Chapter 16

539 11 1
                                    


***

Dahil bakasiyon na ngayon ay napagdesisyunan ng pamilya namin na magpunta sa Baguio, Christmas gift daw samin 'yun ni papa at sobrang saya ko kasi first time akong makakapunta doon.

"Okay na ba lahat?" tanong ni papa.

Nung wala akong nakapang salamin sa ulo ko ay agad akong bumalik ng kwarto. Tinext ko din si Tim na magbabakasiyon kami ngayon at ang sabi niya ay may bakasiyon din daw sila ng kaibigan niya.

"Yera bilisan mo!" rinig kong sigaw ni kuya

Ay atat lang? uso naman ang maghintay diba?

Nung nakasakay na kami sa van ay tinanong ko si lola sa isang bagay na pinag aalala ko. Dalawang beses na nangyari sakin yun at natatakot ako kung sakali mang may ibig sabihin iyon.

"Lola may ibig sabihin po ba kapag may napanaginipan kang isang bagay na parehong-pareho sa napanaginipan mo nung nakaraang gabi?"

"Siguro apo sinyales iyon na magkakatotoo ang napanaginipan mo"

Kinabahan ako kaya kinuha ko agad ang cell phone ko at tinext si Tim. Naghintay ako ng reply nya at nung nabasa ko sa text niya ay gumaan ang loob ko. Natatakot akong mangyari ang napanaginipan ko dahil base sa panaginip ko ay iiwan niya ko at hindi na niya babalikan. Isipin ko palang yun ay gusto ko ng maiyak pero ang sabi niya naman ay hindi niya ko iiwan kaya kailangan kong paniwalaan ang sinabi niya. Hinding hindi niya magagawa sakin ang ganung bagay.

Nakatulog ako sa biyahe at pag gising ko ay sinabi ni mama na malapit na kami sa bahay nila tita. Excited na kong mamasyal sa Baguio at mas magiging masaya sana ang bakasiyong 'to kung kasama ko si Tim ngayon pero hindi eh, family time muna 'to halos magkasama na rin naman kami nung mga nakaraang araw.

Pag dating namin sa bahay nila tita ay ang warm ng pagtanggap nila samin. Feel at home kami ngayon lalo na nung sumulpot ang pinsan naming si Daphe.

"Hello po sainyo" pagkatapos nun ay nilapitan niya ko at hinila sa kwarto niya

Sinabihan kami ni tita na bumaba nalang kami kapag magdidinner na at nung pagpasok palang naming sa kwarto niya ay ang pambungad niya agad ay...

"Balita ko may boyfriend kana?"

"Saan mo naman napulot ang balitang yan?"

"Si lola ang nagsabi sakin"

Kahit kailan talaga masyadong tsismosa si lola at ipapaalam kahit kanino ang nalaman niya. Dahil magkaparehas sila ng ugali ay kinulit niya ko ng kinulit tungkol kay Tim at ako naman ay walang nagawa kaya kinuwento ko sakaniya pero syempre hindi lahat ng detalye. Sinuswerte siya masyado.

At ayun nga kilig na kilig ang batang 'to. Tsk!

Kinabukasan ay naglibot-libot kami ni Daphe kasama ang bestfriend niya. Nung una ay hindi ako naniniwala na bestfriend lang sila dahil iba kung tumingin si Josh kay Daphe, parang yung klase lang na tingin ni Tim na nakakapanglusaw. Iba rin kung mag alala ang lalaking 'to sa pinsan ko.

Naenjoy ko naman ang pamamasyal namin at nung nagpaalam na si Josh ay parang may kung ano pa siyang hinihintay kay Daphe pero pinaalis na siya nito.

"May gusto siya sayo noh?" natigilan sa paglalakad si Daphe dahil sa naging tanong ko.

"Hindi naman kasi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin minsan kasi mas maganda kung magkaibigan lang ang meron kayo"

"Pero mahal mo naman siya diba?"

We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon