Chapter 11

17.6K 338 5
                                    

-Ava-

*

Second day na ngayon ng shoot pero binilin ko lang kay Lucy , siya na ang bahala. Hindi ako makakapunta sa location kasi ang rami ko pang gagawin sa sho at may pa meeting ako sa mga clients.

--

Lucy
calling mobile...

" Hey Lucy?"

"Hi Ava, hindi ka ba makakapunta talaga dito?" tanong sa akin ni Lucy.

"Kakatapos lang ng meeting and may gagawin pa ako dito. Wala na akong time Lucy. Kaya ikaw na muna bahala diyan. Hows everything?"

" Everything's under control Ava. I mean isang design nalang at matatapos na tayo. Im so excited."

"Really? That's awesome! so last day na tayo ngayon?"

"Yes. Lastday na at ma forforward na natin sa clients ang mga designs."

"Thats great kasi di na sila makapag antay. And Im so happy right now at makakahinga na ako. "

"Yes Ava."

"Thanks Lucy. Ill see you tomorrow okay?"

"Okay."

At agad ko ng binaba ang phone. Makahinga na rin ako sa wakas at makapagpahinga na rin. Finally!

--

Kinagabihan...

"Miss Ava may naghahanap po sa inyo." sambit ni Mark sa akin.

"Who?"

"Nasa labas po Miss."

"Okay Mark. Susunod na ako."

Inayos ko muna ang mga gamit ko at lumabas na ng opisina.

"Ayun po Miss. Yung magandang babae na namimili ng damit." sabay turo ni Mark.

Si Brit. Bigla akong kinabahan. Anong ginagawa niya dito at bakit niya ako hinanap.

Dahan dahan ko siyang nilapitan habang tumitingin ng damit.

"Bagay yan sayo." agad kong sambit sa kanya at agad siyang napalingon sa akin.

"Hey." bati agad niya sabay ngiting pamatay na naman at agad kaming nagbeso.

Nang magdikit ang mga pisngi namin para akong nakurente na di ko maintindihan kung ano ang nafefeel ko bigla may nagspark sa katawan ko at tumaas balahibo ko. Ughh! Weird!

"Dumeretso kaba dito pagkatapos ng shoot? May make up ka pa oh."

"Yes kasi gusto kitang makita , di ka nagpunta sa shoot. Busy bah?"

"Sorry. Super busy may meeting ako kanina at hindi ko maiwan ang shop." sagot ko sa kanya. " Bakit gusto mo akong makita?"

"I see. Ahm! Para mag thank you and gusto kong magdinner tayo? Kumain ka na ba , okay lang ba sayo yayain kita boss?" sabay ngiti niya.

"Dinner? Hmmm."

"Yes please. Sige na. Its my treat boss kasi super bait mo sa akin. Kaya please?"

"Okay. Di pa naman ako kumain so Okay! Basta treat mo?"

"Opo boss. Treat ko."

"Okay."

"Yess." napalakpak pa siya.

"Kunin ko lang bag ko para dretso na ako uwi pagkatapos."

"Sure. Hinatayin nalang kita dito."

"Okay." at agad na akong tumalikod papasok pabalik ng opisina. Ito na naman kinakabahan na naman ako at di na mawala sa mga labi ko ang ngiti. grr!

--
"Anyways boss ,hindi pala tayo formal na nagpakilala sa isat isa." tugon niya sa akin pagkatapos naming magdinner.

"Okay?"

"Brittany Oriana Mercado."sabay abot ng makinis niyang kamay.

"Aviana Ava De la Cuesta" at agad kaming nag shake hands parang mga tanga lang.

"Isa kang De la Cuesta?

"Yes?"

"Rodrigo De la Cuesta?"

"My Dad. Kilala mo si Daddy?"

"Sinong hindi nakakilala sa Dad mo. Isa siyang sikat na businessman and magkamukha kayo."

"Yeah sabi nga nila mas kamukha ko si Daddy keysa kay Mommy."

"Para kayong pinagbiyak bunga."

"Yeah right!"

Marami din kaming napag usapan hanggang sa nagpasya na kaming umuwi.

Naghiwalay kami pagdating sa parking area.

Agad kaming nagpaalam sa isat isa nang marating ko na ang sasakyan ko. Di ko talaga matanggal ang ngiti sa aking mukha kanina pa habang kasama ko si Brit at ganun din siya. Para na tuloy ayukong mahiwalay sa kanya. Ayy ano ba tong nafefeel ko. Ugh! Makauwi na nga.

My Daddy's Mistress Where stories live. Discover now