Chapter 5

917 23 0
                                    

"LOLA." mahinang sambit ni Cloud nang makita ang matandang babae. Yumukod naman ang kasama nilang matandang lalaki rito at iginiya sila palabas ng naturang elevator.

"Cloudio! Bakit hindi ka na umuuwi sa mansion?" nagtatampong wika ng matandang babae.

Inakbayan naman siya ni Cloud. "I'm just busy, Lola."

Napalunok siya nang tingnan ng Lola nito ang tiyan niya. Napakunot noo siya. Malaki ba bilbil ko? Last time I checked medyo flat naman..

"Don't tell me nabuntis mo si Cielo." gulat na wika nito.

"Cielo?" nagtatakang tiningnan niya si Cloud. Nagkibit balikat lang ito.

Kinabahan siya nang lapitan siya ng matandang babae at inspekyunin. "Cielo is really pretty, apo. I like your taste. Malinis tingnan. Kagalang galang ang kasuotan. Elegante at mayumi. May taste ka, Cloudio apo."

Bigla siyang naconscious sa pinagsasasabi ng matandang babae. Inayos niya ang pale blue dress niya at napahawak sa buhok niya. Nagtataka rin siya at Cielo ang tawag nito sa kanya. Langya naman. Ako pa yata ang napagkamalang jowa ni Cloud. Anak ng! Excuuuse me! Ako Lola may taste ako. Hindi ko papatulan ang apo ninyo. Ewww.

Nanatili namang tahimik lang si Cloud sa tabi niya. "Cloudio, kumain na ba kayo ni Cielo? Halika na at saluhan mo na kami ng Mama at Papa mo. Kakarating ko lang nang malaman kong dumating ka. Hindi ka na kasi nag-uuuwi. Kaya dito na lang kami kumakain lagi para naman matikman namin ang---"

"Lola. Tara na." putol ni Cloud sa sinasabi ng Abuela nito.

"O siya sige. Alalayan mo si Cielo." inalalayan naman ng matandang lalaking umaaktong Butler ang matandang babae.

"Sino si Cielo? And bakit Cielo ang tawag sa akin ng Lola mo? And ano ba! Wag ka ngang makaakbay akbay sa akin. Kinikilabutan ako. Bakit pa kasi tayo nagpunta rito? Ayan tuloy napagkamalan pa akong si Cielo mo. Kainis! At take note ha! Andito pa ang parents mo." inis na bulong niya rito.

"Wag ka na ngang masyadong matanong. Just go with it. Hindi ako titigilan nila Mama at Lola."

"Bakit kasi di mo na lang ipakilala sa kanila ang girlfriend mo? Arte arte ka pa diyan. Kilabutan ka nga na ako talaga ang ipapakilala mong jowa. Mahiya ka uy. Di ako papatol sa mukhang so-so lang." irap niya rito.

"Hoy! Kung ako ang papipiliin di rin kita pipiliin no. Wala na akong choice. May sakit si Lola sa puso at si Mama naman ang lakas maka-assume na mag-aasawa na ako. Bago man lang raw mawala si Lola sa mundo ay hayaan ko naman daw itong maexperience ang mag-aruga at mag-spoil ng apo."

"Edi mag-anak ka na. Ang laki ng problema mo ah. Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo."

"Umarte ka na lang. Just smile and answer their questions. Kapag naging successful to.. hindi ko ipagsasabi ang sikreto mo at hinding hindi ko na babanggitin yun kahit kailan."

Diskumpyadong tiningnan niya ito. "Promise?"

"Oo na. Dali na. Hinihintay na tayo nila Lola."

Awtomatikong napangiti siya. Best actress pa naman ako sa play namin dati na 'Sino ang Tunay na Baliw?' Hahaha. Chicken lang to. Ha!

Yumakap siya sa baywang nito para mas maging makatotohanan naman na mag-jowa sila. Napaigtad naman ito. "Umayos ka rin kung ayaw mong mabuko tayo na hindi ako si Cielo." nakangiting bulong niya rito habang naglalakad sa mahabang pasilyo kung saan sa dulo ay may isang malaking pintuan. Hula niya ay andun ang private room kung nasaan ang pamilya nito.

"Cloudio, anak!" bumitaw siya rito nang yakapin ito ng isang magandang ginang. Nasa likod naman nito ang isang matikas na lalaki. Wari niya ay ito ang mga magulang ni Cloud.

My Cheeky Love (Cloudio Aneel Esteban & Riley Skye Santiago)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon