Chapter 20 >>>> Wish (FINAL CHAPTER)

74.6K 1.6K 567
                                    



A/N:

Halaaaaaa! First story ko po ito na natapos! Yay! Sawakas nakapagpatapos na din ako ng story. Minsan kasi alam ko lang simulan eh. Hihi. At dahil binabasa mo to ngayon gusto kong maagpasalamat sayo sa pagbabasa mo sa SMGB.

Thank you sa mga silent readers! Sa pagbabasa ng story ko, alam ko di kayo nagvovote or comment pero okay lang. Ang mahalaga binasa niyo to. Wag kayo mag-alala isa din naman akong silent reader eh. Hihi :)



Thank you rin kela @CuteeyBhaby, @rooftop, @KristineCabreira. Sa walang sawang pagvote, comment sa story na ito.Salamat sa suporta!





ANG LAST CHAPTER NA ITO AY DEDICATED SA'YO. OO IKAW! IKAW NA NAGBABASA NITO NGAYON. :) Thank you!.

--------------------------------------------------------------------------------------







ANDREA's POV







"Andrea let's talk" Tawag sakin ni MJ, pero hindi ko siya pinapansin. AYOKO SIYANG PANSININ. Galit ako sa kanya. Galit na galit.







"Uy Andrea, pansinin mo naman ako" Kulit niya. Mula kaninang umaga kinukulit na niya ako hanggang dito sa Office nangungulit siya.







"Can't you see I'm busy?!" Sigaw ko sa kanya. Well, di ko dapat siya sinigawan pero..naiinis talaga ako









"S-sorry" Sabi niya lang tapos umalis na. May naramdaman akong kirot nung umalis siya, ewan! ang gulo-gulo ko! Kanina kinukulit niya ako naiinis ako tapos ngayong umalis na siya bakit parang....nasaktan ako.



Dahil wala ako sa mood pinacancel ko sa secretary ko lahat ng appointments ko today, even meetings. Dumiretso na lang ako sa isang restaurant bar at tinext si Shazia para samahan ako. Umorder agad ako ng beer pagdating ko, nakarating naman agad si Shazia kasi malapit lang yun sa boutique niya.





"Girl, anong problema?" Nag-aalala niyang tanong sakin tapos tinabihan aako sa pag-inom, di ko siya sinagot inabot ko lang sa kanya yung isang bote ng beer.







"Uy girl naman, ano ba kasi yung problema? Yun parin ba yung iniisip mo nung minsan?" Tanong niya sakin.







"Shaz, you know MJ right? Yung bestfriend ko na kinukwento ko sayo dati" Simula ko. Tumango naman siya as a response







"May nangyari samin, pero after nun inamin niya sakin na straight na siya. Galit ako sa kanya, bakit simula pa lang hindi niya sinabi sakin? Bakit hinintay niya pang magkaganito? I love-- I love him, tinanggap ko na nga na mahal ko siya kahit bakla siya.. Hinanda ko pa nga sarili ko na makipagkumpetensya sa mga lalaki.. Pero sana inamin na niya sakin una pa lang para di na ako nagmukhang tanga" Di ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na ako. Ang sakit. ang sakit sakit.







"Galit ka ba dahil nagsinungaling siya sa'yo? o galit ka dahil nagmukha kang tanga?" Tanong niya sakin







"Shaz, parehas lang yun" Sagot ko naman sa kanya. Tapos kinuha ko ulit yung beer ko at uminom









"Girl, magkaiba yun. Galit ka ba dahil nagsinungaling siya sa'yo? Na hindi niya sinabing straight na siya o galit ka dahil nagmukha kang tanga? na tinanggap mong mahal mo siya kahit bakla siya at nasagasaan yang ego mo" Pagsabi niya nun eh napatigil ako sa pag-inom. Tama siya.magkaiba nga yun.







Seducing My Gay BestfriendWhere stories live. Discover now