Pero saan na siya pupunta ngayon?

Iniwanan niya ang sasakyan niya at naglakad nalang basta hanggang sa makarating na siya sa parte ng syudad kung saan maraming tao ang palakad lakad. Malapit lang din kasi dito ang malaking christmas tree, panigurado ay maraming tao sa parteng 'yon at hinihintay ang pagsapit ng pasko.

Naglakad lamang ng naglakad si Daniel hanggang sa mayroon siyang nakitang maliit na pub ngunit puno ng tao. Sa labas palang ay rinig na rinig na niya ang patugtog na galing sa loob nito.

Napaisip si Daniel at nanatili lamang sa labas. Papasok ba siya o itutuloy nalang ang pagmumuni muni niya?

Biglang bumukas ang pinto at may dalawang lalaki na lumabas. Gumalaw ang mga paa ni Daniel ngunit hindi parin siya naglakad. Tinitigan niya ang bukas na pinto at napakagat sa ibabang labi niya.

Dahan dahan na itong sumasara at parang nagkaroon ng gyera sa loob ng isipan ni Daniel. Gumalaw ulit ang mga paa niya ngunit ngayon ay humakbang na siya at mabilis na iniabot yung pintuan. Humigpit ang hawak niya dito. Huminga siya ng malalim at humakbang papasok ng mausok at maingay na pub.

Inaayos ni Kathryn ang suot suot niyang pula na dress habang tinitignan ang mga paubos ng alak. "Arisse," pag tawag niya sa ka-trabaho. "Asan na si James? Paubos na yung alak natin."

Lumilinga linga si Arisse sa paligid at humaba ang nguso, "Andito lang 'yun kanina e..."

Pumameywang si Kathryn at napabuntong hininga, "Pati si Nadz wala, hindi ko kayang i-control lahat ng customer."

"Baka nag smoke lang 'yung dalawang 'yun," sagot ni Arisse. "Gusto mo ako nalang muna sa music. Focus ka nalang sa orders para hindi ka pabalik balik."

Tumango si Kathryn at bumalik na sa may counter. Sakto at may kadarating lang na lalaki at mukhang nawawalang tuta.

Tinapik ni Kathryn ng dalawang beses yung counter upang mapatingin ang lalaki sakanya. "Anong lason mo?" tanong niya dito.

"Huh?"

Saktong tumutok ang isa sa mga paikot ikot na ilaw sa club at nakita ni Kathryn ang namumulang mukha nito. "Alak," ani Kathryn at maibilis na iginala ang mga mata niya sa buong itsura nito bago lumihis na ibang direksyon 'yung ilaw. "Depressed ka ba? Gusto mo beer? Tequila shot?"

Napakamot sa ulo 'yung lalaki. "K-Kahit ano."

Tumaas ang dalawang kilay ni Kathryn, "Okay.." aniya bago kumuha ng dalawang shot glass. Mukhang problemado ang lalaki at halatang hindi sanay mga ganitong lugar, kung ano man ang problema niya, malaki siguro kung dito siya napadpad kaya naman naisipan ni Kathryn na hindi naman siguro masama kung damayan niya 'to.

Nilagyan niya ng tequila 'yung dalawang shot glass tapos kumuha ng dalawang lemon at dinampot yung pakalat kalat na lalagyan ng asin. Nilapag niya ang lahat ng 'to sa harapan nung lalaki.

"Game," sabi niya dito bago iabot 'yung isang shot. "Marunong ka?"

Tinignan siya ng lalaki at sumimangot, "Mukha ba akong tanga?" sabi nito sakanya.

Itinagilid ni Kathryn ang kanyang ulo. "Hindi naman," sagot niya. Nilagyan niya ng asin ang kamay niya at itinaas 'yung shot sa direksyon nung lalaki bago niya dinilaan ang kamay niya at uminom. Tapos kinuha niya 'yung lemon at masayang kinagat at sinipsip ito. Dalawang beses niya itinaas ang kanyang mga kilay at nginitian ang lalaki. "Mukha ka lang virgin."

Hindi makapaniwala si Daniel sa sinabi sakanya ng maliit at tattoo-an na babae. Parang nang-aasar pa ang ngiti nito. Nag tagis ang bagang niya dahil sa inis at ini-straight ang shot niya ng walang asin at lemon bago malakas na ibinagsak ang shot glass sa counter.

Nakita niyang medyo namilog sa pagkabigla ang mga mata ng maliit na babae at naramdaman ni Daniel ang pag angat ng gilid ng labi niya. Tapos bigla nalamang ngumiti ang babae ng pagkalawak lawak at pinalakpakan siya. For some reason, hindi pa rin napawi ang ngiti ni Daniel.

"Nice nice!" Puri ng babae. "Isa pa, on the house."

Tumango si Daniel. Nawala na ang pag aalala sa dibdib niya at ginawang kumportable ang sarili niya. Ipinatong niya ang dalawa niyang braso sa counter at ini-relax ang tayo niya.

"Alam mo kase, bawal ang depressed dito." Sabi sakanya nung babae habang nagsasalin ito. "Masaya dapat lahat. Lalo na't pasko. Kaya kung ano man 'yang bumabagabag sa isipan mo, kalimutan mo na muna at mag-enjoy lang." Ini-slide nung babae 'yung shot glass sa harapan niya. "See you around," sabi nito bago siya ngitian at maglakad papunta sa ibang customer.

Tinignan ni Daniel 'yung alak sa harapan niya bago tumango tango. May point 'yung babae. Ngayong gabi, kakalimot na muna siya at e-enjoy-in ang gabi niya.

Ilang oras na lamang bago mag pasko. He is gonna make this night memorable.

"Fuck you, Sue." Mahinang bulong niya bago inumin 'yung tequila.

Santa's Naughty ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon