K1

15.8K 447 59
                                    

Gumising ako ng maaga para ipagluto sina tatang at mamang ng agahan. Inihanda ko na rin ang mga sangkap sa paggawa ng mga kakanin. Medyo madilim pa at talagang malamig ang hangin ng ganitong oras kaya napayakap ako sa sarili.

Nagsibak ako sa likod-bahay ng maliliit na kahoy para ipanggatong sa niluluto ko. Bigla akong napatulala dahil sa totoo lang ay hindi ako nakatulog ng maayos.

Hindi naging payapa ang pagtulog ko dahil buong gabi atang naokupa ng isang imahe. Ilang beses kong pinilit burahin sa isip ko ang mukha ng lalaking iyon! At ito nga, dahil hindi naman ako nakatulog ay gumising na ako kahit alaskwatro pa lamang ng madaling araw.

Natapos ko ng ihain ang agahan nila mamang pati na rin ang mga kakaning ilalako ko.

"Esang anak ang aga mo atang nagising?" Pambungad sa akin ni tatang. Naghugas ako ng kamay saka isa-isang binuksan ang nga inihain kong agahan nila.

"Para ho matapos agad ang mga kakanin tang, maglalako ho ako ng maaga at gagawa ulit kapag nakaubos para naman mas malaki ang kitain."

"Aba tamang-tama anak, huwag ka na gumawa ng kakanin matapos mong makabenta niyan. Ito kasing si Manang Celia, iyon bang mayordoma nila Senyor Greg, nakiusap kung pupwede ka ba daw gumawa ng turon at banana cue para sa mga manggagawa doon."

"Sige mamang, mga anong oras ho ba? Dadaan pa po sana ako sa bayan para bumili ng ireregalo ko sa kaarawan ni Rhian. Sa susunod na linggo na po kasi iyon "

"Ay siya oo nga! Baka tuluyan ng magtampo sayo ang matalik mong kaibigan. Mga alasdos ng hapon ka pumunta sa mansyon anak. Inaasahan ka naman na doon. Isa pa, tanda ka pa naman ni Manang Celia"

"Sige po mamang." Sagot ko.

Matapos kong gumayak ay mag-aalasais na at saka ko pa lang naisip na maglako. Kadalasan alasiyete ko na nagagawa ito pero dahil sa maaga nga akong nagising, heto ako.

"Magandang umaga Esang! Keaga mo ata?"

"Magandang umaga rin ho manong! Sinisipag lang po talaga akong mag-lako ng maaga." Sagot ko.

"Osiya, bibili na rin ako para sa magandang panimula."

"Naku! Salamat manong ha, ikaw talaga ang anghel ng umaga ko."

Napailing si manong. Abot tenga naman ang ngiti ko dahil talagang natutuwa ako sa kabutihan ng mga tao dito.

"Ikaw talaga bata ka, natuto ka narin mambola."

Habang naglalakad at dala ang bilao ay napagmamasdan ko rin ang ganda ng paligid. Ang bukirin. Ang matatayog na bundok na nasa malayo pero tanaw na tanaw mula rito. Hindi man sementado ang daan dito sa bayan namin, maayos namang maituturing ang pamumuhay dito.

Hindi man kasing alwan o' yaman ng mga Alarcon, hindi iyon naging hadlang para manatiling payapa ang lugar.

Maayos kasing mamahala ng buong hacienda si Senyor Greg at ang panganay nitong si Sir Ashton.

May ilan din naman akong kakilala sa pamilya nila senyor, iyon ngang mga anak ni Sir Ashton na mas bata sa akin at ang asawa nitong si Ma'am Bianca na napakaganda.

Tungkol naman sa ikalawa nitong anak na si Ma'am Samantha, wala akong masyadong alam. Maliban na lamang sa abala ito sa negosyo sa Maynila ay mayroon itong tatlong anak at ang isa nga ay si Vaughn Miguel na pinakilala ni senyor.

Bigla tuloy akong napatigil sa paglalakad nang maalala na naman kung paano tumitig ang lalaking iyon.

Itsura pa lamang, mukhang hindi ko na ito makakasundo. Iba ang hilatsa ng mukha nito. Mukhang pilyo at babaero.

PBS2: Vaughn Miguel FortalejoWhere stories live. Discover now