Chapter 18 - DAMN

17 2 0
                                    

Copyright © 2013 Writinginnosense Stories

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

Chapter 18 - DAMN

GIONNE DOMINIQUE GOMEZ

Ano ka ngayon Tiffany? Anong akala mo? You can just easily go here and say na p'wede ka rito? Gaga ka rin eh 'no? Mwahahaha. Nakakatawa kasi 'yung reaction ng mukha niya eh. Priceless as ever.

"Tita.. hahaha.. you never change.." At nagtawanan silang dalawa. =__= Okay? Anong meron? Bakit bigla na lang silang nagtawanan na parang mga baliw?

Lumapit ako kay Tristan para magtanong. "Bakit sila nagtawanan bigla?"

"Ehh kasi Dom, pamangkin ni mommy 'yan si Tiffany.."

Napa-ahh na lang ako. K. Akala ko pa naman nasampolan na 'yung maarteng babaeng 'to. Akala mo naman kasi sobrang ganda niya eh kung titingnan naman ang mukha niya mukha naman siyang sinagad sa make-up and if I know, mukha naman siyang retokada. Psh.

"Yes?" Taas kilay niyang tanong sa akin.. ugghh.. nakatingin na pala sila sa akin lahat kasi nga tinatanong ako ng 'yes?' ni Tiffany, retokada..

"Wala naman." Gusto lang naman kitang patayin.

"You look familiar.." She said.

"Really?" Ganun talaga kapag maganda, gaga! Syempre bakit mo naman kasi kakalimutan ang mukha ito? The face of a winner!

"Nah! Bakit naman kita maaalala? Ikaw yata mukhang pinakamahirap dito eh.."

Ayy! -__- Kung alam mo lang.. nanggigigil na ako sa'yo. Baka gusto mong hampasin kita mg gold bars diyan. Ang kapal ng mukha akala mo maganda.

"Hahaha. Yeah! Siguro nga.. pero alam mo may ate ako, maganda 'yun, hindi mo katulad.. retokada.." Pagsisinungaling ko. Aba! Ang masabihan akong mahirap ay below the belt na sa akin. Gaga 'to ah. Nagtaas naman siya agad ng kilay.

"Retokada? Ako?"

"Nah uh. May sinabi ba ako?"

"Meron. Ehh ikaw lang naman ang mukhang cheap dito eh.."

"Hahaha. And I've heard the De Rama's are suffering from a crisis right now?" I said. Totoo naman eh. Nagulat siya na alam ko. S'yempre, isa akong Gomez, madali lang sa aking malaman 'yang mga confidential infos na 'yan.

"H-how did you know that?" Nagtitimpi na siya.

I just shrugged and smirk. "Cause I'm cheap?" Pang-aasar ko. "Hey! You Dominique! Pati ba naman babae pinapatulan mo.." Pagsasaway sa akin ni Gerald. And? Siya naman nagsimula ah.

"Hey! Gerald.. wala namang ginagawa si Marshiie ah! Eto kasing Tiffany na 'to. Mapangmata.." Palihim akong natuwa sa ginawa ni Kyo. Nadali niya tiyong! XD

"Tsk!" Weh? 'Yun na lang ang nasagot ng impakto? Di nga? Infairness ah, parang ang tipid no'n para sa hambog na Gerald na 'to.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may tumapik sa likod ko.

"Uyy! Samahan mo ako mamaya ah.." Pag-aya sa akin ni Kuya Nico. "Saan naman po?" Magalang naman ako at hindi bastos gaya ni hambog kaya marunong akong mag-opo sa mga nakakatanda. So alam niyo na mga bata ah?

"Tour.." Maikling saad ni Kuya Nico habang nakangiti. Sabagay, ang view naman talaga ang pinunta ko rito e. "Sige po." Saad ko..

GERALD IGNACIO

Hindi ko alam kung bakit pero I feel something with Kuya Nico. Not because he's giving too much attention to that weirdo pero I think he's up to something. Masyado rin siyang touchy, hindi naman sila magkakilala ng weirdo as far as I know.

Haist!! I know wala naman akong paki sa weirdo na Dominique na yan ah? Haist! Nakaka-ewan naman yung pakiramdam na 'to.

Bahala na nga siya sa buhay niya. Bakit  nga ba ako nag-iisipng kung anu-ano? Maiinis lang ako e.

"Ge? Are you okay?" Napalingon ako kay Tiffany na kinakain ang mga pagkaing hindi pwede sa kanya. =__= Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng 'to. Sabi ng bawal sa kanya yung sobrang maaanghang napagkain dahil may hika siya e.

"Hey! Bawal yan sa'yo,'di ba?" Pagsasabi ko sa kanya. Para kona rin kasi siyang kapatid. Gwapo ko.

"Ihhh. Minsan lang naman e." Pagpapa-cute niya. =__= Why do girls have to do that? Nakakairita talaga.

"Hindi" Sht! Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla siyang atakihin ng hika. "G-gerald. Y-yung.. nebulizer.. k-ko.." Sunud-sunod na mabibigat na hininga niya. Pati si tita natataranta na rin. Sht!

"Saan nakalagay?!" Naaaligaga na ako. Para ko ng kapatid si Tiffany, kababata ko pa.

"B-bag.." Agad akong tumakbo papuntang loob ng bahay.

GIONNE DOMINIQUE GOMEZ

Triple kill.

Bakit.. bakit.. hindi ako makahinga ng makita ko yung eksena kanina? Bakit pakiramdam ko naiiyak ako? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Sht lang!

****

To Infinity And Beyond

Writinginnosense

Pretentious {Ellipsis}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon