Inuman Session

10.5K 274 14
                                    

Railey??? Pilit kong iniisip kung sino ang Railey sa kabilang linya dahil pamilyar sakin ang pangalan na yun!

Hindi kaya yun yung pinsan niyang Hambog na sobrang presko kung umasta! Minsan ko ng nakita yung ungas na yun, pero sobrang lakas talaga ng dating sa utak nun, akala mo bang kagandahang lalaki kaysa sakin! Pero may ipagyayabang nga ang binata na yun, 5 taon na din naman ang nakakaraan ng unat huli kong makita yung mapreskong pinsan ni Cheska na yun!

"Hindi ko pa nasasabi kasi medyo nahihiya ako, saka isa pa insan di ko sigurado kasi nga nung unang nagkita kayo ng mokong nato eh, preskong presko sya sa'yo! Kaya titingnan ko magagawa ng Pinsan mong pang beauty queen ang awra, nakakaloka ka naman kasi, ano ba kasi naisipan mong tukmol ka, nababawasan ang poise ko sa'yo ng bonggang bonnga, kapag di pumayag si besty juicecolored ang Virginity ko ang nakataya dito" Yan ang mga narinig ko kay cheska sa kausap niya sa kabilang linya, pinsan nga niya ang kausap niya sa kabilang linya na sobrang angas at presko, GGSS sa sarili ang kumag na yun! Wag ko lang makikita ulit yun na yayabangan ako papuputkin ko labi niya! Tila tapos na ang pakikipag usap ni Iska sa pinsan niya kaya agad naman akong lumapit upang usisain dahil nakakaramdam ako ng di maganda.

"Oiiii Ganda!! Sino yun?? Bagong manliligaw??"

"Ihh ano beh, dont say the Obvious, (sabay hawi ng luka luka sa buhok niya) Pak ganun!! Pag may kausap sa phone manliligaw agad? Echusera ka Aivan diba pwedeng pinsan ko kausap ko??"

"Ahh sino?? Yung pinsan mong mayabang??"
Banggit ko sakanya na medyo salubong ang kilay, di ko din maintindihan kung bakit yabang na yabang ako dun sa pinsan niya na yun kahit wala namang gingawang masama sakin. Siguro may mga tao lang talaga na kahit di mo kilala o walang ginagawa sayo e asar na asar ka!!

"OA naman natong pekto nato' ouchhness ahhhh, pinsan ko kaya sinasabihan mo ng mayabang" halatang medyo nainis si iska, alam ko naman din na alam niya na yabang na yabang ako sa pinsan niyang yun!

"Oh bakit diba? Totoo naman diba?" Tumayo ako at sabay bagsak ko ng isang kamay sa mesa sa harap ni Iska.

"Alam mo ikaw Van, ang OA mo to the 66th power divided by 48 times 79 degree celcius, ganyan pag ka OA mo, kakaloka ka, makayabang ka nemen, e mas mayabang ka kaya sa pinsan kong super Hot and Gwapo.. Oww yes tama ka ng dinig Besty, mas Hot at gwapo sayo pinsan ko kaya sarrehh ka!" Pang iinis pa niya sakin.

Di na muna ako nagsalita ng mga 10 segundo para kunwariy wala akong narinig, at binuksan ko ang TV upang manuod.

"Ohh ngayon?" Siya namang sagot ko sa tila pag momonologue ni Iska.

"Well well well my mom raised me well" habang papalapit sakin ang bruha at kinukumpas pa ang mga kamay at tila ba isang seksi dancer na nahihibang.
" lumayas ka nga sa harap ko francheska at naaalibadbaran ako sayo, ang sagwa! Ang babae mong tao" sabay balibag ko ng Unan sakanya, pinipilit kong wag matawa kaya binalibag ko siya ng unan.

"Aray ko naman pekto ka! Mashakit ahh, peroo masharappp, haha e kashi naman besty may sasabihin nga ako sayo ayaw mo naman akong i listen i am the alone at the crossroad,."

"Ok! Sabihin mo na ng isang bugso para tapos dahil mag iinom tayo ngayong gabi, kaya sabihin mo na, kanina kapa paikot ikot sa sasabihin mo, nauurat nako sayo"

"Chill lang my Hot and super yummy Bestfriend ever in the whole universe" habang itinataas taas pa ang mga kamay at paa ng siraulo. Ang lakas talaga ng sayad nitong babae nato, kung di ko lang kilala to pag iisipan ko na may toyo ang utak.

"Isang bugsuan sabihin mo na" medyo pasungit kong tugon.

"ok kasi ganito yun, si Railey na pinsan ko na anak ni tito kaloy na syempre pinsan ko nga kasi yung nanay ko saka tatay niya magkapatid kaya magpinsan kami, e kasi itong si mokong naeklabu may pinagtataguan sa probinsiya, at kung ano ang reasoness niya ehh di ko pa knows, kaya nakikiusap siya sakin na makituloy muna e since alam mo naman na puro kami beauty queen sa inuupahan ko e di talaga pwede, kaya sabi ko gagawa ako ng paraan, e wala nako maisip kaya sabi ko kakausapin kita, kahit alam kong di palagay ang lamang loob mo sa pinsan kong hot at super gwapo e gagamitin ko ang aringkingking super powers ko para makonbinsi kita na baka pwedeng dito muna sayo ang pinsan kong super Hot at gwapo para naman magkaroon ng may itsura sa bahay mo bukod sakin na sobrang pretty to the highest level, yesss todo nato woohhh,!! O yan ok naba? Mr. Sunget??"

I'm Inlove with the WRONG personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon