16: Friends

49 4 0
                                    

[Claire's]

"Tara na. Mag aala sais na pala"
tumayo siya at tinignan ako, "Diba sa Royale Subdivision ka nakatira? Doon din kasi ang way ko pauwi so sabay na tayo"

I-Inaaya niya ba ako na sumabay kaming dalawa?!

"Ayos lang ba sayo?"

Tatanggi pa ba ako?! Eh ayan na ang kanin. Nakahain na! Kainin ko na! Lol.

"S-sige ba!" ngumiti ako at tumayo na.

"Akala ko tatanggi ka pa eh. Haha"

"Nakakahiya lang. Haha"

Naglakad na kami papuntang gate1, "Bakit naman?"

Kasi crush kita! Nakakailang keye.

"Eh... ewan! Haha. Kasi nung nakaraan kachat lang kita. Tapos ngayon, sabay na tayo sa pag uwi. Haha" pero okay lang naman sakin. Hihi.

Para na tayong mag GF at BF. Mygas. Hihohi!

"Alam mo, nung nakachat nga kita parang ang tagal na nating magkakilala"

Wait. Wait! A-anong pinagsasasabi nito?!

Teka ah. Kinikilig ako!! Huhu.

Napatingin ako sa kanya, "H-ha?"

"Nakakatuwa ka kasi kachat. Haha! Ang weird ko no? Pero kasi nung naka chat kita feeling ko nawala lahat ng mga pinoproblema ko"

"Problemado ka sa buhay?" agad kong tanong sa kanya

Napatingin siya sakin kaya agad akong umiwas ng tingin. Nakakailang.

"Hm, medyo?"

"A-alam mo, hindi man ako magaling sa pagiging adviser, magaling naman ako sa pagiging listener" mahiya hiya kong sabi. Juice ko. Kinakabahan ako!!

"Hahaha. Salamat Claire" sabi niya na nakapagpahinto ng puso ko. Okay, exaggerated na masyado. Pero kasi...

Feeling ko mas lalong gumanda ang pangalan ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Hihi.

"Claire?" napatingin ako nang tawagin niya ako. Aish, napahinto pala ako!

"N-nandyan na!" sabi ko at naglakad na papunta sa kanya.

"Baliw. Haha" mas lalo siyang gumagwapo kapag tumatawa. Ayie!

Oo na. Baliw na ako. Sayo... yiee❤ haha!

--

"Ahm. B-bakit bumaba ka rin?" nandito na ko sa kanto ng Royale at hindi ako makapaniwala na nung bumaba ako eh bumaba rin siya!

"May nakalimutan kasi akong sabihin. Hehe" sabi niya at kumamot sa ulo.

May kuto ka? Char!

Kung meron man hindi ako mate-turn off sayo. Haha! Susuyudan pa kita eh. Lol

"A-ano?" sabi ko sabay lingon sa likod ko. Baka kasi nandito na lolo ko. Nagpapasundo kasi ako lagi sa kanto para naman makatipid sa pamasahe. Hoho.

Hm, mukhang wala pa naman kaya hinatak ko siya sa may waiting shed. Dahil sigurado akong patay ako sa lolo ko kapag nakita niya kong may kasamang lalaki. Hindi pa ko ready na ipakilala siya. Char!

Tago naman tong waiting shed located sa gilid ng Royale Subd.

"Ano yung sasabihin mo?"

"Ah..." tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa wrist niya.

Agad akong namula at napabitaw sa kanya, "S-sorry!"

Ano bang ginagawa mo, Claire!!!!

"Okay lang yun. Haha! Nga pala, ahm kung okay lang sana na ano..."

Teka... aayain niya na ba ako magpakasal?!! Okay, exagg ulit.

Aayain niya na ba kong mag date?!!

OH.EM.GEE.

"N-na ano?" yumuko ako. Nag iinit kasi ang mukha ko! Feeling ko sasabog ako!! Sa kilig.

"Ahm, can we b-be friends?"

Sa wakas! Inaya niya na ko...

Ah... huh?

Napatingin ako sa kanya, "Eh?"

"Kung okay lang sayo" sabi niya at ngumiti. Nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko at kinain ko ito. Okay exagg ulit. Haha!

Pero..., "F-Friends?"

"Oo. Bakit ayaw mo ba?"

"Ah, hindi. Kasi ano..." ayoko ng more than friends. Joke! Haha.

Kasi hindi ako makapaniwala na nakikipag kaibigan ka sakin!! 'Yung totoo, nananaginip lang ba talaga ako?!
Hindi kasi talaga ako makapaniwala!!

Si Harold Bautista na crush ko lang, agad akong pinansin, kinausap, at ngayon nakikipag kaibigan sakin!

"Ano?"

"Ah, wala! Hehe. Sige friends na tayo!" aarte pa ba? Haha! Kinamayan ko siya. Ang lambot. Hoho

"Salamat! Hehe. Sige, umuwi ka na. Aalis na rin ako, bye" ngumiti siya sabay para ng jeep.

Bago siya sumakay, "Chat-chat nalang mamaya. Bye" at tuluyan na siyang nawala.

Napatingin ako sa kamay ko.

"Nahawakan ko ang kamay niya"

Sinarado ko ito. Ang swerte swerte swerte ko!!!!

Hinalikan ko ang fist ko sabay taas ng kamay, "Yes!" at naglakad na paalis sa waiting shed.

--

Sa bahay,

Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang mga ngiti ko sa labi.

Humiga ako sa kama ko, "Harold Harold Harold. Waah!" tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan ko.

Hindi ko na huhugasan 'tong kamay ko!!!

I Crush YouWhere stories live. Discover now