Chapter 2 (Part One): Welcome to Oxford International Business School

56 6 0
                                    

Vote and Comment

----

Chapter 2 (Part One): Welcome to Oxford International Business School

[Gionne's POV]

Minulat ko yung mga mata ko. Huminga ako ng malalim. Bagong araw, pero parang pinanghihinaan ako ng loob.

Parang.. ewan. >_______< Natatakot akong humarap kay mommy at daddy ngayon.

Tumingin ako sa oras. 5 pm. Okay. 5 pm pa lang naman eh.

5 pm? O________O, as in PM?

Napabangon ako agad at sumilip sa labas, OMG! Ang tagal kong nakatulog. Teka! Anong oras na ba ako nakatulog kaninang madaling-araw? Ang sakit pa ng ulo ko.

Hala! Wait lang.. kailangan ko ng bumaba, hindi ito ako tamang oras  para isipin yang mga yan.

Pagkababa ko, nakita  ko agad si manang.

"Manang, sila mommy po."

Namumula yung mga mata ni manang. "Kaalis lang po ma'am."

"Anong oras po babalik atsaka, si Christian? Walang tao sa kwarto niya eh."

"Ma'am. Umalis na po sila, pumunta na po silang States."

Tapos biglang umiyak si manang sabay exit. Huh? Problema nun? Pumunta lang naman si mommy, daddy at Christian sa States ah. Silang tatlo.

OMG! O______O

Tumakbo ako palabas. Iniisip kung baka hindi pa nakakaalis yung plane. Yung private plane namin.

Pero.. wala! Wala.na kahit anong sign na nandun pa sila! TT~TT

Nung nasa garden na ako. Nag-umpisang mag-unahang tumulo yung luha ko. Nag-umpisang pumatak yung  mga luha ko. Huli na nga talaga ako.

Pinilit kong isipin kung anong araw ngayon. Atsaka lang sumagi sa isip ko.

Tanga ko! Bakit ngayon ko pa naisip to, ngayon pala yung graduation niya at kanina pa natapos yun at nahuli na ako. Dahil wala akong kwentang anak.

Natumba na lang ako at napahiga sa damuhan.

Paano ko pa mapapatunayan kala mommy na handa na akong magbago, magbago.. yung talagang kaya ko ng panindigan?

Pero.. pwede ko pa rin naman patunayan yun di ba? Pero paano?

Hindi ko rin alam.

Nakatingin ako sa langit. Umuulan. Pakiramdam ko hindi ako kayang lunurin ng ulan, dahil sa luha ko pa lang. Lunod na lunod na ako.

"Ayyy.. ano ka ba iha, nagpapaulan ka diyan!"

Sabi ni manang habang nakatapat sa akin yung payong na hawak niya.

*

Nasa kwarto ako ngayon. Ang lamig. Baka magkasakit ako neto.

Maya-maya napaikot na lang yung mata  ko sa kwarto ko, at may nahagip na isang parang libro.

Lumapit ako kasi sa tagal ko ba naman sa kwartong 'to ngayon ko lang napansin yun.

Maalikabok. Hmmm.. halatang hindi talaga yun nabubuksan. Pasensya naman, pagdating ko kasi sa bahay.. matutulog tapos labas ulit tapos gabi na yung balik ko.

Pagkabukas ko, automatic na nag-unahan yung luha ko.

Napasinghap ako. Huminga ako ng malalim. Umupo sa kama ko at gumulong.

Pretentious {Ellipsis}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon