Chapter 22: King Emilio

670 18 0
                                    


Habang naglalakad kami papalapit sa isang kingdom na napapaligiran ng Garnet stones ay may nahagip ang mata ko.

Isang babae na nakaupo sa isang bench malapit sa fountain. Nagbabasa siya ng isang libro pero parang pamilyar yung mukha niya.

Naramdaman niya yatang may nakatitig sakanya kaya nag-angat siya ng tingin at tama nga ako. Siya yung ikalawang kapatid ni Lio. Si Camila.

"Ate Liza?" tawag niya saakin habang tumatayo. Napatingin naman yung mga kasama ko sa direksyon ni Camila.

Tatlo silang magkakapatid. Si Lio ang panganay, si Camila ang pangalawa at si Elory yung bunso. Siya yung namatay. Siya yung rason kung bakit palaging nakabusangot dati si Lio.

"Ate Liza!" sigaw niya saka Tumakbo papunta saakin. Niyakap niya ako ng mahigpit. Sa sobrang higpit, hindi na ako makahinga. Grabe talaga tong batang to. Taas pa rin ng energy.

"Ano pong ginagawa mo dito?" tanong niya saakin ng Kumalas siya sa yakap.

"Ah napadaan kami eh. Since may pinupuntahan kami eh nakita ko ang Garnet City and here I am." sabi ko. Ngumiti naman siya saka tumango ng tumingin siya kina Doc.

"Sino po sila?" tanong niya with his energy. Lumapit siya kay Grumpy saka hinimas himas yung balbas niya. Napatawa na lang ako ng itulak niya si Camila.

"Ah Camila, siya Si Doc, Bashful, Dopey, Happy, Sneezy, Sleepy and Grumpy." Pakilala ko sabay turo sakanila. "Sila ang kasama ko sa paglalakbay ko." dugtong ko.

"Hi!" bati niya sakanila. Bumati naman yung iba habang si Grumpy eh nakabusangot.

"Tara Ate. Magiging masaya si Daddy kapag makikita ka niya." sabi niya saka hila saakin. Tumingin naman ako kina Doc. Sinasabi na sumunod nalang sila.
Nang makapasok ako sa loob ng castle, wala pa ring pinagbago. Ganun pa rin ang ganda niya. May napalitan lang na furnitures pero eksaktong-eksakto pa rin. When was the last time I visited here? I can't even remember.

"Elizabeth?" napa-angat ako ng tingin at napatigil ang mga mata ko sa pag-gala sa loob ng kingdom ng makita kong may nakatayo sa hagdan.

"Daddy!" I squealed saka naglakad patungo sakanya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"What a pleasant surprise, Liza. Where's Lio?" he asked dahilan para mapalitan ng ngiting malungkot ang ngiti kong masaya. Mukhang Napansin naman niya yun kaya napatanong siya agad.

"Did I say something wrong?"

"Ah daddy, sa may sala na lang po tayo." sabi ko saka naglakad patungo sa grand living room. Nang makaupo ako, Napansin ko na patuloy pa rin ang pangaasar ni Cam kay Grumpy.

"What's wrong?"

"I assume, you still haven't know what happened, daddy." sabi ko saka ikwinento ang lahat ng nangyari. Yung nawala ang memory ni Lio, yung pangyayari na naganap sa forest noong nasa panganib si Jendra, lahat lahat.

Nakinig naman siya sa bawat salitang sinasabi ko. Nang matapos ako, di ko namalayan na umiiyak na pala ako kaya agad kong pinunasan yung luhang nagtangkang tumakas mula sa mata ko.

"What can I do to help you?" tanong niya. Umiling nalang ako saka ngumiti ng malungkot.

"Naglalakbay po Kami papunta sa Elementalia Kingdom Para po sa last ingredient sa gagawin naming potion. Yun na lang po ang kailangan namin para maibalik ang alaala ni Lio." paliwanag ko. Tumango na lang siya nang may sumulpot na isang babae sa living room.

"King Emilio, lunch na po." tinanguan lang niya yung babae dahilan para umalis yung babae. Tumingin naman saakin si daddy saka ngumiti. Ngumiti naman ako.

"Wag kang magalala, babalik din ang alaala niya. Kung hindi ka pa niya maalala, ipapakain ko siya sa isang fury." Napatawa na lang ako sa sinabi niya saka ngumiti at tumango.

Inaya naman niya kami na pumunta na sa dining room para kumain ng lunch bago kami magsisimula ulet na maglakbay.

Jendranica's Pov

Kagagaling ko lang kay Caspian. As usual, report report nanaman kung ano na ba ang nangyayare. Then may pinaggagawa siyang alam kong hindi ko kayang gawin.

Magpabuntis kay Lio.

Oo. Masama ako. Pero hindi ganun kasama. Nagawa ko lang naman yun dahil kami na lang ni Caspian ang natitira. Wala na si Lola.

Galit din naman ako kay Liza dahil nang dahil sakanya, wala na ang lola namin. Wala na kaming karamay. Nang dahil sakanya, parang napatay na rin kami.

"Hey," May pumulupot na mga braso sa bewang Ko. Si Lio.

"Anong iniisip mo?" tanong niya. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa to pero siguro itutuloy ko kapag tama na ang panahon.

Hinawakan ko yung mukha niya saka siya hinalikan sa labi. Di naman siya pumalag. I even felt him smile between our kisses.

"Tulog na tayo?" I asked. Tumango naman siya saka na humiga.

This is not right. Hindi to tama. Alam kong masama ako but Ayoko namang makasakit ng tao. Lalo na't si Elizabeth pa yun.

Pero parang may nagsasabi na ituloy ko pa rin.

Bahala na.

~*~*~

The RevengeWhere stories live. Discover now