Prologue

4.3K 194 45
                                    

Unang kabilugan ng buwan ng taon. Taon kung kailan isinaad ng mga Seer ang pagsilang ng batang dragon na muling magtatayo sa nawalang kabihasnan ng Aetheria.

Nakatayo ako sa harapan ng Heart of Azka. Kasama ang iba ko pang kasamahan sa Underground Leggion. Pinagpapawisan ng malapot at kinakabahan sa gagawin nila sa kapatid ko.

" Carmela! " Malakas na tawag ng aming pinuno sa kanya. Napapitlag pa ang babae at takot na takot na lumapit kay Pinunong Mogatus. Kaagad akong lumapit sa kanya at niyapos ito.

" It's ok Carmela." Pagpapatahan ko sa kanya.

" Natatakot ako Ate Crised." Mahina pero nanginginig nitong sabi. At panay singhap ng kanyang ilong at pigil sa pagtulo ng kanyang mga luha. Oo isa ring Blood Witch si Carmela, but the latency of her powers is far more supreme compared to any of us in the Underground Legion. Hindi lamang nito kayang bumuhay ng patay kundi kahit iisang parte lamang ng katawan ng tao ay kaya niyang ibalik sa dating kaanyuan. Total rejuvenation, isang natatanging kakayanan na lumilitaw lamang kada isang siglo. Her power is essential for the ressurection of Azka.

Matagal kong itinago sa legion ang kanyang kakayanan pero sadyang mabilis ang paglago ng kapangyarihan ni Carmela kaya kusa rin nila itong nalaman. Tulad ng nakaugalian. Ang gusto ng legion ay buhayin ang matagal ng namayapang si Azka. The dragon ruler. Mula sa kanyang walang buhay na puso ay gusto nila itong buhaying muli gamit ang kapangyarihan ng aking kapatid.

" Sige na matatapos din ito kaagad, pinapangako ko walang mangyayari sayo." Ngumiti ako sa aking kapatid at inalalayan sa paglalakad papunta kay Kenfred. Habang tinatapik ang kanyang likod at panay ang halik at ihip sa kanyang ulo. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng buo nitong katawan. I take a deep breath before leaving her into Kenfred's hands. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming danasin to. Ang tanging alam ko ay bawat isa sa amin ay kinakailangang magsakripisyo kapag hiningi na ng Legion. Ang dami daming tumatakbo sa isip ko habang pinagmamasdan si Carmela. Na isinasagawa ang ipinag uutos sa kanya. Parang hindi ko lang matanggap na sa murang edad niya ay kaagad na siyang isasabak sa ganitong ritual. I don't even know what it will costs her o hanggang saan niya kakayanin ang lahat.

Napapikit na lamang ako at yumuko ng gilitan nila ito sa dalawa niyang mga palad. I want to protests pero papaano at hindi ko sila kayang kalabanin. Pinilit kong magpakatatag at nagbingi bingihan sa mga sigaw ng kapatid ko. At palihim na lamang na lumuluha.

They positioned her infront of Azka's Heart. Nakahawak at hinahayaang dumaloy ang kanyang dugo sa puso ni Azka.

Nag umpisa ang seremonya. Lahat kami ay nakapalibot kay Carmela. Citing the incantation habang abala ang iba sa paggawa ng ingay.

Napaiktad si Carmela ng biglang tumibok ang puso ni Azka. She shouted as if it is her last scream. Tila hinihigop ng bato ang buong life force ng aking kapatid. Kitang kita ko ang paglipat ng luntiang liwanag mula sa kanyang katawan papunta sa puso ni Azka. Nagkaroon na rin iyon ng kulay at nag umpisang tumibok. Hindi lamang simpleng pagtibok kundi mas lumalaki pa ito. Hanggang sa mas tumingkad ang liwanag at nagsanib ang liwanag ng katawan ni Carmela at ng puso ni Azka. Napapikit ako dahil sa sobrang liwanag at napahigpit ang aking kapit sa aking mga kasamahan dahil pakiramdam ko ay sasabog silang pareho. Nasundan pa iyon ng napakalakas na vibration na siyang nagpa igting ng aking tainga. Nawala lamang ang aking kaba ng itinaas ni Kenfred ang kanyang wand at humudyat ng pagtatapos ng seremonya.

Kaagad na lumapit ang iba at biglang lumakas ang bulong bulungan. Sa pag aalala sa aking kapatid ay pilit kong isiniksik ang aking sarili sa kanilang  kumpolan.

" Carmela, Carmela." I rushed at biglang napahinto ng nasa mismong harapan na ako ng aking kapatid dahil pinigilan ako ni Kenfred. I saw her lying at halos hindi na humihinga katabi ang dalawang malalaking itlog. Both eggs have identical design one was blue and the other was ebony.

" Secure the eggs." Nagmamadaling utos ni Kenfred. Napakagat ako ng bagang dahil mas inuna pa nito ang mga itlog kaysa sa aking kapatid.

" Ate." Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ng marinig ko ang marahang pagtawag ng aking kapatid. Salamat at nakaligtas siya.

" Ahhhhhyyyyy!" Napabulalas ako ng bigla na lamang bumuka ang lupa sa paligid ni Carmela at ng mga itlog. Pagkatapos ay lumubas ang makapal at maitim na usok. Nagkagulo ang lahat ng nagsimula itong umatake. Kaagad akong dumapa at lumapit sa uka. Inilahad ko ang aking palad upang abutin ang kamay ni Carmela. Using my spell I managed to lift her body pero sobrang hirap na hirap ako dahil pinapagana ko rin ang force field bilang proteksyon ko sa usok. Kahit maabot ko lamang ang kanyang kamay.

" Carmela bitiwan mo na yan. " Sigaw ko ng pilit pa nitong kinarga ang dalawang itlog.

" Hindi Ate, kailangan natin silang iligtas." Pagpupumilit nito. At mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayapos sa dalawang itlog. Wala na rin akong nagawa kundi ang piliting isalba silang tatlo. Nakikita ko namang pilit pa rin niyang ginagamit ang kanyang kapangyarihan kaya mas lalo akong nakombensi na baka may mabigat na dahilan ang aking kapatid.

Hindi rin ako makahanap ng tulong dahil sa abala silang lahat sa pakikipaglaban sa usok at sa mga nilalang na ibinubuga noon.

" Atee!" Nagulat ako sa sigaw ni Carmela. May nakapulupot na palang usok sa baywang nito. Pinilit kong doblehin ang aking lakas mahila lamang si Carmela hanggang sa dumaloy ang dugo sa aking ilong at mga tainga. Ang lakas ng pagkakahawak ng usok sa kanya at hinihila siya nito paibaba.

" Carmelaaa!" Hindi ko nakayaan at tuluyan ko siyang nabitawan. She tossed the other egg at yuon na lamang ang tanging naisalba ko. Kaagad ko itong niyakap at buong lakas na pinutrektahan. Kneeling on that edge habang tumitigas ang aking lalamunan at nakadilat na pinapanood at pagkuha nila sa aking kapatid.

*****

Ororo

" hoooooo! " Pawisan at pagod na pagod ako ng magising. Isa na namang bangungot. Halos gabi gabi na lang yata bumabalik sa akin ang mga memorya ng Tiya.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Kailangan kong gawin to para makatulog muli. Habang umiinom ako ng tubig ay nagulat ako ng dahan dahang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Mabilis kong inilapag ang baso sa lamesa at tumakbo pabalik ng kwarto.

Napahalukipkip ako dahil sa sobrang lamig ng hangin na sumalubong sa akin. At ang isa pang nakakagulat ay ang maitim na usok na lumabas sa aking bintana.

Anong ibig sabihin nito? May nakaamba na naman bang panganib? I held myself tighter dahil sa kakaibang takot na bigla kong naramdaman.

___________
Hi Guys,

Ayan na ha as promised my UD this day hahahahahhh. Ano po masasabi niyo sa prologue?

Love u all,

Donechyros

____________________

ASCENDWhere stories live. Discover now