WYBHBM ~~ Chapter 50 part 1

Magsimula sa umpisa
                                    

"KABADO LANG AKO,OK?! MANAHIMIK KA NA LANG JAN!"

"manahimik e kung manginig yung kamay mo para kang kinukuryente!"

"e di bitawan mo!"

"sabihin mo lang kung ayaw mo pa. Pwede namang bukas na lang."

"psh. Di ako duwag,de Vera." pero yung totoo? Gusto kong mabangga na lang yung taxi na sinasakyan namin bago kami makarating ng ASYLVIAR.

Ang sama ko. -__-

Kalma ,Miyu. CALM DOWN!

Sinubukan kong mag-isip kahit distracted ako.

Hindi ko pa din kasi alam kung anong sasabihin ko kay Daddy.

Nag-decide ako agad-agad ng hindi inaalam kung anong magiging consequence sa part ko.

Hindi ko alam kung anong magiging resulta.

Kapag nakita ko ba sya ,anong unang mararamdaman ko?

Anong unang lalabas sa bibig ko?

Susumbatan ko ba ulit sya?

Ngayon ko lang narealize na napaka-stupid ko.

Hindi ko naman kayang sabihin kay Xandrei na ayoko ng tumuloy. Lalabas na duwag ako at hindi ko kayang harapin ang bagay na kinatatakutan ko.

Bakit nga ba ito ang pinili kong desisyon?

Napatingin ako sa kamay kong hawak ni Xandrei.

Inisip ko din kasing may tao talagang dapat balikan ang lalaking 'to.

. . .at hindi talaga kamay ko ang dapat na hawak nya ngayon.

Andito sya para kontestahin ang addendum.

Parehas kaming against sa kasal.

Tama lang na makawala sya saken di ba? Hindi ko din naman gustong ma-trap sya saken at ma-trap din ako sa kanya.

Isa pa, may utang na loob ako sa taong 'to.

Minsan ko lang syang napasalamatan sa mga bagay na nagawa nya para saken. Maliit man o malaki.

Aminado naman akong mapride ako at hindi ko gustong magpatalo sa kanya tuwing may away kaming dalawa.

But now, I want to return the favor.

Para di ko na kailangang magsabi ng 'salamat ng marami'. This is my way of saying thanks to him,showing my gratitude.

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon