Chapter 2 >>>> RED TIDE

76K 1.3K 85
                                    

"BRU! Gising!!" Sigaw ni MJ sakin sabay yugyog sa balikat ko

"Eeh! Ano ba bakla inaantok pa ko nakteteng!" Sigaw ko sa kanya sabay hampas sakanya ng unan na yakap-yakap ko

"Bru! Gising ka na dali! May bisita ka!!" Sigaw nanaman niya. Teka? Eh bakit ganun tono ng boses niya?

"Ano ba naman yan! Sino ba yung pesteng bisita kong yun?!" Sigaw ko sabay bangon

"Oy chill ha! Yaan mo gwapo naman bisita mo teh eh. Yung nakilala mo kagabi" Sabi niya na may tonong tili pa. Umiral nanaman ang kalandian

"Si Rajo- No, umm Ryan? Ugh! I can't even remember his name! What is he doing here ba?" Sabi ko Nakilala ko kasi yung lalaking yun kagabi sa bar nung iwan at naglandi na si MJ kagabi. Tinabihan ako nung guy na yun at nagpakilala, we started kissing pero hanggang first base lang. Di ko siya type eh. I'm a B-I-T-C-H remember? 

Tumayo nako at dumiretso sa bathroom ng kwarto ko. Naghilamos ako at nag-ayos. Sumunod naman si MJ sakin

"His name is Raphael. You bitch, kalandian mo lang kagabi nakalimutan mo na pangalan niya?" Nagsimula nanaman to

"Whatever" Sagot ko na lang. Pakshit ang aga-aga pa eh.Lumabas ako ng bathroom at dumiretso sa kama ko at humiga ulit

"Hoy! Babaan mo na yung bisita mo! Sayang naman ang kagwapuhan nun" Sabi ni MJ tapos tumabi din ng higa sakin

"Bah, hayaan mo siya ang aga niya pumunta eh tsaka wala naman akong sinabing puntahan niya ko at wala siyang karapatan puntahan ako wala kaming relasyon!" Sabi ko, inaantok pako kaya pumikit ako

"Gaga ka talaga" Tanging nasabi ni MJ

"Pano niya pala nalaman saan ako nakatira?" Tanong ko sa kawalan, napaubo naman ang baklang nakahiga sa tabi ko

"Ah- S-sorry,Kagabi.. He's so gwapo kasi eh I can't resist his charms kaya I told him where we live" Sagot niya. Sabi na eh

"Hay nako bakla ka, kundi lang kita kaibigan matagal ko ng pinutol yang ano mo sa kalandian mo eh!" Sigaw ko sa kanya tapos bumangon na ulit ako at naghanap ng damit. Naka'night gown lang kasi ako ngayon

"Bakla look!! OMG! May tagos ako may tagos ako! YAY!" Tili nanaman ni MJ, tinignan ko yung kama may stain nga sa bedsheet. OH SHIT! 

"GAGA KA TALAGA! Akin yan" Sigaw ko nanaman at ang Epic ng reaction niya

"Ay pucha kala ko akin, next month pa pala ako dadalawin" Sabi niya sabay diretso sa drawer tapos binato ako sanitary pad

"Sweet mo ever. Asaness ka pang magkakaroon ka mawawalan muna ng pera ang bangko bago ka magkaroon ng mens!" Sabi ko, di na siya sumagot lumabas siya at narinig kong kinausap niya si Rya- ay Raphael

"Sorry she's not feeling well eh, Red tide kasi" Arteng sabi ni MJ kay Raphael

"Huh? Red tide? What about it?" Tanong naman ni Raphael na naguguluhan. Ay slow!

"Ganito kasi yun, nakakain kasi siya ng seafood na nalunod sa dugo kaya ayun lumabas" Hay ang gulo din naman kasi netong baklang to eh!  Hindi ko na narinig na nagsalita si Raphael siguro umalis na. Dumiretso nako sa bathroom at naligo

Seducing My Gay BestfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora