"Hoy bwiset. Come over ASAP. Nandito ako sa Clubhouse."
Nagreply din right after si Hurri saying,
"I can't."
Nag-worry si Spring kaya after ng program at party night na ang natira nagpaalam si Spring kina Andie.
Spring : Bebe. Pwede bang umuna na ako? May kailangan lang akong puntahan. I'm sorry kung maiiwan ko kayo pero I really need to. Bawi ako sa inyo next time.
Andie : SIge, go ahead. Party na lang naman eh. Ingat. :)
Kinuha lang ni Spring ang gamit niya at dali daling tinawagan si Hurri. Pero ayaw nitong sumagot kaya nag iwan na lang siya ng message.
"Nasan na kaya yung date ko?. Sabi niya kasi magkasama daw dapat kami."
Nagreply si Hurri at sinabing,
"Nandito yung ka-date mo sa isang chapel malapit sa Clubhouse."
"Sige yung ka-date mo papunta na dyan."
"Sige, hintayin ko na lang siya. Dito lang ako. Hindi ako aalis."
Nasa chapel na si Spring ng lumapit siya kay Hurri. Sila lang dalawa yung tao sa chapel.
Spring : Hindi ka maniniwala sa nakita ko kanina. Hahaha
Hurri : Si Kristine.
Spring. (natatawa) Oo siya nga. Aren't you supposed to be happy?. Nakita mo na ulit yung Tine My Love mo. :) Hahahaha
Hurri : (nalungkot) Haaays.
Spring : Oh bakit?. Hindi mo ba siya na-miss?
Sa totoo talaga niyan, hindi naman talaga umalis si Hurri sa bahay nina Kristine kanina. Nandun siya the whole time kaso pinapanuod niya si Kristine mula sa malayo. Simula nung nasa bahay hanggang sa Clubhouse bago siyang tumungo sa Chapel.
Hurri : Nandun ako. Nakita ko siya. Tapos biglang bumalik yung mga nangyare saken. Naalala mo yung Freshmen College tayo? High School pa lang siya nun pero grabe na yung pagkagusto ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung anung napakain nun sa akin kung bakit ganun na lang ang pagkagusto ko sa kanya. Ginagawan ko siya ng assignments, projects, seatwork, cheats sa exams.
Spring : At term paper.
Hurri : 'Di ba? Tapos ang sakit ng nalaman kong ginagamit lang pala niya ako. Na gumagawa lang siya ng paraan para mauto niya ako. Masakit yun para sa aken kasi ako, wala akong ginawang mali, MINAHAL KO LANG SIYA.
Spring : Ang weird na ng usapang 'to ah. Hahaha Tumawa ka na nga. Di ako sanay na nag-iinarte ka dyan. Yung kilala kong Hurri, malakas mambwiset at hindi nagpapadaig sa mga babae. Nasan na yun?
Hurri : Pinilit kong magbago dahil akala ko mas matatanggap ako ni Tine pag naging mas cool, mas gwapo at mas sikat ako. Ginawa ko lahat. Sumali ako sa Varsity, sumali ng kung anu anung club at organizatons sa school, pinatanggal ko ang eyeglasses ko, nagpalit ako ng clothing style at haircut. Ginawa ko na ring kumuha ng iba't ibang chicks para makita niya na malayo na ako sa Jake na nakilala nya nuon. Na hindi na ako yung eengot engot na Jake na taga-gawa nya ng kahit anung requirements sa school. Ako na si Hurri.
What's with Sunday?
Start from the beginning
