Chapter 3

1K 25 1
                                    

"KUYA! I'm hoooome!" malakas na sigaw niya pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay nila.

Sumilip ang Kuya Chance niya mula sa kusina. Nakasuot pa ito ng apron. "Oh. Malapit na to. Upo ka muna o kaya magpalit ka muna ng damit."

"Okay. Baños muna ako. Mabilis lang to." mabilis na umakyat siya sa kwarto niya at mabilisan ding naligo. Pagkabihis ay agad siyang bumaba. "Kuya! Tom jones na ako!" reklamo niya rito pagpasok sa kusina.

"Eto na nga eh. Patay gutom."

Napakunot noo siya nang madatnan ang amoy alak na si Cloud sa kusina. Awtomatikong tumaas ang kilay niya. "May lason yan no?"

Walang emosyong tiningnan lang siya nito. She crossed her arms. "O gayuma? Alam ko naman na bet na bet mo ang kagandahan ko eh. Natatakot ka lang kay Kuya."

He flashed his smirk. "Siguro nga."

Natigilan siya. "A-Ano?"

"Siguro nga may lason to nang mabawasan ang mga maiingay sa mundo."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Nasaan ang Kuya ko? Bakit andito ka nanaman?"

"May emergency raw. Kaya ako ang tinawagan para bantayan ka." maingat na nag-ayos ito ng plato at mga kubyertos.

"Bantayan talaga? Ako? Sa ganda kong to? Alagain? Excuuuuuse me!"

"Oo. Sakit ka kasi sa ulo."

She rolled her eyes. "Utut."

"Kumain ka na lang." pilit na pinaupo siya nito sa silya at pinagsandukan pa ng kanin at paborito niyang nilagang baka.

"Sigurado kang walang lason to ah?" pangungulit niya rito.

"Wala." kinuha pa nito ang kutsara at sumubo ng piraso ng patatas at humigop ng sabaw. "Okay na?"

Ano nanaman kaya ang problema nito? Ang seryoso naman. "Okay na!" irap niya rito.

Natigilan siya nang masuyong hinaplos nito ang ulo niya. "Matutulog na ako. Just call me if you need anything."

Wala sa sariling napatango na lang siya. "Ang weird niya." mahinang sambit niya pagkalabas nito ng kusina.

Ninamnam niya ang paborito niyang nilaga. Ang sarap talaga magluto ni Kuya Chance. Bakit di pa kaya nag-aasawa yun? Pagkatapos kumain ay hinugasan na rin niya ang pinagkainan niya at nagtungo sa sala para sana manuod ng TV pero nadatnan niyang tulog na tulog si Cloud sa couch kaya hindi na niya binuksan ang TV at umupo na lang sa kaibayong couch at nagpahinga. Wala sa sariling tinitigan niya ang maamong mukha nitong waring wala pang nagagawang kasalanan sa mundong ibabaw. In fairness. May K! Napangiti siya nang kumunot ang noo nito at bumaluktot sa couch. May taglay din pala na kacutean ang tsonggo.

Nagtungo siya sa maid's quarter at nanghingi ng extrang comforter. Pagkabalik niya sa sala ay agad naman niyang kinumutan si Cloud. "Goodnight, Cloudio." masuyong ginulo niya ang buhok nito.

Nagulat naman siya nang bigla siyang hatakin nito pahiga sa ibabaw nito. Halos maduling duling na siya sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa. Dumilat ito at binigyan siya ng isang nakakalokong ngiti. "Goodnight, Skye." amoy na amoy niya ang amoy alak na hininga nito. Napapikit siya nang ilapit pa nito ng husto ang mukha nito sa mukha niya. Naramdaman niya ang pagdampi ng mainit na labi nito sa tungki ng ilong niya sabay bulong ng, "Sweet dreams."

Waring nagising naman ang kaluluwa niya nang tumunog ang doorbell. Agad siyang tumayo at inayos ang sarili niya. Tinungo niya ang pintuan at binuksan iyon nang makita sa receiver na si Gabe ang nasa labas. "Alen."

My Cheeky Love (Cloudio Aneel Esteban & Riley Skye Santiago)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon