Chapter 40: Threesome

Start from the beginning
                                    

"Hmmmm.... Nung magising ako, nagkwento naman siya kahit papaano. Nag apologize din siya sa 'kin nang BONGGANG BONGGA to the HIGHEST LEVEL! Sorry daw dahil nainvolve kami ng Kuya ko and so on. Kaso medyo nahurt din yung brain ko kase parang... Ano 'to? Naghahanap pala tayo sa wala? I mean, nagkanda loka loka na ako na ako raw yung susi, hindi ko na malaman kung anong padlock ang bubuksan ko tapos.... BOOM! Nakaplano na pala ang lahat. Tsk tsk tsk..."

Pareho lang kami ng saloobin ni Alex. 'Di malaman kung saang parte ng paglalakbay ang kailangang paniwalaan.

"Bakit pala nandito yung dalawang kaibigan ni...." pagputol ko. Ayoko talagang ibring up ang pangalan ni Mick dahil baka kung saan makarating ang usapan. Malakas ang kutob ko na inoobserbahan kami ng lukaret na pamangkin nitong si Mick. "NG TIYUHIN MO," dugtong ko.

"Ewan ko ba, ano bang pumasok sa utak ng kapatid mo para humingi ng tulong sa dalawang extortionist na yun? Sabi lang kase ni Ten kailangan ng MANPOWER. Pucha manpower daw e mga hayop yung mga yun! Isang unggoy at isang palakang kamukha ni chocolate," batid niya nang pagalit.

Para sa 'kin, hindi na rin kailangan ang serbisyo ng dalawa. Parang Ten is adding INSULT to the injury. Only selective people should know the whereabouts of this treasure, hindi ng mga outsider lang. Siguro may pinaplano si Ten na hindi ko pa alam patukoy sa dalawa.

"Hindi ko pa masyadong nakakausap si Ten except nung magkamalay tao ako. Tell me what's the plan?"

Tumingin sa 'kin si Alex na ang mga mata'y parang nangungutya.

"O bakit ganyan ka makatingin?" nawiwirduhan kong sabi sa kanya.

"Ikaw kase! Buong araw kayo lang ni Kuya ang magkasama... ASUS! Umamin ka nga JACE....."

Biglang nagtayuang muli ang mga balahibo ko hindi sa takot, kundi sa awkwardness na nararamdaman ko. Para akong nakarinig ng kaluskos ng pusa sa bubungan ng bahay. Sinasabi ko na nga't it's a bad idea na makipag-usap sa babaeng ito dahil gagawa't gagawa siya ng paraan para ikonekta ang usapan sa Tiyuhin niya.

".... And that's the reason why ayaw na ayaw kitang makausap," prangka ko sa kanya na may halong inis.

"Teka nga sandali.... Ang gusto ko lang sabihin, e.... Bati na kayo! All is well na between the two of you... Ikaw talaga kung anu-anong iniisip mo..."

Gusto kong pektusan sa singit ang babaeng ito nang madala. One of the biggest mistakes that I've done in my entire life was nung umamin ako sa kanya about sa real score sa 'min ni Mick. Ang bobo ko nung mga time na 'yun. And now, yung kabobohan na yun e nagrereflect sa katauhan ni Alex na ang personality e sobrang beyond of what a normal girl should act.

"Tssssss....."

"Oh well Papa Jace. Whether believe it or not, nirerespeto kita. Kung tingin mo hindi ako karesperespeto... Well, I earned it naman dahil sinira ko ang tiwala mo. Kung naging okay na kayo ni Kuya, sana okay na rin tayo. Peace na tayo please."

Hindi naman sa galit na galit ako sa kanya. Kung tutuusin e napatawad ko na siya matagal na, ayoko lang is makialam siya sa kung anumang gusto ko sa buhay ko with her eyes and ears off. Hindi lang ako kumportable sa kanya dahil sa tuwing makikita ko siya'y parang may naka monitor sa aking CCTV kahit saan ako magpunta.

Parang pulubing nagmamakaawa si Alex sa 'kin. Hindi ko alam ang sasagutin sa kanya dahil hindi na niya kailangang humingi pa ng tawad.

"Tumigil ka Alex, para kang tanga...." sabi ko, at itinigil na niya ang pagme-make face niya na talo pa ang pulubi kung mamalimos.

******

Pinabalik ko na si Alex sa lungga niya para mapag-isa muli ako. Para siyang naging commercial break sa pagmumuni-muni ko.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now