Tumingin na muna ako ng ibang mapapanood. Mukhang trip talaga ni Dory mga pambatang palabas ngayon. Naisipan kong isalang ang Monsters Inc.



Totoo ang sinabi ko kanina. Babawiin ko talaga ang anak ko pag nakita ko na siya. Kung kailangan gamitin ko pa ang koneksyon at pera na meron ako, gagawin ko. Makuha ko lang siya. Alam kong masamang pakinggan. Pero anak ko siya. Dapat lang na nasa akin siya. Kasi akin pa din siya. Wala akong paki kung sino ang masasaktan ko.





Kahit sarili pa niyang ina.


------------


% Dory's POV


Agad kong nilagay sa lababo ang mga nagamit namin kanina. Napaisip ako sa usapan namin kanina. Kitang-kita ko na seryosong-seryoso ni Nemo. First time ko siyang makita na ganun. At alam kong seryoso siya dahil...





NAG-ENGLISH SIYA! NGAYON LANG NIYA ATA AKO SINAGOT NG ENGLISH! KAYA PAINIGURADONG SERYOSO NA SIYA!


Ganun dawa ang sabi nila... napapaenglish pag seryoso o galit. Hindi naman galit si Nemo at seryoso siya kanina.


Naalala ko din ang naging usapan namin nina Agnes noong fourth month na nagpacheck-up ako.


*Tenteneneeeeen* FLASHBACK!


Agad na bumalik ako sa opisina ni Luke. Nakalimutan ko kasi tanungin kung paanong dose nung gamot ko. Kumatok na muna ako sa opisina at pumasok din. Pero agad naman akong nagulat at napaurong sa nakita ko.


"Ayy naku po naman!" Ang dalawa... naghahalikan na naman! Agad na tumigil ang mga ito pero di pa din naghiwalay.


"Oh Dory! May nakalimutan ka?" tanong agad ni Agnes. Parang walang nangyari.


"Magkakaanak na kayo... pero para pa rin kayong honeymooners." naiiling na komento ko. Napatawa naman si Agnes. Namula naman si Luke.



Teka...Parang baliktad ata?



"Pasensya naman... ipapaalala ko lang din na newly weds lang din kami." nakagiting sabi ni Agnes. I rolled my eyes at her.


"Okay. Fine." walang gana kong sabi.


"Bakit ka napabalik, Dory? May nakalimutan ka ba?" tanong naman ni Luke.

Finding: Nemo-'s Sperm (The search for the missing sperm.)Where stories live. Discover now