Chapter 10: All For Nothing

Start from the beginning
                                    

[Kyeowo! Si Dominique 'to, nasaan ka na? Nandito na ako sa dorm, akala ko nga nauna ka na eh. Hinihintay mo pa ba ako diyan?]

"Paano ka nakauwi?" Natuwa ako kasi safe pala siyang nakauwi. Buti walang masamang nangyari sa kanya.

[Tanong ko sinagot mo rin ng tanong. Ano kaya yun? Nakita ko kasi si Chesika kanina na tumatakbo, kaya pala nasa mall si Gerald kanina para ipa-check up si Chesika sa kaibigan niyang Veterinarian kaya sumabay na ako pauwi. Atsaka --]

"Sige. Mamaya na lang ang kwento. Naglaro muna ako sa mall eh. Uwi na rin ako. Bye!"

Hindi ko na nahintay yung pagsagot niya. Ibinaba ko na yung tawag. Huminga akong malalim. Pakiramdam ko nanlalalim na yung mga mata ko. Yung ngiti ko kanina, biglang nawala.

Bakit ganito nararamdaman ko?

Hinawakan ko yung pagitan ng mga kilay ko atsaka kinurot.

"May importanteng dahilan siya Kyeowo! Maniwala ka lang! Tama! Hehehe!" ^____^

Muli kong nabalik yun ngiti ko. Kasi alam ko naman na may dahilan kung bakit nangyari yung pag-iwan niya sa akin.

Buti nga walang ulan oh. Sakto lang.. makakauwi na ako. Ipinasok ko na yung susi para ma-start ko na yung engine. Atsaka na ako nag-drive pabalik sa OIBS.

[Gionne's POV]

Bakit nagi-guilty ako? Malamang Gionne! Ano ka, shunga? May pinaghintay ka lang naman na tao sa mall.

Pero good thing na nalaman kong naglaro na lang siya sa mall. Kasi kung hinintay niya ako, ayyy! Baka hindi ko na kayanin. Hindi na kakayanin ng konsensya ko.

Bumalik na ako sa kwarto namin ni Gerald. Nagpasalamat siya sa akin kanina at hindi ko talaga alam yung unrecognize na pakiramdam.

Hindi naman sa hindi ko alam. Alam na alam ko yung feeling na yun kasi naramdaman ko na  dati yun, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa lahat ng tao, siya pa?

At bakit, all of a sudden. Mararamdaman ko pa yun?

"Hoy! Panget! Mag-ayos ka nga ng gamit mo!"

Sigaw niya sa akin. -____- Wala pala akong nararamdaman para sa kanya kundi pagkainis. Ni hindi ko nga alam kung paano niya na-survive na maging mabait sa akin kanina eh.

Nasuka siguro siya kasi bigla siyang bumait.

Wala pang TV man lang dito para man lang mag-enjoy ako kahit papano. Umakyat na lang ako sa kama ko at hindi na pinansin si gwapong impakto.

Naalala ko tuloy ulit yung mukha niya na malapit sa mukha ko. Shet! Bakit nararamdaman kong namumula na naman ako? >//<

Pero naalala ko rin yung tono ng boses ni Kyeowo habang tinatawagan ko siya kanina. Parang.. ayaw na muna niya akong makausap.

Kung sa ganung mukha, nakakaramdam talaga ako ng matinding konsensya. Ang bait niya kaya para iwan lang doon. Wait! May Wi-Fi kaya dito? Alam ko.. may Wi-Fi sa lahat ng buildings eh. Matanong nga..

"Hoy! May Wi-Fi ba dito?"

"Ganyan ba kahirap ang angkan niyo? Hindi niyo ba afford ang magpa-line or load man lang?"

Aba! Bilhan ko pa siya ng Telecommunications company eh! Kapal ng mukha nito!

"At ganyan din ba ang lahi niyo? Maraming sinasabi? Wala namang binatbat sa amin. Laging number two."

Pabulong lang ang sinabi ko. As in walang boses, baka malaman pa neto yung tinatago kong sikreto eh. Mahirap na.

"Ano? Anong sinabi mo?" Sabi niya tapos umalis sa lungga niya at sinilip ako sa taas na hindi naman nakadungaw sa kanya. Ayoko siyang tingnan, mahirap na di ba?

Pretentious {Ellipsis}Where stories live. Discover now