Wala talaga ako sa mood na kumain, ayoko lang mag-alala si ate kaya nagpadala na lang ako ng brunch dito.

In love nga ako. Iyon iyon feeling ko na tunay kong nararamdaman. Nagseselos, nagmamahal at nasasaktan... lahat iyan ay nangyayari na sakin.

Lumingon ako sa bintana na pinapasukan ng mainit na sikat ng araw. Masakit sa mata ko ang sinag pero pinilit kong pakatitigan pa rin iyon. Maigi nang masilaw ako sa araw kesa sa bawat tingnan kong bahagi ng kuwarto ko ay mukha niya ang nakikita ko.

Love nga...Love nga ang pangalan ng feelings na ito.

Love, dahil wala pa akong maisip na dahilan kung bakit at paano.

Love, dahil sabi nila ganito raw talaga ang mga senyales.
 
Hindi ba nga? Love is... seeing his face everywhere. And I'm seeing him everywhere, so I am in love with him.

I love him. I fell for him and I couldn't remember when.


I'TS already four when I decided to leave my bed. Medyo okay na ang pakiramdam ko kahit masakit pa rin nang kaunti ang sentido ko. Bumaba ako sa sala ng mansion at alanganin pang lumabas ng kabahayan.

Wala na kaya si kuya Santi? I am still hoping that he's still here, pero natatakot naman akong magkita kaming dalawa.

Sa patio ako dumaan at saka umikot sa kidney shaped pool na kanugnog ng Dorcas garden. Doon muna ako nang makalanghap naman ako ng sariwang hangin.

"Kara!"

Pahakbang na ako nang may tuawag sa pangalan ko na nagpatigil sa akin. Pati ang pagtibok ng puso ko ay tumigil din yata. Hindi ko na kailangang lumingon para alamin kung sino iyon. Boses palang, kilalang-kilala ko na siya. A surge of panic engulped me. He's still here!

"K-kuya..." Sa pag-angat ng mukha ko ay nakalapit na siya sa tagiliran ko. Inaabangan niya ako? Napakapit ako sa damit ko dahil wala naman akong ibang makapitan.

"How are you feeling? Kanina pa kita hinihintay."

"Ah..." napatungo ako. Kulang na lang ay mapunit ang tela ng suot kong bestida dahil sa pagkakalamukos ko niyon. Kinakabahan ako dahil malamang tanda niya pa ang mga sinabi ko kagabi.

"Uminom ka kagabi." Naaalala pa nga niya! Sabagay, ako lang naman ang lasing kagabi.

"Kasi..."

"Kung anu-ano tuloy ang nasabi mo." Umakbay siya sa akin na ikinapitlag ko.

"Kagaya ng?" I bit my lower lip. Nakakinis. Nakakahiya. Bawiin ko kaya iyong mga sinabi ko? Ikaila ko kaya? Sabihin ko kayang joke lang iyon?

"Wala naman." Nakangisi siya nang tumingala ako sa mukha niya.

Anong wala? Meron kaya!

"Ano? Tara!"

"Saan?" I asked excitedly. God! Mali ito. I don't want to be near him again, mas masakit umasa.

"Dapat sinusulit natin iyong mga panahong magkasama tayo, di ba?"

Ayoko nga, pero hila-hila niya na ako patungo sa kuwadra.

"Mangangabayo tayo?"

"Gusto mo ba?"

Baka masuka ako. Nahihilo pa naman ako ngayon. "Sige." Pahamak iyong puso ko, nagdesisyon agad kahit nag-iisip pa ako.

"Then let's go!"

Iisang kabayo lang ang sinakyan namin. Siya sa likuran at ako sa harapan. Noon kapag ganito ang puwesto naming ay tuwang-tuwa ako. Nakasandig pa ako sa dibdib niya habang nagtatawanan kaming dalawa.

Someone ForbiddenWhere stories live. Discover now