Chapter 4

976 27 0
                                    

Kakapark lang niya sa parking lot sa tapat ng building kung nasaan ang practice room ni Riley nang mamataan niya si Scarlett, ang bestfriend ni Riley. Agad siyang bumaba at patakbong lumapit rito. "Scarlett!"

Tumigil naman ito sa paglalakad at tumingin sa kanya. "Oh, Kuya Cloud. Anong ginagawa mo rito?"

"Nakauwi na ba si Riley?"

Tumingin ito sa likod niya at napakunot noo. "Nasaan na?"

Napamaang siya. "Nasaan ang alin?"

"Yung flowers, chocolates at teddy bear!"

Natawa siya. "Hindi ako manliligaw. Pwede ba, Scarlett."

Nadismaya naman ito. "Sayang naman! Pero kung may balak ka.. favorite niya ngayon si Baymax." nakangiting kindat nito sa kanya.

Napailing na lang siya. "So nakauwi na ba si Riley?"

Umiling ito. "Nasa practice room. Siya lang mag-isa dun since nakauwi na ang ibang club members."

Tumango siya at tinapik ito sa balikat. "Sige. Ingat ka pauwi. Puntahan ko lang ang prinsesa."

"Wag mong gahasain ah! Use protection!" pahabol nito habang naglalakad papunta sa exit ng school.

He chuckled. Naglalakad siya patungo sa loob nang harangin siya ng guard.

"Sir, pwede po patingin ng I.D. SOP lang po ng school."

Dinukot niya ang wallet sa bulsa niya at pinakita rito ang driver's license niya.

"Salamat ho, sir. Pasok na po kayo."

Tinapik niya ito sa balikat at bumalik rito. "Pwede bang magtanong, manong?"

"Ay sige po, sir. Ano ho ba yun?"

"May hinahanap kasi akong babae. Riley ang pangalan. Hindi ko kasi alam kung saan ang practice room ng club niya eh."

"Ano ho bang club siya nabibilang, sir?"

Napakamot siya sa batok. Sana pala ay tinanong na niya si Scarlett kanina. "Di ko ho kasi alam eh."

"Naku, sir. Mahirap yan. Pero nasa 3rd floor po ang lahat ng practice room ng mga club. Kung swimming, gymnastics, o sports naman po ay hindi dito."

Napaisip siya. Ano nga bang club si Riley?

"Sige ho, manong. Check ko muna sa 3rd floor. Hindi ko ho kasi alam eh."

"Ay sige, sir. Diretso lang po sabay kanan andun po ang elevator."

"Salamat, manong." nginitian niya ito.

Pagkadating sa third floor ay agad niyang sinilip isa isa ang mga kwarto doon. Naniningkit na ang mga mata niya sa sobrang dim ng lights ng lahat ng kwarto. Karamihan pa ay mga walang tao. Narating niya ang kaduluduluhang practice room. Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at tumambad sa kanya ang isang babaeng nakamaiksing shorts at tight fitting na sando na sumasayaw ng isang upbeat na kanta. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil masyadong dim ang lights.

When you back back back back back it up
And you drop it down low
And you pick pick pick pick pick it up
Girl, I'm ready to blow
I'm a stack stack stack stack stack it up
And I'm spending it all
When I throw throw throw throw throw it up
Start twerkin' like Miley
Twerk it like Miley
Start twerkin' like Miley
Twerk it like Miley

Hindi maalis rito ang paningin niya. Kung sa magaling ay magaling ito. Idagdag pa ang talaga namang nakamamatay na katawan nito. Sumasabay pa ang nakakaakit na pagwasiwas ng mahabang buhok nito sa pag-indayog ng balakang nito sa kanta. Halos lumuwa ang mata niya nang mapagtanto kung sino ang kanina pa niya pinapanuod.

My Cheeky Love (Cloudio Aneel Esteban & Riley Skye Santiago)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon