Chapter 43: A smile, turns into a frown

1.2K 30 10
                                    

*Owy's POV*

Pagkatapos naming lahat maggala sa aming Quintuple date (Kasi nga limang pares kami) hinatid ko na agad si Monique sa bahay niya tutal dapit hapon na. Mamaya baka may mga masamang nilalang pa ang lumapit kay Monique. 

Naglakad na kami papunta sa bahay niya at hinatid ko siya hanggang sa makarating kami sa front door niya

"So... I guess this is it" Monique

"Yep..."

"Thank you ha" sabi ni Monique

"Para saan?"

"Dahil ang saya ko ngayon" at ngumiti siya sakin

"Ikaw pa... Mahal kita eh" ngumiti ako sa kanya "So. Bye babe... kita tayo" lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo niya 

"Geh... Bye Owy" lumapit siya sakin at hinalikan ako sa cheek, pagkatapos ay pumasok na siya sa loob. Pa alis na sana ako ng biglang

"OWY!!!" sumigaw si Monique kaya naman napalingon agad ako

"Ano yun?" tanong ko

"annyeonghi gaseyo" at kumindat siya sakin sabay smile. Ang cute niya :3

napangiti ako "au revior" at kumaway ako sa kanya, tapos sinara na niya ang pinto.

Ewan ko ba pero, naisipan niyang mag Goodbye kami sa isa't-isa in a different language. Sakanya Korean, habang sakin naman French. Oh diba?! ang sosyal ng girlfriend ko. Hahaha!

Dumeretso agad ako sa bahay namin. Pagkapasok ko, parang ang tahimik. Tulog siguro si Onin. Wala pa ba si Kuya? siguro na kay Lelen pa yun.

Pumunta ako sa kitchen namin, at dun ko nakita si Mommy at Daddy. Nakaupo sila sa dining area

"Hello po Ma. Hello po Pa" bati ko sa kanila. Pero wala silang reaction. Ang weird O___o

"Anak, maupo ka muna" sabi ni Mommy. Ginawa ko ang sabi niya at umupo ako sa silya. Pero bat ganon? parang iba ang titig sakin? 

"Anak... May pag uusapan tayo" ang sabi ni Daddy. Seryoso ang itsura niya. Kinakabahan ako

"T-tungkol saan po?" tanong ko. yumuko si Mommy at hinawakan ang aking dalawang kamay. Napatitig na lang ako sa kanilang dalawa. Kinikabahan na talaga ako. Parang hindi kasi magiging maganda ang pag uusapan namin :/

"Anak... Makinig kang mabuti ha" sabi ni Mommy at tumingin sa akin

"Opo" -ako

"Anak.... naisipan namin ng mommy mo na...." Hindi napatuloy si Daddy sa pagsalita at nagkatinginan sila ni Mommy, habang si Mommy naman ay tumango.

"Naisipan namin na...." Mommy

"Na ano po?" Kinakabahan kong tinanong

"Na mag aaral ka muna sa States"  Daddy

Ano? Tama ba ang narinig ko? mag aaral ako sa States? Hindi... Hindi toh pwede...

Napatayo ako sa kinauupuan ko "Ho? P-pero.... Bakit po? Nag aaral naman po ako ng mabuti. Nag sisikap naman po ako. Bakit po kailangan kong mag aral sa States?" 

"Anak, please initindihin mo kami ng Daddy mo" sabi ni Mommy

"Anak, napapansin naming, di ka na masyadong nakaka focus sa pag aaral mo. Puro ka na lang practice, GT, practice, GT, ganun na lang lagi. Gusto namin na magkaron ka ng magandang kinabukasan, kaya napagisipan namin itigil muna ang mga bagay na yan, at paaralin ka muna" ang sabi naman ni Daddy. Napalaki ang mga mata ko sa sinabi nila

"Ibig sabihin po ba pati si Kuya papalipatin niyo din ng school sa States?" 

"Hindi.... Ikaw lang Owy. Nag aaral ng mabuti ang kuya mo. Pero ikaw, napansin talaga namin na wala na ang focus mo sa pag aaral" Mommy

I Think I'm in love with you (Chicser Fan Fiction)Kde žijí příběhy. Začni objevovat