What is the meaning of Happiness - (GirlxGirl)

71.4K 526 25
                                    

Hi guys...!!

Paalala ko lang na sa first chapter na ito ipinapaliwanag yung nakaraan ni Samantha kaya naman sa 2nd chapter pa magsisimula ang kanyang kwento!!!!

i hope you like it. ;))

CHAPTER ONE:

Papaano ba maging masaya ng wala kang nasasaktan?

At kung sino pa yung mga taong inaasahan mong hindi ka iiwan, mamahalin at tatanggapin kung sino at ano ka ay sila pa itong nagpapabagsak sa buhay mo..


rriiinnngggggg...rriiinnggg...rriiinnnggg.....


"hello, sino ba ito?" tanung ko sa tumawag sakin, sa sobrang pagod ko sa work kagabi hindi ko na nagawang imulat ang mga mata ko para tignan kung sino ang tumawag at madaling araw nain kasi akong nakatulog.. "ahh...hhmm...pasensya na po Ms. Dizon si Juli po ito" si Juli ang aking secretary..

"oh! Juli napatawag ka? Ang aga mo naman tumawag? May problema ba sa opisina?" nagtatakang tanong ko sa kanya, "meron nga po ma'am, na andito na po kasi sila Mr. Cruz and in 25minutes magsisimula na po ang meeting nyo, padating na po ba kayo".

Napaisip akong bigla, hhmm... meeting? Bakit ang aga naman yata samantalang 10:30 pa yung pinatawag kong meeting para ngayong umaga, bigla akong napatingin sa orasan ko at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko kung anong oras na.

"Shit!!! 10 am na!!!! bakit hindi ako nagising sa alarm clock ko!!!!!" sigaw ko habang hawak ko ang phone at naalala na nasa kabilang line pa pala si Juli.

"thanks Juli sa pagtawag mo, dadating ako dyan in 20minutes" sabi ko sa kanya habang kumukuha ng damit na susuotin ko ngayon sa work.

"wala po yon ma'am, trabaho ko po palagi ang i-inform kayo sa mga nangyayari dito sa opisina" sabi nya. Mabuti nalang at nakakuha at nakahanap ako ng magaling at mabait na secritary na tulad nya.

"ok sige, asikasuhin mo muna yung mga kailangan sa meeting at sila Mr. Cruz"..

"ok po ma'am".

Pagkababa ko ng phone dali-dali akong naligo, nagsipilyo at nagbihis...

Mabuti nalang at ni-ready ko na ang mga gamit ko bago ako natulog kaninang 4am at nasa kabilang gilid lang ang opisina ko...

Grabe antok na antok pa ako pero heto at naglalakad na papasuk ng bulding, sinalubong agad ako ng magandang bati ng mga sicurity guard at ipinag bukas ako ng pinto. "good morning po Ms. Dizon, mukang medyo tinanghali po yata kayo ngayon?" tanong sakin ni mang Ben. "oo nga ho mang Ben andami ko kasi tinapos kagabi para sa meeting ngayong umaga at heto ako ngayon late" natatawang ikinwento ko sa kanya "sige po mam baka lalo pa po kayong malate nya"...

"sige mang Ben good morning nga pala".

Naglalakad na ako papunta sa meeting place ng makita ko si Juli na hinihintay ako kaya nilapitan ko sya.

"Juli, ready na ba ang lahat?" tanung ko sa kanya

"yes! Po mam" kinuha nya ang mga hawak ko at pumasok na kami sa room.



Ang kumpanya ko ang may pinaka malakas pagdating sa marketing sales ang DC (Dizon Corporation), kilala ang DC sa buong bansa at pati nadin sa Asia..

Matitibay at magaganda ang mga design ng mga inilalabas ng aking kumpanya na pang summer collection.

Sawakas natapos na ang meeting, nagkapirmahan na din kami ni Mr. Cruz para sa kontratang kakailanganin ng kanyang kumpanya para sa mga models.

What is the meaning of Happiness - (GirlxGirl)Where stories live. Discover now