Problema
Matapos ang magdamag na pictorial ay hindi ko na nakita si Patrick. Tinutukso nila akong lahat na para bang ginusto ko ang nangyari.
"Sus! Kinikilig ka pa rin kay Sir?" Tanong ni Edgar. Binalingan ko siya. Tumigil ako saglit sa pag-aayos ng gamit ko.
"Ikaw ke'lalaking tao mo napaka'tsismoso mo!" Umirap ako sa kanya. Sinusubukan ko lang maging mataray para mawala na ang tukso nila sa akin.
Nakakahiya naman kasi. Iniwan ako ni Patrick sa ganitong sitwasyon. Naguguluhan pa talaga ako kung bakit niya ginawa iyon.
"That's end for today. See you tomorrow." Paalam ni Crizza sa kanila.
Nagsialisan na sila matapos ayusin ang mga gamit nila. Napagod talaga ako dahil sa nangyari. Kahit pala nakatutok lang ang camera ay talagang nakakapagod. Nakakapagtaka ang mga artista kung bakit natitiis nila ang humarap sa camera magdamag.
"Apple, sabay na tayo." Niyaya ako ni Crizza. Hindi na mahagilap ng mata ko si Liro. Siguro napagod na iyon sa panggugulo.
"Yung kanina..." Bigla akong natigilan sa paglalakad.
"Anong ibig sabihin no'n?" Kumunot ang aking noo bago umiling.
"I don't know. Ayokong pag-usapan." Hindi ko naman kasi alam ang sagot. Maging ako ay naguguluhan.
Kibit balikat na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Tahimik naman akong sumunod.
Pagkarating sa suite namin ay may narinig kaagad akong tawanan. Dinig na dinig ko ang tawa ni Lian.
"Ang pangit mo!" Natatawang tukso ni Lian kay Liro.
Natahimik naman sila ng makarating kami ng suite. Nag-iinuman sila sa loob ng suite. Really? Bakit hindi sila lumabas?
Hindi pa ako nakakapasok ay naabutan na ng tingin ko si Patrick. Katabi niya si Lian na panay ang akbay sa kanya. Gusto kong mainis tuloy sa ginawa niya kanina.
"Hi babes!"
"Putulin ko yang dila mo, gusto mo?" Mataray na hamon ni Crizza kay Liro. Umupo na si Crizza sa couch. Nilipat na din nila ang mesa sa tabi ng couch at ginawang lagayan ng alak at chichirya.
"Apple! Kumusta ang pictorial?" Masiglang tanong ni Lian. Maybe, she doesn't know anything. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Patrick. Agad siyang umiwas ng tingin. I felt betrayed. Iniiwasan niya ako after ng nangyari. Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko, eh.
Ngumisi si Liro habang nakamasid sa amin. Agad ko siyang binalaan. Baka kasi masabi niya iyon tapos mag-aaway sina Lian at Patrick. Yes, I love him but I'm not a selfish bitch.
"Okay lang." Sagot ko bago umupo sa kama at kumuha ng maisusuot. Green sleeveless ang napili ko at pajama. Kahit na inaantok ako ay mukhang hindi agad ako makakatulog dito.
Makikiinuman ako sa kanila? This is crazy! I don't want to be with him pretending nothing happened. Hindi ako manhid.
Nang magpalit ako ng damit ay niyaya nila ako. Hindi ko alam kung tatanggi ako o hindi. Napalingon ako kay Brix na tahimik sa sulok habang nagmamasid sa amin. Napakamisteryoso din pala ng taong ito.
"Sige na light lang naman ito, e." Pangungulit ni Lian. Nakangiti ito sa akin. Yumakap ulit siya kay Patrick. Inihilig nito ang ulo sa balikat niya. Si Patrick naman ay tahimik habang tinutungga mag-isa ang bote ng alak. Ni hindi niya ako kayang tapunan ng tingin.
Narinig ko ang katok mula sa labas kaya natigilan kami. Tutal ako na ang nakatayo kaya naglakad na ako para buksan iyon.
"Mark!" He's on timing! Ngumiti ako dahil makakaligtas ako sa kanila. Nakangiti si Mark sa akin.
YOU ARE READING
Wonderful Days
RomanceOne of the hardest things to do in life is walk away from someone you love. But sometimes, you have no choice.
