Chapter Two

8.8K 147 6
                                    

Pagkagising ni Roxanne kinabukasan ay ‘di agad siya bumangon. Tinapik-tapik pa niya ang kanyang pisngi. Hindi siya makapaniwala na nag-propose na sa kanya si Arthur Totoo ba talaga ‘yong nangyari kagabi? Hindi ba ako nananaginip? I’m engaged!

Naalala pa ni Roxanne ang sinabi ni Arthur kagabi, “Pag nagpakasal na tayo, I’m sure there will be a lot of adjustments.”

Hindi maiwasang mag-isip at magtanong ni Roxanne kung ano ang mga adjustments na tinutukoy ni Arthur at ano kaya ang magiging buhay nila bilang mag-asawa? Magkahalong tuwa at takot ang nararamdaman ni Roxanne. Matulad din kaya siya sa nangyari sa parents niya? Sana naman ay hindi.

Maganda sana ang buhay nina Roxanne kung naging mabuting asawa at ama ang Daddy niya. Magandang lalaki at simpatiko ang Daddy ni Roxanne kaya naman minahal ito ng todo ng Mommy niya. Subalit iyon din ang naging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila. Nagkaroon ang Daddy niya ng ilang relasyon sa ibang babae at natuto rin itong magsugal kaya naman naisanla nila sa bangko ang kanilang ari-arian hanggang sa tuluyan itong mailit nang unti-unting malugi ang kanilang negosyo.

Dumating din sa punto na iniwan na silang mag-ina ng Daddy niya at sumama sa ibang babae. Nakita niya kung paanong nasaktan ang Mommy niya na halos ikabaliw nito. Makalipas lang ang mahigit isang taon ay bumalik ang Daddy ni Roxanne sa kanila sa kadahilanang may malubha itong karamdaman at iniwan na ng kanyang kinakasama. Dahil sa sobrang pagmamahal ng Mommy niya sa kanyang Daddy, tinanggap niya ito na parang walang nangyari.

At the age of sixteen, Roxanne’s Dad passed away. Dinamdam na mabuti ng Mommy niya ang pagkamatay ng Daddy niya. Naging malungkutin ito at nawalan ng ganang mabuhay. After three months, sumunod na rin ang Mommy niya. Naiwan siya sa pangangalaga ng Auntie Neneth niya, bunsong kapatid ng kanyang Mommy. Mabait ang Auntie ni Roxanne, sinuportahan siya nito sa pag-aaral kahit may sarili na rin itong pamilya.

Nang makatapos si Roxanne sa pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho ay sinikap niyang tumulong sa gastusin ng pag-aaral ng kanyang mga pinsan ngunit hindi ito tinanggap ng kanyang Auntie Neneth at Uncle Robert. Maayos din naman ang takbo ng kanilang negosyo kaya inipon na lang niya ang kanyang sweldo.

Nagkaroon pa siya ng dalawang trabaho bago siya nakapagtrabaho sa law firm ni Drake. May kalayuan ito sa bahay ng Auntie niya kaya nagdesisyon si Roxanne na kumuha ng sariling condo unit na malapit-lapit sa opisina ni Drake. May sapat naman siyang ipon kaya hindi siya nahirapan pagdating sa financial. Ngayon ay magtatatlong taon na siyang nasa law firm ni Drake.

Dahil sa nangyari sa mga magulang ni Roxanne, she became more careful. Ayaw niyang matulad sa Mommy niya kaya mas naging mapili siya sa pagtanggap ng mga manliligaw. Kaya ng makilala niya si Arthur, sinigurado niya na isa itong responsable at may pagpapahalaga sa pamilya. May ilang mga bagay na hindi sila pinagkakasunduan pero positive si Roxanne na magiging maayos din ito oras na ikasal sila.

Napilitan si Roxanne na bumangon nang marinig niya ang kanyang alarm clock. Hudyat iyon na kailangan na niyang mag-prepare for work.

Pinark ni Drake ang kanyang kotse at pinatay ang makina pero hindi siya agad lumabas. Sa halip, ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa manibela at tumitig sa windshield ng kanyang kotse. It’s been two weeks since he had seen Pauleen at sandali lang siyang namalagi sa funeral ng kanyang ina. Hindi rin sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap. Nang araw ring ‘yon kinailangan niyang pumunta ng Singapore dahil may importanteng kaso siyang dapat na asikasuhin. Sobrang late na siya nakabalik kagabi at sa tindi ng pagod niya wala na siyang ibang gustong gawin kundi matulog.

Habang nasa Singapore, ilang beses niyang tinawagan si Pauleen and it’s very obvious that there was something wrong with her. Pag tinatanong naman siya ni Drake, Pauleen is diverting their conversation to other topics. Drake convinced himself that maybe she wants to tell it to him personally. Naisip din niya na maaaring may kinalaman ‘yon sa kanyang namayapang ina o trabaho. Noon pa man ay tanggap na ni Drake na mahihirapan siyang mapapayag si Pauleen na magpakasal sa kanya dahil sa trabaho nito oras na mag-propose siya. Isa siyang uprising fashion model. Pero titiyakin niyang magpapakasal na sa kanya si Pauleen.

Love ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon