Chapter 4

933 15 6
                                    


***

Hindi ko pa din makalimutan ang nangyari kagabe kahit papasok na ako ng klase ay 'yun pa rin ang naiisip ko. Ayan tuloy nag init na naman ang mukha ko, hindi ko akalain na ganun pala 'yun. Iniling-iling ko na lang ang ulo ko para mawala sa isip ko ang imaheng 'yun, kababae ko pa namang tao tapos 'yun ang iniisip ko, ang sagwa tuloy.

Parang zombie na naman ako ngayon na naglalakad papasok ng school at pinagtitinginan na naman nga ako nung ibang estudyante. Nang papasok na ko ng gate ng school ay biglang may bumusina sa likod ko. Hindi ko pinagkaabahalang tingnan kung sino man 'yun dahil antok na antok pa din ako. Wala nga akong balak pumasok eh kung hindi lang umakyat si mama sa kwarto ko at pinag pupukpok ang mga kaldero sa tapat ng tenga ko ay wala pa talaga kong balak bumangon nun.

Busina pa din ng busina iyong kotse. Langya! Wala naman ako sa gitna ng daan ah super gilid na nga 'yung dinadaanan. Lumingon ako at tiningnan ang panirang driver ng kotseng 'yun at napataas ako ng kilay ng makita ko si Tim na nakalabas na ng kotse at ang laki ng ngisi. Ewan ko ba pero naasar ako sa ngisi niya.

"Hey, Yow"

May pa hey yow, hey yow pa siyang nalalaman dyan,

"Sakay na!"

Anak ng tinapa oh saka niya lang ako yayayaing sumakay kung kelan nasa may gate na ko. Ano 'yun lokohan?

Biglang bumukas yung pinto ng passanger seat at nakita ko ang poker face na mukha ni Yndira. So magkasama pala ang mga pangit na 'to. Gosh! sira na agad ang araw ko. Kailangan kong makita si Dylan para naman matanggal ang pagka bad vibes ko.

"So sasakay ka pa?" tanong ng impakta tapos naka pa meywang pa, ang bruha niya talaga matapos niyang landiin si crush ngayon naman si Tim, pero dapat lang na maging masaya ako kasi nangyayari na yung binabalak namin pero bakit pag nakikita ko ang babaeng to ay nag iinit ang ulo ko at parang ayoko silang makitang magkasama.

Tinalikuran ko silang dalawa at naglakad na papasok ng school. Wag nila kong maasar asar ngayon at ang laki ng problema ng eyebags ko.

"Tara na nga Kurt masyadong pakipot pa 'yang girlfriend mo. Siya na nga inaalok ng free ride"

Sumakay na 'yung dalawa sa kotse at saka nilagpasan na ako. Pag dating ko sa clssroom ay agad akong sinalubong ni Mitch, as usual nagtanong na naman kung anong nangyari sakin dahil mukha na naman akong zombie. Kasalanan 'to ni Tim eh kung hindi lang niya ginambala ang katawang lupa ko eh di sana nasa matinong kondisyon ang utak ko kagabi at sana nakatulog ako ng maaga.

Napansin ko na parang may pinagkakaguluhan ang mga lalaki sa labas ng room namin kaya naki epal na din ako pero pinag sisihan ko 'yung pag labas ng room dahil...

"Bakit magkasama sila?" bulong ni Mitch sakin

"Kasi ex girlfriend niya yan"

"Kaya ba siya nag transfer dito dahil kay Yndira?"

"Tsk! Manahimik ka nga dyan Mitch"

May sinabi pa siya pero hindi ko na masyadong pinansin iyon dahil nag iinit na ang ulo ko sa dalawang 'to.

"Hanggang dito na lang ako Kurt. Bye see you later"

Sabay halik sa pisngi ni Tim. Hindi ko alam pero uminit lalo ang ulo ko at parang gusto ko siyang sabunutan. So ganun na lang? Harap harap ang panloloko? Naku Tim malandi ka na rin ngayon.

Napa 'oww' naman 'yun mga lalaki na nakakita sa kanila, tapos gumatong pa 'yung isa.

"Ang sweet niyo naman, kayo na! kayo na PDA" nagtawanan 'yung ibang nakakita sa kanila.

We're 49 Days InLove **PUBLISHED under LIFEBOOKS**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon