Ngunit naisip ni Vice na magpabebe muna. Pumiglas sya sa yakap ni Karylle at nagpatuloy na lumakad.

As for Karylle, halos mataranta na sya dahil akala nya na totoo nang naiinis si Vice sakanya. Kaya nanguna na si Karylle sa paglalakad at humarap kay Vice.

"Sorry." sinserong tugon ni Karylle at niyakap si Vice.

"I love you." pahabol ni Karylle.

Halos lumipad na sa alipahap si Vice sa sobrang kilig. Nang dahil sa hindi nya na matiis si Karylle, niyakap nya na ito pabalik.

"Love you too." sambit ni Vice.

Kumalas na si Vice sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ni Karylle at magkasamang naglakad pabalik ng hotel.

*****

Kinabukasan ay nagbalik taping na ang magkasintahan. Sa lobby lang ng hotel ang location nila kaya hindi mahirap magpalit ng damit.

Kissing scene amg shinoshoot ngayon. Halos nakakailang take na ang dalawa dahil tawa ng tawa si Vice. Nagkukunwari syang naaawkward para di obvious na gustong gusto nya.

"Vice, isang halik lang naman! Mamamatay ba jowa mo sa isang halik ha?" sigaw ng director gamit ang megaphone.

"Sorry direk! Di keri ng powers ko talaga, pero sige go. To make people happy, kiss natin to." paumanhin ni Vice.

"Ayusin mo. Isang kiss lang nakaka72 takes na tayo! Paano pa kaya yung sa bed scene?!?!" sigaw ng director.

"BED SCENE?!?!" sigaw nila Vice at Karylle.

"Oo may bed scene, nagdagdag kase ang writers ng love scene para mas nakakakilig. Eh paano tayo matatapos eh kung isang kiss lang di nyo pa magawa! Bilis na!" sigaw ng director.

"Okay direk. Eto na talaga. Go na po." tugon ni Vice.

"Ok. Take 73 kissing scene, in lights, camera, action!"

Palapit na ang labi ni Vice kay Karylle nang..

Tumunog ang cellphone ni Vice.

"Naknampucha! Kaninong cellphone yun?!?!" sigaw ng director.

"Sorry direk. Hehe." tugon ni Vice sabay labas ng cellphone sa bulsa.

"Break nga muna. Iniistress mo ko Vice. Oh, 10 minute break!" sigaw ng director.

Agad namang umupo sa tabi si Vice at Karylle. Uminom muna sila ng tubig bago mag-usap.

"Sino yung tumawag?" tugon ni Karylle habang inaayos ang curls ng buhok nya.

"Si Vhong. Pinagtitripan siguro ako ng mga yun." sambit ni Vice.

"Baka naman may sasabihin na importante." Karylle.

"Hindi ko alam. Baka nga--" naputol ang sinasambit ni Vice nang magring ulit ang cellphone nya. Tumatawag ulit si Vhong.

"Oh ayan na oh, natawag na. Sagutin mo na. Baka may sasabihin." tugon ni Karylle.

Tumango naman si Vice, "Doon ko nalang sa kwarto natin sasagutin. Akyat muna ko. Kunin ko lang powerbank ko. 20% nalang tong phone ko eh." sambit ni bakla.

"Okay sige." tugon ni Karylle. Umakyat na si Vice padiretso ng kwarto nila ni Karylle.

Pinindot ni Vice ang 5th floor ng elevator. Pagkadating niya sa 5th floor, tumungo na siya sa kwarto nila ni Karylle. Pagkapasok ni Vice ng kwarto ay agad nyang sinagot ang tawag ni Vhong.

"Oh ano nanaman bang problema mo?" tugon ni Vice at niloud speaker ang cellphone para mahanap nya ang powerbank habang kausap sina Vhong.

**

"Ay wait! Nakalimutan kong ipakuha yung tumbler ko kay Vice. Magtitimpla ako ng coffee eh." tugon ni Karylle sa staff.

"Gusto mo po bang kunin ko, Ms. K?" tugon ng staff.

"De wag na, ako nalang kukuha. Puntahan ko na din si Vice para makapagshoot na." sambit ni Karylle.

"Okay Ma'am." tugon ng staff.

Tumayo si Karylle sa kinauupuan at nagpaalam sa director nila, "Direk! Akyat lang po ako may kukunin lang po ako sa room namin." paalam ni Karylle.

"Sige, tawagin mo na rin si Vice para magshoot na kayo." tugon ng director, tumango si Karylle as an answer.

Dumiretso na si Karylle sa elevator at pinindot ang 5th floor. Pagkadating nya sa 5tg floor ay pumunta na sya sa kwarto nila ni Vice.

Malayo palang sa kwarto nila ay napansin na ni Karylle na nakabukas ang pintuan ng kwarto nila, agad syang pumunta doon at tinignan kung ano ang nangyari.

Ngunit palalapit palang sya ng kwarto ay naririnig nya na ang boses ni Vice. At ang masaklap, hindi pa sya makapaniwala sa sinasambit ng kanyang kasintahan.





(Ano ba Vice? Ikaw ha. Baka nakakalimot ka sa pustahan natin ah? Oh, nasagot ka na ni K. Nasaan na bayad namin?) tugon ni Vhong sa kabilang linya. Naka- loudspeaker ito kaya naririnig ng kahit sino.... kahit si Karylle.

"Tangina nyo! Pwede bang kalimutan na yang pustahan na yan?" singhal ni Vice.

(Bakit? Mahal mo ba sya? Hoy, may pustahan tayo na kung sasagutin ka ba ni K o hindi, oh, nanalo kami ni Billy. Nasaan na?) sambit ni Vhong sa kabilang linya.

"Di ba kayo makapaghintay? Nasa london pa ko!" tugon ni Vice.

(Ay oo nga pala, balita ko sya leading lady mo ah. Diba dapat si Anne? Bat si K na?) singit ni Billy. Napansin ni Vice na magkasama pala sina Billy at Vhong.

"Pwede ba, tantanan nyo ko!" sigaw ni Vice.

(Ay sus. Mahal mo na ba sya? Bat sya sinama mo dyan?) tugon ni Vhong.

(Oo nga brad. Mahal mo na ba si Karylle?) sambit ni Billy.

It took seconds for Vice to answer, "H-Hindi. Alam nyo namang bakla ako diba! At oo nanalo na kayo sa pustahan nyo. Babayaran ko naman kayo eh, hindi kayo makapaghintay." Magsasalita ulit si Vice nang....

.
.
.
.
.
.
.
.
"V-vice?"

******

A/N: hi po, hehehehehehe mwa -@HUSKYVICE

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon