IWMSB 1: First Love

188K 3.5K 234
                                    


A/N: I said after pa to ng TLL mag uupdate, pero wag nyo basagin trip ko lalo na kapag sinisipag ako...back to work and school na ko nextweek :)

1.

"There you are!" Nakangisi si Phineas habang nakatingin sa iritableng si Ron, may binabasa itong libro.

"Ang kulit mo." Iritable ito, hindi siya tinatapunan ng tingin.

"Matagal na po," ngumuso siya sa kababata. Mula noon hanggang ngayon masaya siya kapag kasama niya ang kaharap. Sabi nga noong mommy niya, noong mga baby daw sila, gumagapang siya papunta dito...iiwanan sila sa isang playpen tapos excited daw siyang lalapit dito. Buwan lang kasi ang pagitan ng edad nila. Which is a very good thing, lagi silang magkaklase...kahit sobrang talino no, na chachallenge tuloy siyang mag-aral para hindi mawala sa ranking at para patuloy na maging kaklase ito.

Naupo siya sa tapat ng bintana na inuupuan nito. Natagpuan niya ito sa likod bahay, sa may garden ng mga Romualdez, mahilig kasing mapag isa si Ron, libro lamang ang kasama , solve na ang buhay nito. Minsan nga nalilimutan nitong kumain, kaya kahit nasa bahay siya nila, tumatawag siya sa bahay ng mga Romualdez para lamang itanong kung kumain na ba ito. Kukulitin niya ang mga ka close niyang kasambahay para lamang pilitin na panoorinna kumain si Ron, kapag hindi ito nakinig, tatakutin niya ito na pupunta siya para siya ang magsubo dito.

Hindi naman kasi ito nagrereply o sumasagot sa tawag niya. Hindi rin ito sumasagot sa unregistered calls kaya hindi niya magamit ang number ng iba. Sometimes, kapag desperate na siya, she will used her parents phone just to speak to him.

Pero waley, baba agad. Suplado talaga.

"Di mo ba ko na miss. One week kami sa Japan." Nagniningning ang mata nya rito, reward yun ng dad niya sa successful even ng mommy niya kaya sila nagbakasyon sa Japan. Super enjoy ang mga kapatid niya pero siya gusto ng umuwi.

"Hindi."sinulyapan lamang siya nito.

"Ehhh...ayaw niyang umamin," panunukso siya dito. Tinatapik tapik niya ang isang tuhod nito na nakataas. Hinawi naman nito ang kanyang kamay. Umirap ito.

Natawa naman siya kapag umiirap ito. Mas maarte pa sa kanya.

"May bago akong sauladong kanta." Excited nyang sabi dito. Syempre susulitin niya na medyo mabait ito sa kanya. Behave si Ron, nakakatuwa. Hindi to the highest level ang kasupladuhan, sakto lang.

"Not interested." Pambabalewala nito. Siya naman ay sinampa na ang dalawang paa, binangga niya ang dalawang tuhod sa tuhod nito.

Sabi nga ng Yaya Ganda niya, ang aga niya raw kumerengkeng. Pero imbes na maiinis siya,kinikilig pa siya sa sinasabi nito. Iyon na kasi ang yaya niya simula noong 7 years old siya, ngayong 12 na siya ito pa rin, kaya naman kilalang kilala na siya nito. Ito nga ang lagi niyang kasama kapag gusto niyang sundan si Ron, hindi naman kasi siya hahayaan na umalis mag-isa. Kailangan niya lagi ng kasama maging sa kanyang mga kabaliwan.

Nagtatalo nga lamang sila kapag pinipilit nito na crush niya lamang si Ron na mawawala din yun. Pero hindi, love niya si Ron, kasi hindi siya magseselos sa mga babaeng nagpapapansin din dito...isa na si Nicole, yung top 2 sa kanilang klase, pati si Patrice yung Top 3, yung top 4 na si Jerna, pati yung top 5 na si Diego. Nakakainis din dahil nakikita din ng mga ito ang bagay na nagustuha niya kay Ron.

Matalino kasi si Ron, sisiw dito lahat ng mga Math problems, pati laging perfect sa mga exam. Lamang siya dahil malaya siyang nakakapasok sa mansion ng mga to. Swerte talaga at bestfriend ng daddy niya ang mommy ni Ron.

Ang maganda lamang fair si Ron, minsan may mga babaeng nagpapaturo dito, pero nagpapansin lang... ang isasagot ni Ron.

"You're in school, I'm just your classmate, not your teacher, so why will I teach you?" Then he will walk out.

I Want My Stalker Back (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon