Chapter 7

2.4K 69 13
                                    

A/N: Bawi-bawi din sa UD pag may time! Sorry guys..

Raine's POV

"Nagising ako na sobrang masakit ang ulo ko. Pagtayo ko sa kama. Nakita ko silang lahat na tulog pa. Pero si Mykkha gising na. Nasa kusina siya at nagkakape."

"Hi mhe!" bati ko kay Mykkha. Habang niyakap siya sa likuran.

"Pero hindi niya ako iniimikan. Hindi ko alam bakit ganito siya. Kagabi pa siyang ganyan. Na suplada, tapos ang tahi-tahimik. Akala ko may PMS lang. Pero parang wala naman."

"Mhe, may problema ka ba?" tanong ko sa kanya habang tinabihan ko na siya sa upuan.

"Wala naman." maikli niyang sagot sakin.

"Eh bakit ganito? Bakit ganyan ka? Kagabi pa kitang hindi makausap ng maayos." sagot ko. Kasi gusto ko din naman malaman kung ano ang pinoproblema niya.

"Wala nga po. Kain kana!" sabi niya habang umiinom ng kape.

"Meron eh. Hindi ka magkakaganyan kung wala kang problema." sagot ko. Medyo napalakas ang pagkakasabi ko. Kasi naiinis na talaga ako. Tapos ganyan yung mga sagot niya.

"Lumabas muna ako bigla nang mawala ang sama ng loob ko. Napakadali naman kasing sabihin kung bakit siya nagkakaganun. At kung ano ba ang problema. Pero di niya masabi."

--

"Pagbalik ko galing sa labas. Gising na silang lahat. Umiinom sila ng kape kasi lahat kami may hang over. Dumeretso ako sa kwarto para kuhanin yung ilang gamit."

"Dude, ok ka lang?" tanong ni Macee sakin. Nasa likuran ko na pala siya.

"Oo dude. Ok lang ako." mahinahon kong sagot.

"Halatang hindi ka ok dude. Anong problema?" tanong niya ulit.

"Napaupo na ako sa kama. Habang nakahawak sa noo ko."

"Nag away kami ni Mykkha dude. Bakit ganun? Nagtatanong lang naman ako ng maayos eh. Kung bakit siya ganun? Kung bakit ang tahimik niya? Wala naman akong naaalala na may nagawa ako sa kanya para maging cold siya sakin ng sobra. Tapos puro wala lang ang sinasagot niya. Nakakainis lang!" sagot ko.

"Mag usap kayo ng ayos dude. Remember, ikaw yung tumatayong lalaki. Ikaw na ang magbaba ng pride. Magkakaayos din kayo. Meron lang siguro kayong hindi napagkakaunawaan." sagot niya.

"Tss." yun na lang ang nasabi ko habang napapailing. Hays. Nakakainis yung ganito.

Macee's POV

"Girls, uwi na ako ha? Baka maging dragona na yung girlfriend ko." sabi ko habang nagbibiro pa.

"I-break mo na kasi. Andito naman ako eh." sagot ni Ange sa akin. Natatawa na lang ako sa pinagsasasabi ng babaeng 'to. Hanggang ngayon ata ay may tama pa rin.

"Lalabas na ako ng gate ng may humawak sa kamay ko. Paglingon ko, si Kristel lang pala."

"Oy sungit!" sabi niya habang ngingiti-ngiti pa.

"Oh bakit?" sagot ko. Pero nakatingin pa rin siya sa akin ng kakaibang tingin.

"Anong cellphone number mo?" sabi niya. Wala eh. Magaling magpacute 'tong babaeng to eh. Kainis. Masyado akong natutuwa sa kanya.

"Kunin mo na lang kay Raine. Hindi ko saulo eh. Pati wala akong dalang phone ngayon." sagot ko sa kanya ng pagpapacute din. Ganti-ganti din pag may time. Haha.

"Ah ganun ba? Sige. Ingat sila sayo." sabi naman niya.

"Oo na. Ingat din sila sayo." sagot ko. Then ginulo ko yung buhok niya.

SHE! BOOK 2 (girlxgirl) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon