[16] L o v e - H a t e

Magsimula sa umpisa
                                    


"Wow. Rain halika dito dali." hinila ko siya papuntang hanging bridge at idinipa ko ang mga kamay ko.

"Dito ako lagi nagpupunta kapag gusto kong mapag-isa. Perfect place diba?" nag nod lang naman ako sa kanya.

Kumuha ako ng dalawang papel at dalawang plastic bottle sa bag ko. Alam kong nagtataka si Rain.


"Kung itatanong mo kung para san 'to, uunahan na kita. Sabi ni Bella, kapag daw gusto mong mag wish isulat mo daw 'to sa isang papel at isilid mo sa plastic bottle tapos itapon mo sa ilog. Kaya ito magsulat tayo." at saka ko inabot sa kanya.

Nagsimula na akong magsulat at ganun din naman si Rain. Ngayon ko pa lang susubukan ang kaekekan sa buhay ni Bella Alvarez.

"Tapos na!" nagkasabay pa kami ni Rain.


"Hahahahahaha." kaya sabay na lang din kami napatawa.


"Oh sige, ikaw na ang mauna." sabi niya sakin.

I lift my hands at nag pray matapos kong ibato yung bote. 

"Anong wish mo?" tanong niya sakin.


"Ahmmm. Secret! Saka ko sasabihin sayo kapag natupad na yung wish ko." nag smile lang naman ulit siya sakin at ibinato na niya yung kanya.

"Alam mo ba ang wish ko? Yung sana maalala na ako ng taong pinakamamahal ko simula pa noon." napatingin ako sa kanya.

"Ang swerte naman ng babaeng yun. Edi, ipaalala mo sa kanya."


"Yun na nga ang problema eh, kung mismong siya di kayang alalahanin."


Napa 'aaahh' na lang ako kasi ayaw ko ng magtanong. Mukha pa lang kasi ni Rain halatang nasasaktan na siya.

"Halika. Di pa tapos ang araw na 'to." napangiti na lang ako at sumakay sa kotse niya.

***

Nasa isang mahabang high way kami na konti lang yung dumadaan. Ang fresh ng hangin. Kasi yung sasakyan ni Rain yun bang walang bubong.


"Nahuhulaan mo ba kung bakit kita dinala dito?" ngumiti ako at nagkatinginan kami.


"HOY GIO DRAY MIN! SINO KA BA PARA SAKTAN NA LANG AKO PALAGI? BAKIT BA ANG BIPOLAR MO? PINAGLIHI KA BA SA SAMA NG LOOB? HOY, KABAYO KA KUNG NARIRINIG MO AKO NGAYON ANG PANGIT NG SENSE OF FASHION MO. WAG KA NG GAGAMIT NG INSOLES! BAKIT BA MINSAN ANG BAIT MO PERO MINSAN PARA KANG MAY DALAW? HOY! KABAYO, MAKINIG KA!!" para akong kakapusin ng hininga sa sigaw ko. Hoooo. Nakakagaan ng pakiramdam.

"GIO DRAY MIN! BAKIT BA ANG DAMING TAO ANG SUMASAMA ANG LOOB SAYO? TAMA SI YUMI KABAYO KA TALAGA. SA SUSUNOD NA MAKITA KO PA ULIT SIYA NA UMIIYAK NG DAHIL SAYO, KAHIT KAILAN DI MO NA SIYA MAHAHAWAKAN DAHIL AKIN NA SIYA. SINISIGURADO KO DIN MANGHIHIRAM KA NG MUKHA SA ASO!"

Nagulat ako sa pagsigaw ni Rain. Teka, totoo ba yung mga sinabi niya. Oh well papel. I'm just going to enjoy this moment with him.

"Hahahahaha." we both laugh again. Para kaming baliw sa pinag-gagawa namin. Bakit kay Dray pa ako na inlove? Bakit di na lang kay Rain? May hahanapin pa ba ako sa kanya.

"Yarumi!"

"Oh!"

"I wish that I could be a stethoscope!"

"Really? Why?!"

Medyo nagsisigawan kami dahil di kami masyadong magkarinigan.

"So that I know, if your heart is beating for me."

Namilog ulit yung mata ko. Rain please, sabihin mong joke yan dahil di ko alam ang ire-react ko!

"Hoy. Rain Yang! Joke ba yan?"


"Sa ngayon joke. Pero pag pinaiyak ka niya ulit, tototohanin na talaga lahat ng sinasabi ko sayo."

Nagkatinginan ulit kami at tumawa ng malakas.


Thank you for this day, Rain Yang.


---

Utors note daw muna :3 Ano mas bet niyo MiRa or MiRay???? Comment sa pinaka Last Chapter!!!

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon