x35 The Truth

Beginne am Anfang
                                        

"Hindi mo siya makukuha dahil AKIN siya. Kunin mo na kayamanan ko, wag lang ang babaeng MAHAL ko" pag tatanggol ni Kence saakin. Nkaramadam naman ako ng pagiging espesyal pero hindi pa din nawawala ang kaba ko sa nangyayari ngayon.


Dumadami na ang tao sa canteen kaya may nakakapansin na samin. May nagbubulung bulungan na nga din eh.


"Itigil mo na ang kalokohan mo Kence." Kuya.


"Huh, ano bang problema mo?" Tumayo na si Kence pati Ako.


"Ikaw ang problema ko" Kuya


"Kung akom tigilan mo na ko." Kence


"Eh gago ka pala eh" Kuya, agad namang sumugod si kuya at sinuntok sa pisngi si Kence. Natumba si Kence, agad ko naman siyang inalalayan pero agad humugot ng lakas si Kence at sinuntok din si Kuya.


Hala ! Nag susuntukan na sila, suntok doon, suntok dito. Parang nasa pelikula ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.


"TAMA NA!" Sigaw ko pero hindi nila ako pinapakinggan. Walang umaawat. Help me !


"Siraulo ka!" Kuya


"Mas gago ka!" Kence


"Lubayan mo na ang kapatid ko !" Napatigil si Kence sa pag susuntukan nila. Humabol naman ng isang suntok si kuya kay Kence kaya si Kence napaupo sa sahig habang hawak ang kanang pisngi at nag dudugong labi. Samantalang si kuya hinihingal hingal naman. God, what's happening ?!


"HAHAHAHAHAHA. Wala akong ginagawa sa kapatid mo Dwayne !" Kence


"Meron at yon ay niloloko mo siya!" Kuya


"Ni hindi ko nga kilala yang kapatid mo tapos lolokohin ko siya?"Kence


"Kilala mo siya, kilalang kilala" Kuya.


"TUMIGIL NA NGA KAYONG DALAWA ! ANO BANG GUSTO NIYO?" pag puputol ko. Baka kung saan na mapunta yung sinasabi ni Kuya.


Tumigin sakin si Kuya. "Huh, Ano Diane? Kilala mo na ba talaga yang gagong Kence na yan" sabi ni Kuya.


"Walang kinalaman si Diane dito kaya wag mo siyang idamay!" Kence.


"Ano Diane, nag pakatanga ka noon tapos ngayon mamahalin mo yang bastardong yan?" pag papatuloy ni kuya. Naguguluhan ako. Ano bang nangyayare?


"Kilalanin mo muna yang lalaking yan. Kung sino , ano at bakit may koneksyon siya sa pag kamatay ng tunay mong ina"


Nagulat naman ako sa sinabi ni kuya. Anong ibig niyang sabihin? Bakit sinasabi niya saakin ito, sa harap ni Kence at sa harap ng mdaming tao?


"Ano bang pinagsasabi mo?" galit na tanong ni Kence.


Ms. Nerd TransformationWo Geschichten leben. Entdecke jetzt