"I'm sorry kung--"

"Pinatawad na kita." Ano raw? So talagang sa isip niya ako talaga ang gumawa. Di na ko humirit, baka lumaki lang lalo ang gulo. Karma nalang kung set-up ang nangyari.

"Let's forget about it. Ang importante naman ay nasa akin na yun." May topak ba si Dolly? Hindi ko ma-gets ano na naman ang meron at ngayon naman ay napakamahinahon niyang sinabi na kalimutan na namin ang nangyari.

"Ayokong mag-suffer ang relationship namin ni Greg, just because of you." Madiin ang pagkakasabi niya ng salitang 'you'. Ah, so yun pala kung bakit siya nakikipagayos!

"Tinatawagan ka ni Greg nung nakaraan, di ka raw sumasagot?"

"Yup. Alam mo na siguro kung bakit, diba? Actually, nagtatampo pa rin talaga ako dahil kinampihan ka niya kesa sakin." Ang awkard marinig ng pinagsasabi ni Dolly.

"But it's okay, kasi nga ikaw raw ang beloved sister niya. I'm sure you know how much Greg loves you as his sister, diba?" In-emphasize niya ang salitang 'sister' na parang may gigil na kasama.

"Ah, oo.." Dumaan sa isip ko bigla ang nangyaring paghalik at naramdaman kong uminit ang pakiramdam ko.

"So, kung pakakasalan niya ako sa future, kailangan okay tayo."

"Pakakasalan?" Nabigla ako sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya kay Heneral? Kung ganuon, tama ang sinabi ni Francis? Sabagay, di na pala ko dapat magulat dahil napagusapan na rin namin ni Goyong ang pag-pa-pamilya.

"Sabi niya sakin naudlot raw ang kasal namin dati, so ayon. Though actually, wala naman talaga akong maalala sa mga pinagsasasabi niya sa past na yan eh!" Natawa siya. Anong nakakatawa? Natatawa ba siya dahil laging dinudugtong sa kanya ni Goyong ang last love niyang si Dolores?

"Pero siyempre, natural lang na isipin ngayon pa lang ang mga bagay-bagay na family-related. Wag kang mag-alala, hindi kita ipakukulong dahil sa nangyari. You should thank Greg."

Tumango nalang ako. Wala akong masabi kahit gusto kong magmura dahil na-feel ko na may wala-akong-pake-duon-sa-past-na-sinasabi-niya-basta-gusto-niya-ako-ok-fine-he's-mine na tono sa pananalita niya.

"And speaking of family-related, I still want you to come sa birthday party ko. Okay?"

"Pagiisipan ko." Ayokong pumunta. Baliw ba siya? So feeling niya, ok lang ako sa nangyari?

"Wag mo ng pag-isipan. You should come. Makikipag-ayos na rin ako kay Greg mamaya, kung yun ang pinag-w-worry mo."

Ano namang meron sa lintik na birthday party na yan at kailangan pa akong isali? Unang una, hindi ako interesado sa mga party at ikalawa, hindi ba sapat ang nangyari sa amin para maka-feel ako ng awkwardness na maki-celebrate pa ng birthday niya?

"And.. don't forget to wear the pretty dress na binigay ko sa iyo. VIP ka sa party na yun, so be sure to come." Ngumiti siya- isang inosenteng ngiti pagkatapos ng pilyang tono ng kanyang pananalita. Kinabahan ako bigla. VIP? Ano na naman ito?

"I'll tell you a secret."

"Ano yun?"

"Sa party na lang. Kaya I want to make sure na makakapunta ka. May surprise ako."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Secret? Tapos sa party pa? Ilang linggo pa ba akong di makakatulog sa pag-iisip kung anong secret na yun? Ikakasal na ba sila ng hindi man lang binabanggit sakin ni Goyong?

"O-okay, sige."

"Good. Thanks, Miho. Pwede mo bang tawagin si Greg? Pakisabi puntahan ako dito." Yung paraan ng pananalita niya ay parang siya ang may ari ng shop at yung oras namin ay parang kami ay mga empleyado niya na anytime ay pwede lang niya tawagin.

Ikaw na ang Huli (slow minor editing)Where stories live. Discover now