"Kasi may video ka raw na nakipaghalikan kay Jayden."

Nanlaki ang mga mata ko.

Alam kong inasahan ko 'to pero di ko alam na ganito kabilis.

"T-Tapos?"

"Tapos?" Tumaas ang kilay niya. "Totoo yung video na yun?"

Ibig bang sabihin nito ay di niya pa nakikita ang video? "Tapos? Anong nangyari?"

"Nasa cellphone kasi ng mga kaibigan niya. Tapos pinakita sa kanya. Galit na galit siya umalis. Pinaharurot yung sasakyan niya palabas ng campus pagkatapos niyang tignan yun! Buti na nga lang di kinalat ang video sa buong campus pero syempre alam nila ang nangyari."

Parang may nagbara sa lalamunan ko habang tinitignan si Earl na nagtitext sa cellphone niya.

"Tinitext ko sina Emma." Aniya.

"Earl, asan yung mga kaibigan ni Troy?"

Napatingin siya sakin nang nakakunot ang noo, "Nasa building yata nila? B-Bakit?"

Gusto kong sumugod sa mga kaibigan ni Troy.

Naglakad na agad ako papuntang building nila pero pinigilan ako ni Earl.

"Bakit?" Galit ko siyang tinanong.

"Wrong move, Trisha. I guess you need to find Troy first."

Napalunok ako sa narinig ko sa kanya.

Ilang sandali ko pa bago naiproseso ang sinabi niya. Una sa lahat, kukunin ko muna ang confiscated cellphone ko.

Tumakbo ako papuntang faculty room habang naliligo ng mga bash!

"Ang landi talaga ni Trisha!"

"Kapal! Nainlove lang si Troy sa kanya may karapatan ng mag two time?"

"Two timer! Akala ko si Troy magtataksil, yun naman pala siya! Syempre! Nagtaksil nga siya sa ex niya eh."

"Trisha, cheat with me na rin oh!"

May mga galit. May mga pinagtawanan ako. Marami. Iba-iba ang naging pananaw ng mga tao. Gusto kong isaksak sa kokote nila ang totoong nangyari pero tama si Earl, si Troy ang importante sa ngayon. Wala akong pakealam ano ang tingin ng sambayanan, ang importante ay tama ang tingin ni Troy.

"Ma'am, may I get my phone back?" Hinihingal pa ako habang sinasabi ko iyon.

"No, Ms Roncesvalles. Buti nagpunta ka dito... You should first do these tasks..."

Gumuho ang mundo ko. Sasabog na ako at magmumura sa harapan niya pero nilunok ko ang lahat ng galit at inis ko. Galit na galit ako sa sitwasyon. Inis na inis ako sa mga ginagawa ng mga taong nakapaligid sakin.

"Tapos na po..." Pagkatapos kong i-file lahat ng mga walang kwentang records niya sa cabinet.

Training To Love (Published under MPress)Where stories live. Discover now