“Umamin ka?” Di makapaniwalang tanong ko.

“Yeah. Bakit? May mali ba dun?” Takang tanong niya.

Sinirado ko yung pintuan at sumandal dun. “Lia, babae ka! Di ka dapat basta-basta umaamin!” Halos pasigaw na sabi ko. EWAN! Naiinis ako sa kambal ko. Naiinis ako!

Umupo siya sa kama niya at kumibit-balikat. “So? Ano naman kung babae ako? Di naman masama umamin ah.”

“LIA! Nasan ang delicadesa mo?!”

“Mia,” Umirap siya. “Delicadesa? Di na  yan uso. Pffsh. Eh ano naman kung ako yung unang umamin? At least nasabi ko na sa kanya yung nararamdaman ko. Di katulad mo.” Nagsmirk siya at umirap.

“ANO?! Ano bang pinagsasabi mo?” Di makapaniwalang tanong ko. A-alam niya?

“Psh. Mi, kambal mo ako, kilalang-kilala kita. Sa tingin mo di ko nararamdaman na may gusto ka kay Treb? Tch.” Umiling-iling siya.

Umiwas ako ng tingin. “Wala ak  ̶ ”  

“Wala kang gusto sa kanya? Fine. Eh di wala. Maganda nga yan eh, at least di kita karibal.” Nagsmirk ulit siya.

Napanganga ako sandail pero nagsmirk din ako kaagad. “Di ko alam na may kambal pala akong malandi. Kalain mo yun? Ikaw pa yung unang umamin.”

 

 

“Pag umamin, malandi agad? Eh, don’t care. Malandi na kung malandi at least di ako yung BEST FRIEND.” Sagot niya at nagsmirk.

Pinanigkitan ko siya ng mata. “Totoo pala yung sabi nila ‘no? Yung mga taong masyadong mabait, nasa loob yung kulo. Tsk.” Umirap ako at lumabas na ng kwarto niya.

Dumiretso ako sa kwrto ko at sumalampak sa kama.

Masakit. Sobra. Napabuntong hininga ako. Gusto ko na nga si Travis.

~Travis~

 

“Tara  Treb.”

Lumingon ako kung san nanggaling ang boses at nakita ko si Lia na kalalabas lang ng gate nila. Nginitian ko siya at lumapit sa kanya.

“San tayo Li?” Tanong ko.

“Hmm. San mo ba gusto?” Balik na tanong niya.

“Mall tayo?”

 

Ako si Mia.Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ