up. Nagbabakasakali ako, na siya yon. But I was wrong. Napayuko ulit ako.

I waited for more several hours hanggang sa tumila na yung ulan at dumilim na yung paligid. Sinarado ko na yung payong at tumayo na ako.

March, 04 2010 – Still 3 years back

 

Binuksan ko yung locker ko, may nakita ako sa locker na isang card nang isang lalakeng nakaripped jeans at isang babaeng nakasweater, mukang personalized yung card, pero ang cute nya. Sino naman kaya ang nagbigay neto? Binuksan ko yung card at may nakita akong nakadrawing na lobo at dalawang taong magkaharap – wait, parang may alam akong ganitong scene.

 

"Meet me at the park, in front of the big oak tree, later at 5 p.m."

 

I blinked my eye, is this for real? Hindi ko alam, but after class, I went there, kahit umuulan. Mabagal akong naglakad habang natatanaw ko yung malaking oak tree, wala akong nakitang nakatayo doon, pero tumuloy parin ako sa paglakad habang hawak hawak yung payong ko. Nang makalapit ako may nakita akong lalakeng nakataas yung kamay habang ginagamit nya yung palad nya na pansalo sa mga nahuhulog na raindrops sa mga dahon ng puno. Tumingin sya sakin. He smiled, a smile that can make any heart fluster.

 

"Ikaw ba yung nagbigay nung card sa locker ko?" Tanong ko.

He nodded, lumapit sya saakin, basa yung buhok nya, pati narin yung damit nya, nakaripped jeans ulit sya, "You're fifteen minutes late."

"Hindi ka ba nagkamali ng locker?" tanong ko.

He laughed, a laugh that can light up a whole town. "Ba't naman ako magkakamali?" he smiled.

 

What does he want? Siya yung aksidente kong natamaan ng batong sinisipa ko a few weeks ago.

 

"Bakit mo ko pinapunta dito?" tanong ko.

"You're Iris, right? Sophomore student?"

I nodded, "Pano mo nalaman yung pangalan ko at na sophomore ako?" tanong ko.

May inilabas sya sa bulsa nya, at nakita ko yung I.D ko, yung matagal ko nang hinahanap. Nahulog ko siguro dahil nakalagay lang ito sa bulsa ko. Inabot nya sakin yung I.D ko, "Nahulog mo."

I smiled, kinuha ko yung I.D ko sa kamay nya at tinignan ko sya, "Thanks!" sabi ko.

Nilapit nya sakin yung kamay nya, "Kyle." sabi nya sakin.

I smiled and shook his hand, "Iris."

 

February 14, 2013 – Present Time

The Boy in Ripped JeansWhere stories live. Discover now