Ilong 16 »Revised«

Start from the beginning
                                    

"Gelatin..." Tumingin si Gelatin kay Jin hyung na nakatingin sa kanya.

"Seokjin, anong—"

"Gelatin, ilang araw na kong nag-iisip tungkol dito. Ilang araw na kitang iniisip. Tinatanong ko yung sarili ko kung gusto na kita at tingin ko alam ko na ang sagot..."

Tsk. Edi wow. <(`^')>

"Gelatin, gusto kita. Can you be mine?"

"Teka nananaginip ba ko?" Oo. Sa totoo lang, binabangungot ka. Lol.

"Pabebe talaga tong si Gelatin!" Asar ni Jimin... hyung.

"Gelatin, hihintayin ko yung sagot mo. Maghihintay ako—"

"Hindi na Jin. Hindi mo na kaylangan maghintay ng sagot ko. Seokjin, sinasagot na kita." Napatigil si Jin hyung at nanlaki yung mata niya habang naka nganga.

Langaw, pasok ka nga sa bibig ni hyung.

"TALAGA?!"

"OO NGA KULIT NG ANO MO— NG UTAK MO." Binuhat ni hyung si Gelatin na nakatawa. Edi kayo na.

"SINAGOT AKO NI GELATIN!!" Wag mo nang ipagsigawan hyung. Alam namin. Di kami bingi.

"CONGRATS JIN HYUNG! TURN UP!" Sigaw ni Taehyung hyung at nagtatalon, edi boom hulog sa pool.

"DALAGA KA NA!!" Sigaw ni naman ni Yoongi hyung at humagalpak sa tawa.

"Ah hyung. Alis muna ako. Congrats sa inyo." Nababadtrip na ko kaya masmabuting aalis na lang ako.

Habang naglalakad ako sa daan, sinisipa ko yung mga latang nakakalat pati mga boteng plastic.

"BWISITTTTTTTTTT!"

PANO BA NAMAN KASE, SINIPA KO YUNG BOTE NG MALAKAS AT MATAAS TAPOS TUMALBOG SIYA SA POSTE. EDI NATAMAAN AKO SA NOO. TANGINA EDI WOW.

"Tanga mo." Tumingin ako sa gilid at nakita ko si...

"Taehyung hyung?"

"Taehyung ka dyan. Ako si Baekhyun."

"Alam ko pero kahawig mo kasi si hyung e."

"Anong problema ng ilong mo?"

" 'yang kasungitan mo. Joke. Hehehe."

"Ulol. Problemang lablayp no?"

"Lablayp daw. Ewan ko."

"Ikwento mo sakin. Baka sakaling matulungan kita." Tumango ako at pumunta kami sa coffee shop. Syempre KKB. Kanya-kanyang bayad. Siya na nag-order. Pagka-order niya ay nagsimula na kaminf mag-usap. Dumating yung inumin namin pero patuloy pa rin kami.

"Nagseselos ka lang." Sabi niya.

"Di ah!"

"Eh anong tawag mo don?" Tanong niya saka ako tinaasan ng kilay.

"Walk out."

Jungkook, The Ilong RangerWhere stories live. Discover now