Kabanata 29

1M 25K 7.3K
                                    

Kabanata 29

Maliit na Sakripisyo

Tahimik kami hanggang dumating kami ng Le Marcelle.

"Troy, baka may makakita satin."

Suminghap siya at umiling.

May kinuha siya sa drawer niyang keys at binigay sakin.

"Mauna ka na doon. I'll take the foods and the things with me. Susunod ako."

Tumango ako at lumabas sa sasakyan niya. Naramdaman ko talagang tinitigan niya ako palabas at palayo ng sasakyan niya. Nakakaconscious tuloy. Wala naman ako masyadong kilala sa night shift kaya safe lang. 

Marami akong nakasabay sa elevator. Nagui-guilty ako. Hindi ko alam kung bakit di ako mapakali.

Dali-dali ko namang binuksan ang pintuan ng suite niya. Bumuntong hininga ako nang nakapasok ako. Damn! I think this is cheating! Alam kong isa akong dakilang sinungaling... noon pa... Pero hindi pa ako nakonsensya ng ganito.

Umupo ako sa sofa ni Troy at binuksan ang TV habang naghihintay sa kanya.

Biglang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Jayden. Bumilis ang pintig ng puso ko. This time it's because I'm guilty.

"H-Hello!"

"Hi, Trisha!" Masaya ang tono ng boses niya.

It broke my heart.

"Hi!" Pinilit kong sumaya.

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng sa cellphone. Kailangan sa personal.

"Kumusta?" Tanong niya. "I'm sorry, wala akong time mag check sayo..." Suminghap siya. "I miss you so much. I miss your voice."

"I miss you, too. Kailan nga ba ang balik mo?" Tanong ko.

"Saturday pa... I'm sorry."

"It's okay." Sabi ko.

"I have a lot of things to do right now... Tumawag lang ako to check on you... Lagi akong tumatawag ng ganitong oras diba? Inaantok ka na ba?" Tanong niya.

"Uhm... Mejo..." Pumikit ako. "Hindi ka pa ba matutulog?"

"Nope. I have things to do..." Narinig ko ang ngiti niya. "Okay... Sige na, matulog ka na. I miss kissing you."

Pumikit pa ako lalo. OMG! "I miss you, too, Jayden."

Humalakhak siya, "Okay... Sige na.. Good night. Sleep tight, alright? I love you."

"Yep. Ikaw din. Good night! I can't wait to see you.." I hung up.

Oh my God! Tinakpan ko na lang ang bibig ko ng palad ko. I really can't do this... Natulala ako hanggang sa dumating si Troy dala-dala ang pagkain at mga damit na binili namin.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon