18: First Date

50 4 0
                                    

[Claire's]

Nagdaan ang isang linggo, hindi na kami nakakapag usap ni Harold. Mapa chat or sa personal man.

Nakakapanlumo. Akala ko simula na ng pagiibigan namin. Aigo~

Nag online ako, "Nakakainis na messenger, puro nalang connecting!"

Papatayin ko na sana ang data nang may nag pop out na chat. Teka…

"Si Harold!!" napatayo ako dahil sa saya na dumaloy sa aking katawan. Agad akong napatakbo sa pintuan upang ilock ang pinto. Baka may pumasok na 'Love Breaker' at siya pa ang maging dahilan nang pagwasak ng aming pag iibagan.

"Oh aking Romeo. Kanina pa kita hinihintay. Saan ka ba nag sususuot? Para kang daga, kung saan-saan nag sususuot" lol. Hahaha.

Ian Bautista: Hi! May ginagawa ka ba ngayon?

Seen 4:31PM

Ginagawa? Eto, busy sa pagmamahal sayo. Yiee.

Claire Mendoza: Ahm, wala naman. Bakit?

Seen 4:40PM

Ian Bautista: Aayain sana kitang lumabas. Hehe

Seen 4:41PM

Claire Mendoza: Lumabas? Bakit, nasa labas ka ba ng bahay namin?

Sent 4:43PM

Binuksan ko ang bintana ko at tinignan kung nandun nga sa labas ng bahay namin si Harold. Aba! Malay mo naman mamamanhikan na agad. Nako, baka hihingin niya na ang mga kamay kooo! Magpapakasal na kami! Kyah!♥

Ian Bautista: Hahaha. Hindi ah. Hindi ko nga alam yang bahay niyo eh. Although yung subdivision alam ko na.

Seen 4:49PM

Claire Mendoza: Phase 9 Lot 31 Block 45 Royale Subdivision. Ang kulay ng bahay ay peach tapos may white. May mga puno rin sa gilid.

Seen 4:51PM

Ian Bautista: Haha. Baliw. Aanhin ko yan?

Seen 4:53PM

Claire Mendoza: Titigan mo baka sakaling lumabas sa screen. Malamang puntahan mo! Hehe

Seen 4:55PM

Ian Bautista: Luh? Ba't naman ako pupunta sa bahay niyo?

Seen 4:56PM

Baka makikitae.

Claire Mendoza: Dali, walang tao dito.

Seen 4:58PM

Ian Bautista: Walang tao sa inyo?

Seen 5:00PM

Claire Mendoza: Oo. Kaya pumunta ka na't baka manakawan kami! Dali, bantayan mo ang bahay namin. Hahahaha!

Seen 5:02PM

Ian Bautista: Ahahahahahaha. Baliw!

Seen 5:04PM

Claire Mendoza: Sorry na. Hoho.

Seen 5:09PM

Ian Bautista: Di nga seryoso. Labas tayo tomorrow.

Seen 5:10PM

Claire Mendoza: Ano namang gagawin natin sa labas? Sun bathing?

Seen 5:13PM

Ian Bautista: Date ofcourse.

Seen 5:13PM

DATE?!

DATE?!!

He's asking me to a date?!!

Claire Mendoza: Are… you serious?

Seen 5:21PM

Ian Bautista: Do I look like I'm kidding?

Seen 5:21PM

Okay, ayoko ng mag english. Baka kapag nireplyan ko 'to ng english eh magtuloy tuloy na. Lol.

Claire Mendoza: Ah… ha ha. Sabi ko nga.

Seen 5:24PM

Ian Bautista: Tomorrow, 3:00 in the afternoon at Robinson. Sana pumunta ka. I'll be waiting :) Bye.

Seen 5:25PM

Wait… what?!

Is he serious?!?!

Mag dedate kami?

Kaming dalawa lang?! Sa isang table kumakain. Nag kukwentuhan, nag tatawanan.

Waah~ natupad na ang mga pangarap ko!!

Excited na ko bukas!!❤

--

Maaga akong natulog dahil need ko ng mahaba-habang beauty rest dahil may date kami ni Harold ngayon. Our First Date.

Hindi ko alam kung friendly date lang ito or may-something-na-between-us date 'to, pero who cares! Basta inaya niya 'kong makipag date sa kanya!!

Antaeee. Totoong nag lelevel up na kaming dalawa!! Wuhoo.

Papaparty ako mamaya sa bahay namin. Hihi.

--

3:03PM at Robinson.

Nakatayo ako dito sa labas ng robinson. Nag hihintay. Hihi.

Actually kanina pa kong 2:30PM nandito kasi naeexcite ako eh! Tsaka ayoko rin namang paghintayin si Harold ng matagal kaya ayun, inagahan ko na. Napa sobra nga lang. Hehe

Pumasok na ko sa loob ng robinson dahil napaka inet sa labas. Juice ko!

(Waiting…)

3:10PM. Wala pa rin?

(Waiting…)

3:15PM. Bakit ang tagal niya?

Okay lang. I'm willing to wait. Hoho.

Napatingin ako sa likod ng may nangalabit sakin.

"Hi!" bati niya sakin nang nakangiti. Cute. Pero mas cute si Harold.

"Ah… hello?"

"You're Claire Hann Mendoza, right?" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Ah… kilala mo 'ko?"

"Yup. I'm Marc Evans. Your date"

Say what?!!

I Crush YouWhere stories live. Discover now