Chapter 2

2 1 0
                                    

Another day ahead. Andito ako ngayon sa school. Nag aantay ng prof. Well, maaga pa naman eh. May 5 mins pa. Kung tatanungin nyo si Gino. Wala pa sya. Adik nga yun eh. Sya pala yung SSG President dito. Kaya pala pinag uusapan sya dito. Famous pala yung nakilala ko! Hahaha okay. Pano ko nalaman? Nakita ko sa journal namen, na pinamimigay dito. Nakalagay kase dun yung SSG Officers kaya ayun.

Nagulat naman akong may sumulpot na lalaki sa harapan ko. Pisti! Akala ko si Gino. Sino ba to?

"Hi, ako nga pala si Bryne Walter." Ngiti nyang sabi. Bakit ba lapitin ako ng pogi? Parang fresh from America to. Hilaw na hilaw. Hahaha. Pinagpala ba ko? Thank you lord. Kunwari pa-demure ako. Hirap na no. Baka sabihin assuming ako. -_-

"Ah. Hello." Bored kong sabi sa kanya. Ang tagal naman ng prof. Anong oras na? 10 mins na syang late at wala pa din si Gino. -_- Teka bat ko ba sya hinahanap? (Malamang, sya lang naman kakilala mo dito)

"Ang sungit mo naman. Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo. Alam mo kahapon ko pa gustong lumapit sayo eh kaso kay Gino lang atensyon mo." Anong pinagsasabi neto? Kay Gino? Atensyon ko? Baliw.

Hihirit sana ako kaso- "Halika na, feeling ko wala na yung prof. Free cut na siguro. Mall tayo!" Sabay hila nya saken. Kinuha nya naman yung bag ko at sinukbit sa balikat nya.

Nakikita ko namang masama yung mga tingin ng mga babae kong classmates, may naririnig pa nga akong mga hirit nila eh.

"Kahapon si Gino nilalandi, ngayon si Bryne?"
"Si Bryne pa yung nilalandi nya!!"
"Oo nga girl. Nawala lang bigla si Gino. May bago ng nilalandi."
"Ganyan naman ata yang transferee na yan. Ke bago bago lang dito."
"Kaya siguro andito sya kase na-kick out sya sa dati nyang school. Dahil sa kalandian nya. Hahahahaha."

Ganito ba talaga mga tao dito sa VIHS? Mga judgemental? Wala naman akong ginagawa sa knila ah?

"Ako na nyan." Hihilahin ko sana yung bag ko kaso nilayo nya yung katawan nya.

"Ako na. Ayokong nabibigatan ka." Wink nya sabay killer smile. "Tsaka wag mo na sila pansinin. Inggit lang sila sayo kase ikaw kasama ko." Okay?

Tuluyan na kameng nakalabas papuntang parking lot. Teka, may kotse sya? (Malamang, kaya nga pumuntang parking lot diba? Saan na napunta utak mo Laina?) -_-

"Sakay na. Don't worry, I won't do anything to harm you. Samahan mo lang ako sa mall and lets eat ice cream!" Parang bata pala to. Tango na lang ako, wala akong masabi eh. Pumasok na lang ako.

Nang makarating kame sa mall, diretso kameng ice cream parlor. Shete, isa to sa kahinaan ko eh. Lalo na flavor na strawberry! Ugh.

"Ano gusto mo? My treat. Since ako naman nanghila sayo dito." Ang gwapo nya talaga pag nakangiti kainis.

"A-ahm. Strawberry flavor na lang." Tumango naman sya at nag order. Ako naghanap ng mauupuan namen. Ang cute nga ng store eh. Super colorful tas pang bata talaga ang design.

Habang nag aantay, di ko naman maiwasang tumingin sa labas. Teka, si Gino ba yun? May kasamang babae eh kaso nakatalikod yung babae. Halatang matanda na dahil sa postura ng katawan. Siguro mommy nya? Napaiwas naman ako ng tingin dahil tumingin sya dito banda saken. Napabalikwas naman ako at binali wala na lang hanggang sa dumating na si Bryne dala dala yung inorder nya.

"Uy Bryne, thank you ah."

"Wala yun. Ako naman nagdala sayo dito eh." Sabi nya habang kumakain ng mint oreo ice cream nya. Ako naman nilapang ko na tong ice cream ko. Shemay, ang sarap talaga netong strawberry.

Ilang minuto din yung katahimikan. Nabibingi ako. -_-

"Laina, can you do me a favor?" Napatingin naman ako sa kanya. Nag aantay ng sasabihin nya.

"Can you be my fake girl friend?"

O_O Napabalikwas naman ako dun sa sinabi nya. Ako? Bat ako?

My First LoveWhere stories live. Discover now