12

2 0 0
                                    

Daniel

Narinig kong nagtanong si Katty kay ley kung sino ang kasama nung lalaking may malaking salamin na nasa harapan namin. Nang sumagot si ley ay agad naman syang lumapit rito.

"Ley sino yun?"

Sabi ko nang makaalis na si kat.

"Edi kinabaliwan ni Katty haisst.. sa.pinsan ko pa nagkagusto eh."

Sabi nito sakin. Pero teka.

"Teka ley si Derrick ba yan?"

Sabi ko nang nakakunot ang noo. Tumango naman si Ley.

"Eh ang pagkakatanda ko kay Ley eh sya yung arogante at badboy mong pinsan ahh."

Sabi ko rito lumingon naman ito sakin saka huminga nang malalim.

"Hes on a mission."

Sabi nito kaya naman agad ko nang nakuha ang nangyayari. Kaya naman pinanood nalang namin si Kat hanggang sa umalis na sila derrick. Agad naman namin nilapitan si Kat.

"Kat lets go malalate na tayo."

Mukhang nabigla pa sya sa pagsulpot namin.

"Ah.. oo."

Sabi nito kaya naman naglakad na kami papunta sa classroom namin. Haist. Nandito naman ako pero bakit hindi nya ako makita haisst.

Katty

Wala ako sa sarili buong klase. Minsan kinakausap ako ni Daniel pero minsan hindi ko rin sya sinasagot nawawalan kasi ako ng gana. Umagang umaga nababadtrip ako eh.

"Kat."

Sabi ni Daniel kaya naman nilingon ko ito at nakita kong may dala itong turks ni hindi ko manlang pala napansin na umalis sya sa tabi ko.

"Turks?"

Sabi ko nang may ngiti kaya naman nakita ko rin syang ngumiti agad naman nyang nilapag sa table ko ang turks na may kasamang dakasi drink. Kaya naman maslalong lumawak ang ngiti ko.

"Ngumiti karin sa wakas."

Sabi ni daniel kaya napangiti nanaman ako. Haist.. masyado talaga akong nagpaapekto sa derrick at shanai na yun.

"Okay lang naman ako eh."

Sabi ko saka binuksan ang turks at nagsimula nang kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagtatawanan at pagkwekwentuhan ni daniel ng biglang may nagsidatingan ng mga estudyante at bigla kaming tinukso sa isat isa.

"Ayiee.. si Katty lumalovelife na..."

"Swerte mo pare."

Yan lang naman ang mga pinagsasabi nila nako naman oo.

"Ahem."

At narinig naman naming tumikhim si Derrick.

"I just want to call Katty Alcaraz. Pinapatawag tayo ng Dean."

Sabi nito saka na lumabas. Kaya naman napatingin ako kay Daniel.

"Gusto mo hatid na kita?"

Nginitian ko nalang sya saka umiling.

"Kaya ko DC text nalang kita para sa bahay ka na makapagdinner."

Ngumiti rin naman ito sakin saka tumango. Kaya naman lumabas na ako ng room at tinahak na ang papunta sa Dean nang bigla akong makarinig ng kaluskos mula sa may locker room. Out of curiousity ay dali dali akong sumilip sa bintana ng locker room at nakakita ako ng isang lalaking duguan kaya naman agad akong napatili. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang nagbukas ang pintuan ng pabagsak.

"Who's there?"

Masalalo akong kinabahan ng marinig ang pamilyar na boses na yun.

"D-derrick?"

Truth or DareWhere stories live. Discover now