Chapter One

17.7K 227 20
                                    

Walang emosyong pumasok si Drake sa opisina ng kanyang executive assistant na si Roxanne Tolentino.

Nakatayo si Roxanne sa kanyang office chair para maglagay ng bond paper sa printer. 

Nang makalapit siya rito ay napasilip siya sa may bintana. Kahit nasa eleventh floor siya ay kitang-kita niya ang mahabang traffic sa kahabaan ng Edsa due to rush hour. 

Hindi alintana ni Roxanne ang presensya ng kanyang Boss. Abala siya sa kanyang working area para i-cue ang ipi-print niyang letter na pinapagawa ni Drake. Habang nagpi-print ay tumayo siya at nag-stretching ng bahagya nang biglang magtama ang kanilang mga mata.

Hindi maiwasan ni Roxanne na pagmasdan ang boss niyang si Drake.

Matangkad ito sa taas na limang pulgada at labing isang pulgada, napakatikas sa suot niyang business suit at dahil mahilig ito sa sports napanatili niyang maganda ang pangangatawan. 

Ganoon na lamang ang pamumula  ng pisngi ng magtama muli ang kanilang mga mata. 

Naiiling na napapilig ng ulo si Drake. Pasimple niya rin sinipat ang sarili. At tila Adonis na proud na proud sa sariling kakisigan.

Pero lately mas napapadalas ang paglalaro niya ng golf at surfing kaya mas naging moreno ang kulay ng kanyang kutis na lalo pang nagpadagdag sa kanyang kagwapuhan. Halatang pagod na ito dahil tatlong hearing ang pinuntahan niya maghapon. Nakatitig siya kay Roxanne na tila wala sa sarili. 

"Well, siguro si Pauleen Diaz na naman ang nasa isip ni Drake," isip ni Roxanne. 

Si Pauleen Diaz ang babaeng pinakamamahal ni Drake ng ilang taon. Matagal ng may lihim na pagtingin si Roxanne sa binata. Pero dahil alam naman niya na wala siyang panama kay Pauleen at imposibleng magustuhan siya ni Drake, sinagot niya si Arthur Cristobal. Isa itong Senior Accountant sa isang multi-national na kompanya. 

Nagkakilala sila ni Arthur dalawang taon na ang nakakaraan sa may LRT Station sa EDSA. Umuulan noon at medyo siksikan sa pag-akyat pa lamang ng sakayan. Hindi namalayan ni Roxanne na may isang magnanakaw na pala ang tinatastas ang bag niya. Nagkataon naman na nasa likuran niya noon ang binata at agad na napigilan ang tangkang pagnanakaw. Laking pasasalamat ni Roxanne. Nagkapalitan ng cellphone number, nagkaligawan, naging sila and the rest is history. 

Sa rami ng nakarelasyon ni Drake, siya ang kadalasang nakikipaghiwalay sa mga ito. Pero sa kaso ni Pauleen, nag-iba ang takbo ng istorya, si Drake ang habol ng habol kay Pauleen.

Napansin ni Roxanne na bahagyang nakakunot ang noo ni Drake kaya agad niya itong binati. “Good evening, Atty. Is there anything I can do?” malambing na tanong ni Roxanne kay Drake.

“What?” tila natauhan ito ng binati ni Roxanne. “Ah . . . yes, actually. Pauleen’s Mom passed away two hours ago due to a car accident.” 

“Ho?” gulat na reaksyon ni Roxanne.

“You heard me right. Pauleen is alone right now. Her Dad is still on business trip.”

“Saan po siya naaksidente?” tanong dito ni Roxanne na tila hindi pa rin makapaniwala.

“Sa Cebu. On her way to their board meeting. I need to accompany Pauleen so could you please book a flight for me to Cebu tonight?”

“Of course! Ilang araw po kayo mag-stay roon para makapagpa-reserve na rin po ako sa hotel?”

“No need for that. Babalik din ako mamaya pagkahatid ko kay Pauleen.”

“Ah, okay po. Sige po magpapa-book na po ako ngayon.”

Lumabas na si Drake at bumalik sa kanyang private office. Hindi niya isinara ang pinto ng office ni Roxanne kaya nakita nito na dali-daling inilagay ni Drake ang mga papel na nasa ibabaw ng table niya sa kanyang briefcase. Bumalik itong muli kay Roxanne na dala na ang kanyang gamit.

Love ReboundWhere stories live. Discover now