Chapter 10: All For Nothing

Start from the beginning
                                    

"Ang sabi ko, ang bingi ng lahi mo."

Sabi ko na lang kasi medyo nako-concious na ako dahil sa pagtingin niya sa akin kahit pa alam kong mahusay siya sa mga ganitong aspeto. Mga pagpapakilig ba, artista siya di ba?

"Hoy --"

"Marshiie!"

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Nandito na pala si Kyeowo. Agad naman akong tumakbo pababa. "Kyeowo! Buti na kauwi ka na!"

Lumapit agad ako sa kanya. "Hehehe. Oo nga eh. Napasarap sa laro eh."

"Sigurado ka na hindi mo ako hinintay? Ikaw ah."

Tapos tinusok-tusok ko yung tagiliran niya. Namula naman siya. Parang nahihiyang bata lang siya at napalikot yung mga mata niya.

"Ahhh. Ehhh. H-h-hindi ahh. Hehehe. S-sige. Alis na ako! Alis na ako."

Sabi niya sabay karipas ng takbo. Okay. Ano yun? Affected naman siya masyado, parang ayaw niya ako makita. Nagkibit-balikat na lang tapos pagharap ko. Nakita ko si Gerald na nagpipigil ng tawa. Hawak na niya yung tiyan niya at nakabaluktot na siya na parang hipon.

"Pffft."

Namumula na siya sa sobrang pagpipigil sa pagtawa niya. Trip neto?

*click*

Kinuhanan ko siya ng picture. Benta yun for sure! Hahahaha. XD

Napatayo siya agad at lumapit sa akin. At ang bilis ng kamay niya ah. Hinablot niya bigla yung cellphone mula sa pagkakahawak ko rito.

"O-oyy! Ano ba?"

Sabi ko sa kanya pero tinaas lang niya yung phone ko na S4 tapos tumingin lang patingala yung gwapong impakto.

"Teka! Dapat pala tumawa na ako bago mo ako makuhanan, sige nga magpatawa ka nga tapos tatawanan ko yung pangit mong mukha tsaka mo ako picturan."

-________-

Okay? What was that? Ano siya? Monggoloid? Natuwa pa siya sa nakakahiyang picture niya? Ni ako nga hindi ko maatim na matywa sa sinabi niya eh.

Nagpapatunay lang talaga na mapurol ang utak niya. Susme! -____- Nakakawala siya ng mood. Hindi gaya ni Kyeowo na laging nakangiti. Cool lang. Laging happy at naka-smile. Good vibes lang.

Hinablot ko lang yung cellphone ko at inismiran ko ng panlalaki si Gerald. Baka maakusahan pa niya ako eh.

Akala ko ako yung nakaisa sa kanya. Parang naibalik niya ang pang-iinis sa akin. Nakakainis.

Iniwan ko lang siya doon na ngiting-ngiti at gwapong-gwapo sa sarili. Nakakainis lang! Umakyat na ako sa kama ko. Tapos nag-laptop na ako. Buti na lang may Googe Chrome agad.

Nagbukas ng Wi-Fi. Tama nga! ^____^ Meron! Hello Fb ako ngayon ah. Ang lakas ng signal at dahil sa private siya mabilis ang internet connection.

Awwwww! Ang feeling ko lang ang hirap ko na. Dati may private wi-fi ako sa kwarto ko eh. Ngayon, nagkakasya na lang ako sa pakiki-wi-fi. Poor na ako! -____-

Pumunta na ako sa Fb at Twitter. Syempre, paharap sa gilid para kung sakaling sumilip siya, hindi niya makita na babae ako. Baka maloko na.

Nag-Fb ako. Ang daming Notification. Puro tags lang. Buti na lang nakasulat sa Hangul yung name ko sa facebook kaya hindi nila ako matutunton. Nagpalit na ako ng display picture pati cover photo, dahil natandaan ko na Korean din pala si Kyeowo, baka malaman niya.

Tapos sinet ko into Private lahat ng folder ng pictures ko.

Nag-Twitter lang din ako. Ang daming new followers. Nagulat ako nung makita ko si Gerald na nakatingin sa akin na medyo nanlalaki ang mga mata. Problema niya?

"Problema mo?"

"W-wala.."

Tapos bumalik na yata siya sa kama niya. Problema talaga nung lalaking yun? Nagpalit lang din ako ng picture. Same reason. Tapos pagtingin ko sa trending topics ay may nakapukaw ng atensyon ko.

#AnyRaldFOREVER

Ano 'to? I clicked it tapos nadadagdagan ng nadadagdagan yung tweets. Ang bilis. Trending talaga siya. Tapos ki-nlick ko rin yung nakalagay na URL ng isang picture.

Tiningnan ko. O__O si Gerald pala yung Rald na tinutukoy? At nakita ko yung picture nila nung babaeng with no doubt ay maganda. Bakit sila trending?

Tapos na-curious ako lalo kaya binasa ko yung tweets nila tapos may nabasa ako na ipapalabas daw yung movie nila sa Sunday. At ang title nung movie ay.. "Little Too Late"

Ang ganda naman nung title. Napangiti ako kasi kung titingnan mo yung pictures. Mukha siyang mabait at gwapo siya, undeniably.

Tapos pinanuod ko yung trailer nila sa YouTube. Ang ganda nga ng movie.

Magaling pala talaga siyang actor. Kitang-kita sa trailer pa lang.

Sad to say. Pinuri ko siya. Labag sa loob pero magaling talaga siya eh.

to be continued..

--

To Infinity And Beyond

Retrovirusxxx

Pretentious {Ellipsis}Where stories live. Discover now