"Aba Ms. Men..."

kringggggg... kringgggg....!!!

Yes save by the bell hahaahaa!!!.

"Ok, class dismisss." Agad akong lumabas ng room baka mapatawag pa ako ni Sir batsi na ako..

Back to present.

"Hahahaha!!! Langya ka pinaalala mo pa!! Mabuti nalang talaga hindi ako na disiplinary nun noh?!" Sabi ko na natatawa.

"Lakas kasi ng trip mo." Sabi nito. Napailing na lang ako.

Nakuha ang attention namin ng may komosyon sa may mga bisita sa gitna.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Baka dumating yung anak ni Tito Richard artista kasi yun eh."
"Weh?! Di nga? May artista sa pamilya niyo? Baka kamukha ng pinsan mo yan."

"Hahaha, walang pangit sa amin nuh...lalo na yung si Tisoy. " sagot nito.

"Anong tawag mo kay Frankie? Na ambunan lang?" Humagalpak na naman ito ng tawa.

"Anak yun ni tito Richard well dapat lolo na kaso ang bata pa ni Tito Rich para maging Lolo so. Nakaugalian na naming mga apo na Tito ang itawag sa kanya. " explain nito.

"Ahhhh... so tito mo yung anak nya? sino kaya yun? Si Richard Gomez ba?!" Tanong ko.

"Hindi ka age ko lang din."

"Ganun ba? Puntahan kaya natin?".

Lumakad na kami papunta sa mga tao ng salubungin ako ni lola.

"Hija, apo! Hali na tayo at umuwi na masyado nang gabi." Sabi ni Lola.

Napatingin ako kay Ruru.
Tumango ito.

"Oh, sige Ruru. See you when will I see you ah..." sabi ko. Tinanguan lang ako nito.

Inalalayan ko si Lola palabas,hindi na ako nakapag paalam ng maayos sa may celebrant kasi atat ng umuwi si Lola.

==========================

Late na ako sa party ni Tita,. Medyo nagkaroon lang ng konting problema sa set kaya nalate ako.

Mukhang kanina pa nagsimula ang party ah..

"Yoh!! Brod how are you?!" Bati sa akin ng pamangkin kong si Frankie. Magka age lang kami niyan.

Bata pa kasi si Daddy 20 years ang agwat ng age nila ni Tita Helen.

"Ok, lang ito. Naghahabol na late ako. Puntahan ko muna si Tita."
Sabi ko.

Nasa gitna si Tita kasama ang mga kaibigan ata nito.

"Hi tita?" Tawag pansin ko dito.

"Hijo!!! Tisoy!!! Kamusta na ang pinaka busy kong pamangkin?" Lumapit ako at inakap ito.

"I'm sorry tita, na late ako." Sabi ko.

"No worries hijo I understand." Magiliw na wika nito.

"Mamaya kana umuwi hijo gusto pa kitang makausap."

"Opo Tita, mag sstay ako dito."

Luminga linga ito ganun din ang ginawa ko.

"Oh, ayun pala ang Daddy mo. Nako yang daddy mo kanina pa sina sight ng mga amega ko. Hahaha..."

Natawa ako sa sinabi ni Tita. Sa kakalingon ko may nahagip akong dalawang tao na nag uusap at nag tatawanan sa bantang likuran ni daddy hindi ko ma intindahan kung bakit nakuha nila ang attention.

Finding You (AlDub fanfic)Where stories live. Discover now