"E diba medyo may konti ka raw na naaalala dahil sa panyo?"

Natawa siya na para bang joke yun sinabi ko.

"Tayong mga babae, kailangan mag-take advantage ng opportunity para makalapit sa taong feel natin ay interesting."

"Anong sabi mo?" Sa mga oras na yun, gusto kong kunin ang kape niya at ibuhos sa kanya. Pinagloloko lang ba niya si Goyong? Kinalma ko ang sarili ko at inisip na hindi ako pwede magsimula ng gulo.

"Nevermind. Miho, nasaan ang parents mo?" So, iniba niya na ang usapan. Gusto kong ibalik sa kanina pero kailangan kong huminahon.

"Nasa Japan ang nanay ko, wala na yung tatay ko."

"Ah really? Sorry to hear that. Matagal na ba kayong di magkasama ng mom mo?"

"Medyo. Umuuwi tapos bumabalik lang agad siya parati. Pero dati, parati kaming magkasama nuong bata pa ako."

"Dahil patay na ang dad mo, naisip mo ba na pwedeng magpakasal ang mom mo sa iba?"

Bakit masyadong personal ang mga tanong niya na feeling ko amboring naman na marinig ang mga sagot ko, ano namang klase ng trip to? Hindi ang buhay ko ang gusto kong pag-usapan namin kundi gusto kong malaman kung pinagloloko niya ang Heneral.

"Naisip ko na may possibility yan, naisip ko na rin dati. Ok lang naman, basta kung saan siya masaya. Yun naman ang importante para sa akin. Bakit mo natanong?"

"Yung mom at dad ko, naghiwalay na sila before. Nakahanap ng ibang lalake yung mom ko. My mom chose to leave me kasama ng brother at dad ko at umalis siya para buhayin ang half-sister ko. Matagal kaming di magkasama at nagkita and then now, gusto niyang makipagbalikan sa dad ko."

"Ah, sorry kung ganyan pala ang sitwasyon sa pamilya mo." Kinkwento ba niya to para maawa ako sa kanya at unawain kung bakit naging ganito ang ugali niya?

"Kung ikaw ako, papayag ka ba na magkabalikan sila?"

"Depende, pero kung un dad mo naman ay magiging masaya kung magkakabalikan sila, edi okay lang. Atsaka mom mo naman yun kaya sa tingin ko walang problema. Pwede mo naman siguro kalimutan ang past kung ikaliligaya ng dad mo."

Hindi ko na alam saan patungo ang storya niya pero nakakalungkot din isipin ang pinagdaanan niya as a daughter ng isang broken family. Dahil dyan, kailangan ba kitang intindihin, Dolly?

"Tama nga ang sinabi ni Greg- ambait mo talaga."

"Hindi naman yun sa pagiging mabait. Kung ako lang nasa lugar mo, hindi ako magiging selfish para isipin lang ang sariling opinyon ko. Naisip ko mas importante yung taong 'mas' involved- siyempre yung parents mo. So, para sakin ang pinakaimportante ay kaligayahan nilang dalawa. Kung makikipagbalikan ang mom mo, siguro ibig sabihin din na-m-miss ka na niya. Kailangan mo rin siguro intindihin kung bakit kinailangan niya kayong iwan para alagaan yung half-sister mo. Nasaan ba yung tatay ng half-sister mo?"

"Namatay na eh. Pero I don't think it's still an excuse. Kami ng brother ko ang una niyang anak."

"Hindi naman ginusto ng half-sister mo na maging ganuon ang sitwasyon niyo, panigurado. Isipin mo na lang din ang sitwasyon niya paano kung mag-isa lang siya at parehas wala siyang magulang. At least, yung dad mo nag-alaga rin sa inyo ng kapatid mo habang wala yung mom mo."

"Oo nga e, I have my dad and my other relatives sa States. Pero hindi padin enough yun para samin ng brother ko."

"Sa tingin ko maswerte pa rin kayo. Wag mo kasing bilangin kung ano yun kulang sa inyo."

"I hate my mom and my half-sister."

Natahimik na lang ako at bigla siyang ngumiti.

"Anyway, Miho. Thanks for listening. Mas ok talaga pagnaglalabas ng sama ng loob paminsan."

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now