Chapter 1_The Billionaire Boy

Start from the beginning
                                    

"I trust you Brayden. Thank you for always being here with me. Kahit ako ang mas matanda, it goes the other way around. Ikaw pa ang nag-iintindi sa akin", Brenda emotionally said.

"Ate, ano ka ba, kahit mas matanda ka sakin, aalagaan at poprotektahan talaga kita kasi kapatid kita at mahal kita okay? I'm the man here kaya ako talaga ang dapat gumawa nun. Sino pa bang magtutulungan kundi tayo ding dalawa di ba?" Brayden sweetfully said.

"Thanks baby boy", Brenda teased him at ginulo pa ang buhok nito.

"Naah, cut that off Ate. Hindi na ko bata, big boy na ko. Sige ka, baka magbago isip ko", ganti naman ni Brayden.

"Joke lang naman. But, whatever happens, you will always be my baby brother", wika ni Brenda kasunod ng pagyakap kay Brayden. Hindi na pumalag pa si Brayden sa inaktong iyon ng kapatid. "Kahit kelan talaga, ang drama ng mga babae", isip ni Brayden.

Days passed at nagsimula na rin pumasok si Brayden. Gaya nga ng napag-usapan nila ng Ate nya, he will be taking the course that he wants. At bilang paghahanda na rin ng mga plano nya for the future, Brayden looked for a part time job. Gusto nya rin makaipon ng sarili nyang pera at patunayan sa Dad nya na kaya nyang mabuhay kahit wala ang kayamanan mula dito. Namasukan sya sa isang restaurant na malapit sa university na pinapasukan nila ng ate nya.

"Ate, pasok na ko sa trabaho ko. I'll see you at home", paalam ni Brayden.

"O sige, ingat ka! Sa bahay ka ba kakain?", tanong ni Brenda.

"Hindi na siguro ate. Friday ngayon, for sure, maraming tao sa restaurant", wika ni Brayden.

"Okay sige. See you. Good luck sa mga ladies. Love you.", biro ni Brenda.

"Sira, sige na, umuwi ka na. Love you too, Ate", pamamaalam na ni Brayden.

That's a sweet side ng magkapatid. They always show how much they love and care for each other. Though they are of different genders, open pa rin sila sa isa't isa. Solid siblings ika nga nila.

Brayden was a good looking boy kaya nga tinutukso sya ng ate nya. Kahit nun mga bata pa sila ay lapitin na ito ng mga babae pero iwas na iwas talaga ito. Not because he was gay but he only believed na kailanman, hindi dapat paglaruan ang puso ng mga babae. At kung babae ka naman, hindi dapat sayo manggaling ang anu pa mang motibo kahit gano ka man kainteresado sa isang lalaki.

As he walked papunta sa restaurant na pinagtatrabahuhan nya ay ilang na ilang sya sa tingin ng mga babae sa kanya. Tila gusto na syang tunawin ng mga ito. "Haay girls. Masyado ng liberated. Bakit ba sila ganito? Wala na yatang kimi na natitira sa katawan", isip na lang ni Brayden.

Nang makarating sa restaurant ay agad na bumati ang mga naroroon.

"Bon apres-midi", bati nila.

"Bon apres-midi aussi", ganting bati ni Brayden.

"Tol, kamusta? Kailangan mo paba talagang magtrabaho? Yaman yaman mo na ih", wika ni Jonnel, isa ring Pilipino kagaya ni Brayden.

"Ano ka ba, alam mo naman ang dahilan di ba? Lika na, magtrabaho na tayo at maraming magiging tao ngayon", sagot ni Brayden.

"Oo, lalo pa at andito ka na. Ikaw naman ang dinadayo ng mga customer na babae dito e. Kagaya na lang nung mga yun oh. Kanina ka pa hinihintay", saad ni Jonnel.

"Sus, ikaw na magserve. Sa loob ako nakatoka ngayon", sagot naman ni Brayden.

"Asikasuhin mo muna. Kanina pa mga yan dito. Magbibigay din yan ng tip, sayang naman", pamimilit ni Jonnel.

"Sige na, sige na. Kukunin ko na", wika ni Brayden at lumapit na sa pwesto ng mga customer na babae. "Haay, ano ba naman tong mga to. Kailangan ba talagang ganito sila ka-out. Kung di ko lang talaga kailangang gawin to. Tss!", isip ni Brayden.

The Billionaire's Fragile HeartWhere stories live. Discover now