Chapter 6

2.6K 74 23
                                    

A/N: Naks! Umabot nga naman ng 20 votes eh. :) So here you goooo.

Macee's POV

"Andito kami ngayon ni Raine sa court. Nanonood ng practice ng mga candidates para sa mutya. Ang sarap ng tulog ko sa bahay pero binulabog niya ko para lang manuod ng practice nila Mykkha kasi wala daw siyang makasama. Bwisit yan. Pinaka-magaling mambasag ng trip."

"Tss. Tinuturuan sila kung paano ang magandang lakad ng isang candidate sa stage. They all wearing heels, magsanay na daw sila ng nakaheels pag naglalakad. Ito naman si Mykkha, paeasy-easy lang. Alam na kasi niya ang tamang tindig at lakad ng isang candidate sa dami na ng nasalihan niyang mga pageant. Kaya happy go lucky lang."

"Dude, bili ko lang ng meryenda si Mykkha ha? Baka gutom na yun eh." sabi ni Raine. Tango naman ang isinagot ko. Sobrang malakas ang tama ni Raine kay Mykkha. Kung pagsilbihan niya, parang prinsesa na. Pero sabagay, ganun din naman ako kay Coleen eh. Kahit na ano pang gusto niya gagawin ko.

--

"Biglang lumapit sakin si Mykkha at yung iba pang candidates. Break muna daw kasi nila kasi kanina pa naman sila nagprapractice."

"Hi, nanonood ka pala dyan. Thanks ha?" sabi ni Mykkha sakin. Hala! Bakit ganun yun?

"Ah eh, si Raine nabili lang ng pagkain para sayo. Baka daw gutom kana. And pinilit lang ako ni Raine sumama dito, wala daw kasi siyang kasama." sagot ko. Ayaw kong isipin niya na kaya ako nagpunta dito kasi gusto ko siyang mapanuod. Ayaw ko nga eh. Kung hindi lang talaga makulit 'tong si Raine eh hindi ko siya sasamahan.

"Ah ganun ba? Hmm. Nga pala guys, si Macee. Pinsan ni Raine." sabi niya.

"Ngumiti naman sakin yung ibang candidates and yung isa parang nagblublush. Anyare dun? Tss."

"Hi, angelica nga pala. Ange nalang for short. Nice to meet you." sabi niya ng pagpapacute sa akin. Tss. Bakit ba ganyan ang mga babae ngayon? Ang flirty.

"Hi." sagot ko. Oo. Suplado ako ngayon. Ayaw ko lang kasi sa mga ganyang klaseng babae. I can't find it attractive. Mas nakuha ng pansin ko yung babaeng nagblush kaya siya ang kinausap at nilapitan ko.

"Hello, ano name mo?" sabi ko.

"A-aaaaah, e-eeehhh." sabi niyang habang nagpupuputol-putol pa ng pagsasalita.

"Bakit ka ganyan magsalita?" sabi ko ng pagtataka. Kasi parang ang O.A naman kung ganun pala siya magsalita di ba?

"Ah. Wala. Ahm, Kristel nga pala." sabi niya then nakikipagshake hands siya kaya agad ko hinawakan ang kamay niya. Baka isipin niya ang suplado ko.

"Nice to meet you beautiful." sagot ko. Eh ang ganda naman nga kasi niya. Though parang mahiyain siya.

"Bolera." sabi niya then tinapik niya ako.

"Ang cute niya pala pag ngumingiti. Ang lalim ng dimples niya."

"Huy, ano yan?" sigaw ni Raine sakin. Habang nangingiti pa.

"Ah wala. Tinanong ko lang name niya." sagot ko. Ayaw ko magpaliwanag baka isipin nila na ang defensive ko.

"Asus, nangchichix ka na naman dude ha? Bawal yan." sabi niya.

"Ulol. Hindi naman siguro masama magtanong ng pangalan di ba?" sagot ko tapos humarap ako kay Kristel. Nag thumbs up naman siya.

"Pagpasensiyahan mo na yang ulol kong pinsan. Wala lang yan magawa sa buhay niya." sabi ko.

"Ok lang yun. May girlfriend ka ba?" tanong niya sakin. Gulat ko naman noh? Alangan magsinungaling ako? Syempre sasabihin ko ang totoo.

"Oo. Pero 3 months pa lang kami." sabi ko.

SHE! BOOK 2 (girlxgirl) ON HOLDWhere stories live. Discover now